Pages - Menu

Tuesday, December 27, 2016

Meet my Clet


"Hi, my name is Anacleta. You can call me Clet. I am Sir_Ko's gift for YummyliciousLady and I am purple because I am not allowed to be any other color. I think YummyliciousLady likes me very much. And one of these days, people will say that YummyliciousLady plays with her Clet all the time."

That was my Facebook post and I wrote it right after I held Clet for the first time. Ang saya, saya, saya!  

































Monday, December 26, 2016

Pleasure is yours, always.

This yuletide season, may you find joy in life's simplest pleasures. Do everything within your capabilities and capacity to find out what gives you pleasure. In moments that you find your heart's purest desires, pursue them relentlessly. You don't have to rely on anyone. You are your own pleasure machine.

Speaking of pleasure. This is us (me, BF and MP), trying to decode the pleasure points in this scene from our best "Friends." Seven zones are mentioned but recent studies indicate... twelve. How fun is that?

Have a pleasurable rest of the year and in all years to come!






Sunday, December 25, 2016

Happy Birthday, Jeezaaaaaaas!


May your days be filled with love, hope and joy.


Thank you for your well wishes, support and prayers. Thank you for visiting my blog.


Please continue to pray for our little ones to always be happy, healthy and safe. And for our marriage to last all the tests of time... and the wrath of my raging hormones.



Saturday, December 24, 2016

Noche Buena Mano




Hindi ako nagbabasa ng blog ko pero ako ang nagsusulat kaya sigurado ako na mga 100 times na ako nagkaroon ng post na ganito ang tema. Sa totoo, scheduled post ito. Hinahanda ko na rin ang aking sarili para sa mga gusto kong gawin forever at sisimulan sa December 23 (unang araw na wala akong pasok ngayong yuletide season). Gagayahin ko yung START-STOP-CONTINUE tapos lalagay ko ang help needed para may ambag ka naman sa ekonomiya ko.

START
  • Magbasa ulit ng libro. Minimum of one book per month
  • Swimming, thrice a week.
  • 24-hour fasting. Once a week.
  • Saving some money from my 10-25 payday allowance. Minimum P50 per week.
  • Sending one email per day to Sir_Ko

STOP
  • Smoking
  • Drinking coffee and all colored and flavored drinks (except pag may manlilibre or pag may espesyal na okasyon)
  • Extra rice

CONTINUE
  • Blogging. Minimum of three posts per week.


HELP NEEDED
  • Don't think that I've changed kung hindi muna ako sasama sa mga yosi-kape-inuman sessions until stable na ako.
  • Don't make me spend on unplanned shit. Nakakagulo sa budget ko.
  • Support me. Remind me about this post kapag nate-tempt akong gawin yung mga nasa "STOP." Pero be gentle. Masama ang ugali ko kapag binabraso ako. Yung isang stick kaya kong gawing isang kaha yan.
  • Patience. Baka mag-beast mode ako.
  • Prayers.


Friday, December 23, 2016

Achievement Unlocked

Kung may computer o laptop na naka-assign sa iyo sa trabaho, alam mo yung pakiramdam na ang daaaami mong gustong gawin pero hindi mo magawa. Sa akin, walang problema kung may blocked websites kasi magagawan iyun ng paraan. Ang ayoko sa lahat yung hindi mapalitan ang windows image kapag naka-lock ang computer o kapag bagong bukas. Like this.

















Pero kagabi, nagkaroon ako ng panahon na kalikutin si Ate V (my work laptop). May nahanap ako na easy steps to follow para makalampas sa blue screen. Disclaimer muna: may administrator access kami sa laptop namin kaya nagawa ko ito. O, okay na tayo? Presenting... my brand new wallpaper. Yan na ang lumalabas pag bagong bukas o pag ni-lock ko ang laptop. Hihiii...



































Ang problema ko lang ngayon, ganadong ganado ako pero bakasyon na. Haha! Joke lang. Siyempre gusto ko ang bakasyon. Pero seryoso ako sa parteng ganadong ganado akong mag-trabaho. Ikaw ba naman ang i-welcome ni Lola Madonna kada magtatrabaho ka o.


























Inggit ka ba? Check mo rito kung paano. At kung kailangan mo ng tulong ko, leave a message with your contact details and I will help you. Pero hep-hep-hep... bago ang lahat, uulitin ko. Dapat may admin access ka kasi kung wala, eh nga-nga!

Thursday, December 22, 2016

Puro na lang hugot, pasok naman please.


























Nasira ang barista robot kanina lang. Sinusubukang ayusin ng mga tao sa tindahan pero ayaw talaga magtino. Nagtanong na ang kahero.

"Cancel na ba o hihintayin niyo maayos?"

Nagpaka-bibo yung kasabayan kong naglalaway sa kape.

"Sanay naman akong maghintay."

Nagkagulo na. Tawanan, kantiyawan, tapos ang pinakamaingay na salita ay "HUGOT."

"Ang lalim ng hugot ni sir ah!"

Bigla akong nainis. Hindi ko alam kung dahil lang ito sa caffeine deprivation, pero naisip ko lang bigla na balang araw, mamamatay ang mga salitang gaya ng:

  • Niloloob
  • Saloobin
  • Kinikimkim
  • Dinaramdam
  • Piping pagnanasa
  • Piping paglingap

Nalungkot akong bigla. Sa sobrang bisaklat sa pakiramdam ng mundo ngayon, lahat na lang nilalabas at ginagawang katatawanan. Don't get me wrong. Nakikitawa din ako sa mga hugot lines na yan. Actually, libangan ko ring gawing pang-heartbreak city ang mga konsepto sa trabaho. For example, nung trainer ako sa isang travel account naimbento ko ang catch phrase na "I'm a chance passenger in your overbooked flight." Pero hindi ko sinasagad, kadalasan tulong ko lang sa sarili ko para maalala ang mga bagay.

Awat na sa hugot, mga kababayan. Baka malimutan na natin ang tunay na ibig sabihin ng masaktan, maiwan, magmahal at mag-alinlangan. Magtira tayo ng mga "feels" para sa atin, para sa mga makata, artista, pintor at manunulat. Hindi puwedeng masaya tayo lahat. I'm sorry, hindi talaga puwedeng tatawa lang nang tatawa. Hindi puwedeng nagtatago lagi sa "hehe"para kunwari cool.

At higit sa lahat, laging tatandaan. Ang hugot ay abala sa sarap. At wala ng mas sasarap pa kapag nadurog ka at nabuong muli.


Wednesday, December 21, 2016

Bugbugan sa Vogue


Ito yung classic na music video ng Vogue. Parang walang kahirap hirap si Lola sa mga galawan niya dito pero kung Madonna fan ka, alam mong there is no such thing as maskipaps (maski papano) steps sa Lola natin. Bawat hakbang may bilang, bawat kampay ng kamay, parang magic. Itong si Madonna, ang mga kamay at paa niya ang tunay na PRECISION TOOLS. Ayaw maniwala? Tingnan ang sumunod na video. It's 30 minutes of OMG.

Salamat kay Masikip na nakahanap ng outtakes.



Napagod ako rito.

Tuesday, December 20, 2016

Welcome to our 2016 Baranggayan Christmas Party!

Ang paborito kong Christmas Party since 2014 ay ang aming napaka-espesyal na "Baranggayan" version. Hindi ko na maalala kung paanong yung pangalan ng Viber Group namin ay naging "Baranggayan" pero sigurado ako na may kinalaman yun sa pagka-war freak ng mga tao sa grupo. Grabe ang murahan at awayan sa chat group namin, sure kami na madalas naming mapaiyak si Mama Mary.

Noong unang dalawang taon, pang-tradisyunal na Pinoy noche buena ang mga handa namin. Pero ngayong taon, may mga cravings ang mga dominant force sa grupo. Dominant force being the beklas. Yes, mga bakla. Sa relasyon namin na maraming taon na rin naman ang pinagdaanan, ito ang solidong batas: laging bakla ang nasusunod. So sabi ng dalawa...

E ano pa bang magagawa kundi ibigay ang hilig. Umabot pa kami sa talipapa ng Carmona para maghagilap ng tinapang tamban at galunggong. Nagtanong din pala kami kung saan may tindang mga kuwitis na pang-fireworks display kasi may pinagdiriwang kaming career milestone ng isa sa amin (secret pa muna kung ano yan). Kaso, negative. Nalungkot ako ng slight.

Image Source: http://carmonagov.net/mhome/images/CarmonaPubllicMarket.jpg
So, nung mairaos ang tinapa, ayus na ang lahat. Ito ang kinalabasan ng aming Christmas spread.


Nagkataon, ang ulam nila Luz Klarita nung araw na iyon ay munggo. So pak na pak sa eksena, pasok na pasok sa banga, kaldero, plangganita, planggana at lahat ng sisidlan. Ito ang Christmas spread kasama ang munggo.


Swak na swak ang description ni Dory sa aming handa. Sabi niya nga sa Facebook:

In the spirit of Christmas this month, and the Lenten Season in April, please see the fulfillment of our collective cravings below:
- Christmas Ham (fried and unfried; mayaman slices)- Ginisang Munggo- Elusive Tinapang Tamban and Galunggong- Itlog na pula with Kamatis and Sibuyas - Quezo de Bola- Kanin (siempre) - Ice Cream (not in the picture)- ...'s Cream-Cheese-Yoghurt-Garlic Dip - ...'s Blueberry Cheese Cake (not yet in the picture, too) - Coke#ChristmasYearThree #PeopleSupport #PeopleCulture

Nung unang taon naming mag-Christmas Party, si Gabby, ang napaka-kyut na inggleserong little boy ni Luz Klarita ang nag-lead ng prayer before meal. Nuong ikalawang taon, si Dory naman. Siya kasi ang pambansang mandarasal ng grupo. Pero note na hindi ibig sabihin nun ay mabait siya (biro lang, Dory!). This year, si Pussy ang leader. Maganda naman ang pagdarasal niya. Very sincere at mula talaga sa puso. Nalito lang kaming lahat pagkatapos kung talaga bang tapos na kami magdasal. Kasi biglang tanong siya ng "Ganun ba magdasal?"

Marami pa akong kuwento sa mga naganap. Kaso hindi ko naman ito full-time job, saka na lang ang iba pang detalye. Ang punto lang naman ng lahat ng gusto kong sabihin ay iisa. Masayang, masayang, masaya ako kapag kasama ko sila. Sana kahit 85 years old na kami, meron pa ring Baranggayan Christmas Party.



Monday, December 19, 2016

Time Out

Nakakita na ba kayo ng batang pinaparusahan? Ok, here it is. Paano ba naman, sa di maipaliwanag na dahilan e naisip niyang saksakin nang paulit-ulit ng maliit niyang gunting si Aling Ubay (yung maliit naming laptop). Eh di ayun, arestado siya ni Sir_Ko.

Sa totoo, hindi naman naka-gapos pose ang mga braso ng mga anak namin kapag tina-time out sila. E ang kulit din nito ni TNLO, naglalaro pa rin siya sa sulok habang naka-time out kaya ayan, nagkaron tuloy ng proper position sa parusa niya.

Buti tulog ako nung nangyari ito. Baka ako ang umiyak.


Sunday, December 18, 2016

Balik Aklat Project - 2016 - 2nd Update

Grabe na ito. Nakakalungkot na Mayo pa noong huli akong nakapagbasa ng libro. Ika-apat na libro ko pa lang para sa 2016 itong Harry Potter and The Cursed Child. Sana next year maka-minimum of 12 naman ako. Hindi matanggap ng kalooban ko na puro email, work-related reading materials, Facebook links sa mga online articles at memes lang ang inaatupag ko for so many years. Hindi talaga ito puwede. Di bale ng mataba kung mataba naman ang utak, puso at kaluluwa sa pagbabasa ng mga malinamnam na babasahin.

So ito ang goal ko for 2017. One book per month. Non-negotiable. Maghihiwa ako ng blade sa braso pag nagmintis ako. Choke only. But yes, I mean it.

04. Harty Potter and The Cursed Child
By J.K, Rowling, Jack Thorne and John TiffanyReading Period: 14-December-2016 to 15-Dec-2016 (09:44AM)Image Source: NeoSoarBook app, screenshot from my phone




Saturday, December 17, 2016

MuraKami

Hindi iyung author. Mura Kami. Nagmumurang kamias, kamatis at kung anu-ano pa.

Bilang nababasa, nakikita at naririnig ko kung paano maglandian ang mga kabataan ngayon, sinubukan kong mag-send ng selfie kay Sir_Ko. Nasa trabaho siya nito kaya sa Skype ako nag-message. Sabi ko hindi ako makatulog at mag-send din siya ng selfie sa akin.

Ang sagot.

"Hindi ako marunong gumamit ng webcam dito."

Hay. We are so old!

















Friday, December 16, 2016

Feelingerang Froglet

Nangyari na ang kinatatakutan ko. Meron na yatang may gusto sa akin sa trabaho. Prinsesa raw ako o. Chareng. Maraming salamat kay Anonymous for my gift na ang lakas maka-puberty. Lipistik pala akala ko crayons.






Thursday, December 15, 2016

Sus!


Confusing talaga, guysh. Pag may balat ay unshelled, pag wala e shelled? Diba dapat DESHELLED? Or deshellnized, just like... devirginized.


Which leads me to... pano pag di na virgin ang extra virgin olive oil?




Poetry brought to you by global warming

Kahit sumuko ang ulap,
At maglaho ang langit
Basta nandiyan ka,
Dadaloy ako sa iyong walang pag-aalala.

Kahit saglit lang
Kahit sa isang kisap lang ng mata
Kahit walang pangakong makikita ka
Araw araw kitang tatagpuin

Para mapaso ako.

At maglaho para maging ulap,
para maging ulan,
para bumalik sa buhangin,

Mahawakan ka lang.
Madampian ka lang.
Makilala ka lang.
Makita ka lang.
Marinig ka lang.

Nauubos akong dumadami.

 

Wednesday, December 14, 2016

Handa ka na bang ibigay ang iyong Kewpie?

Mga kumare, baka wala pa kayong pang-regalo sa mga labidabs niyo ngayong Pasko. Subukan niyong magbigay ng Kewpie. Masarap, sariwa, walang kapares ang lasa. Babalik balikan talaga ito ng makakatikim. Bili ka na ng marami kasi pinapakyaw talaga ito kapag season of giving. Ingat lang sa pagi-imbak. Mahirap na kapag nag-expire ang iyong Kewpie.


No Tasty, Noooo!!!


Ako lagi akong nanonood ng mga videos ng Tasty sa Facebook. Pero kinilabutan ako rito sa isang ito. Parang bunga ng constipation.




Tuesday, December 13, 2016

Bigay Kahulugan

Bago ko pa nabasa ang kakikayang libro na "He's Not Just Into You" dinurog na ng tatay ko ang lahat ng aking mga nakakahiyang pantasya pagdating sa pag-ibig. Ishe-share ko ito sa inyo kasi baka makatulong. Babae ka man o lalake, bakla o tomboy, o kung ano pang gender (di na ako makasunod these days sa dami ng acronym), applicable ito. Wala naman kasing pinipiling kasarian ang pagpapaka-dalubhasa sa BK (Bigay Kahulugan). Sana maka-recover ka na. Kung ang ibig mang sabihin niyan ay mangumpisal ka ng marubdob mong damdamin sa subject of your affection o di kaya e maghatol ng amnesia sa sarili para makalimot, go. Push mo iyan. Kasi kung hindi, padadalhan kita nung certificate diyan sa ibaba. Ipaaabot ko sa crush mo para mas may audience impact.

Ako: Papa, yung isa kong kakilala lagi akong inaayang mag-kape at saka kumain. Lagi kaming sabay. Tingin mo ba type ako 'nun?
Papa: Ahh... hindi. Lagi lang siyang gutom.
Ako: Naman eeeeh!
Papa: O bakit, may sinasabi ba siyang gusto niyang maging steady na kayo? 
Ako: Wala po.
Papa: Ayun naman pala. Kung walang sinasabi at laging nag-aaya, ibig sabihin lagi lang siyang gutom. Yun lang 'yon.


Thursday, December 08, 2016

Filler

Bilang wala akong maisip na transition post mula sa matagal na pagkawala, magtatanong na lang ako. Kung may tenga ang lupa at may pakpak ang balita, may thigh part kaya?

Wednesday, August 24, 2016

Mga Naisip Dahil Sa Pokemon GO


Hindi ako nakikisali sa kaguluhang ito kasi, bilang may addictive personality ako, natatakot akong masira ang buhay ko sa kakahanap ng pokémon. Pero natutuwa talaga akong panoorin ang mga kaganapang dulot ng malupit na app na ito.

For example, nakakaaliw ang di maikakailang age difference ng mga players base sa kung paano nila tinatawag ang mga pocket monsters. Kapag nasa early 20's, sasabihin niyan, "ayoko na ng Rattata ang dami ko na niyan." Pero pag kaedaran ko, "puro na lang daga, gusto ko yung alimango naman." Kabisado ng mga bagets ang pangalan ng mga halimaw. Hindi naman papatalo ang henerasyon namin sa pagkilala ng mga hayop. Aba, sosyal pa yata ang Manila Zoo nung bata pa kami. Nakita namin lahat yan dun.

Masdan ding mabuti ang gigil ng mga daliri kapag hinahagisan ng bola ang mga cute na nilalang. Yung mga bata, soft and swift movements lang ng hinlalaki huli na nila yan. Yung mga tiyuhin at tiyahin gaya nami, halos madurog ng hintuturo ang screen ng telepono bago maka-jackpot. Wagas na wagas yung pag-target, kala mo nananalakab ng hito sa bukid. Sasabayan pa ng "ayan, ayan, huli na!" Sanay kasing magpasabog ng kalabang tangke sa Battle City. Hayaan niyo na.

Pero iniisip ko maigi, kumportable ba ang mga tao na bukas lagi yung location services ng telepono nila? That's a scary thought for me. Imagine, paano kung may gustong pumatay sa iyo? Eh di ang bilis bilis malaman kung saan pupuwesto ang mga sniper (or worse, kung san ilalaglag ang bomba). Bibilhin lang nila ang impormasyon mo sa makers ng laro, ayus na ang buto-buto ng hired killers mo. Paano kung may isang drug pusher convention sa isang Poké Stop tapos ang maitim na balak ng gubyerno eh pasasabugin silang lahat. Tapos nandun ka dahil ang massive media campaign e lalabas dun si Pikachu? Bokot.

Sabagay, baka nega lang ako. Wala naman yatang napatay sa Takeshi's Castle. Siguro naman hindi yan gagawin ng mga brains and bigwigs behind the game.

Dun na lang siguro tayo sa mga positibong puwedeng mangyari. Puwedeng gawing reward ang mga makulay na hayup na yan for noble things. Gusto mo ng Pikachu? Magpa-HIV test ka. Bibigyan ka pa ng lima kapag binalikan mo ang results. O kaya, kapag nagbayad ng tama at makatarungang buwis si Henry Sy, gagawing isang higanteng Trainer Gym ang SM MOA. Puwede na silang sumingil ng entrance fee at WiFi access fee pag nagkataon. Maliit na bagay kumpara sa malaking buwis na kapalit diba?

Eto pa. Job Fair, gagawing Poké Stop. Mga opisina, retention plan. Pabahain ng pokemon sa opisina to the point na puwede nang mag-compete internationally ang mga empleyado.

Of course, of course, sa lahat ng ito, yung mga nakaimbento pa rin ang yumayaman. E ganun talaga. Sila ang nakaisip e. Kaya dapat mag-isip din tayo. Ako gusto ko kunin yung technology nila pero sa halip na pokemon ang huhulihin e mga taong gumagawa ng mga masamang bagay na hindi punishable by law ang nahuhuli tapos ang picture diretso sa isang public website. Dumudura sa daan? Huli ka! Nagpapahid ng kulangot sa dingding ng banyo? Huli ka! Sumisingit sa pila? Chuk! Gotta catch em all. Kasi sa maliit naman nagsisimula ang lahat ng malalaking bagay e. Tagpasin na yang mga pagdahak-dahak na yan bago pa maging chemist ng shabu ang mga turistang tinutukoy ko.

At hoy, kayong mga players, iligpit niyo naman mga sarili niyo. Pokemon dapat ang pakalat-kalat at hinuhuli, hindi kayo.

Thursday, August 11, 2016

Kumusta Naman? 5 Years!

5th anniversary ng blog ko kahapon. Hindi man lang ako nakapagpa-party sa 12 readers ko. Sorry naman.

Miss na miss ko na magsulat dito. Kaya lang ang dami-daming ganap, hindi ko tuloy maharap ang pagfi-feeling yummyliciouslady. Buti na lang at malakas ang ulan, hindi pa ako makauwi. Makakapuslit ako ng isang post.

Sinuwerte ako nang bonggang bongga. May bago akong trabaho, boss, team mates, opisina at schedule. May bago rin akong laptop (si Ate V, for victory and very good luck) at mumurahing telepono (si Tukyaw, kasi nabili for less than two kiyawsand). May paparating na bagong telepono pero sa dahil simply amazing ang bagal ng SMART sa lahat ng bagay, baka matagal pa yun dumating. So sa mga nakakaalam ng dati kong number, huwag niyo ako hanapin ron. Sabagay, wala na rin ako sa Fezbuk so malamang wala na ring makakaalala. Wekwekwek.

Estudyante ako ngayon. Maraming inaaral. Kasama sa learning agenda yung kung paano magmukhang disente at mabuting tao. Bale araw-araw na akong nagpupulbos, naglalagay ng sinampal-effect sa pisngi and... Wait for it... Nagli-lipstick. Maganda naman ang progress report. Nakakalimutan ko lang laging mag-retouch kaya madalas pakalat-kalat pa rin ako na oily. Saka pala madalas na rin ulit akong mag-english.

Health naman. Eh di ayun. Improving Ang hyperthyroidism ko kaya aim higher na ulit ang timbang ko. Konting panahon pa at magkakaron na ng sariling zip code ang aking double chin.

Family? Ay, no comment. I'm a private person. Tsareeeng! Basta masaya yung umuuwi na kumpleto sila.

And love. Hindi for the country, bakit ko naman isasama ang ganung update. Hindi naman ako kakandidato. Yung love na romantic ang tinutukoy ko. Yung gaya kanina na nakita ko si Sir_Ko sa sakayan ng jeep at para akong may UTI sa kilig. Ganern. So that sums up the love update. As it was in the beginning, now and ever shall be, world without end, since year 1997, siya pa rin ang gusto kong kinakalantari (hindi yan mahalay).

Quarter 3, 2016. Yummy beginnings and constants renewed. Thank you for listening to my stories. Kapit lang, 12 readers. Mas magiging makulay sigurado ang mga kuwento pagpalo ko ng menopause.


Monday, July 25, 2016

Vilatra Engkanakepuh - Part 2

Ang Vilatra Engkanakepuh ay isang nobela/dula/komiks na bunga ng intellectual orgy naming magkakaibigan noong 2008. Hindi namin sinubukang isulat siya kasi natatakot kami na magwarla ang mga komunidad na magagalit kung hindi sila marunong mag-have fun sa mga konseptong hindi normal na pinag-uusapan. Kaya lang, lagi niya akong dinadalaw. Ayaw niya akong patahimikin kaya sige, susubukan ko na rin. Siguro rin, sadyang namimiss ko lang nang husto ang mga kaibigan ko kaya ganun. Hindi ako mangangakong may mga kasunod pa ito. Abangan na lang.

Nandito ang Part 1....

===

"Punyeta, Dindin. Kanina pa kita inaantay. Nagka-varicose veins na ang mga tahong sa tinola sa tagal mo. San ka ba nagsuot na bata ka?"

"Sorry, 'tay. Trapik po kasi."

"Paano kang natrapik e naglalakad ka lang?"

"Ay oo nga pala. Napatagal kami sa paga-ani tay. Ang dami kasing janitor fish ngayon. Mahirap mag-ani ng tahong kapag maraming nakaharang na janitor fish."

"Aba bakit? Kasinglaki mo ba yang mga janitor fish na yan at hindi ka makakakilos pag nandyan na sila? Tigil-tigilan mo nga ako sa mga pa-andar mo Dindin."

"Tay, nagda-drugs ka na rin ba? Tama na ang sugal. Hinay hinay lang sa bisyo please. Hindi po malaki ang mga janitor fish pero ang dami dami damiii po nila. As in. Parang mas marami pa sila sa tubig ngayon. Sabi nga ni Mang Bestre, baka raw sinasabutahe sila ng malalaking korporasyon ng tahong. Hindi naman daw ganyan dati, hindi umaabot sa atin ang mga janitor fish ng ilog Pasig at Marikina."

"Baka may passport na sila kaya umaabot na sa atin."

"Huwaw naman, sugarol ka na nga kumedyante ka pa. Angshoshyal ng tatay ko!"

"Puro ka kalokohan. Maghain ka na at kumain na tayo."

Inilagay ni Dindin ang supot ng pasalubong niyang tahong para kay Mang Dondon sa ilalim ng lababo. Nasulyapan niya na kumikinang ang talong na bigay ng misteryosang matanda. Binulungan niya ang talong. "Diyan ka lang muna ha, mamya pag wala na si tatay, subukan natin yung sinasabi ni lola kanina."

"Ok, wait lang me sa 'yo."

Nabitawan ni Dindin ang isang pinggang mainit na NFA kanin. "Amputanginang talong nagsasalita!!!"

"Dindin! Anubayan! Sayang ang kanin! Pulutin mo habang wala pang five minutes. Dali!"

Nagmamadaling pinulot ni Dindin ang natapong kanin. Minsan, nalilito siya sa kung puwede ba talaga sa kanila ang five minute rule e wala naman silang sahig. Kada may natatapon, humahalo sa lupa at putik. Pero malaki ang tiwala niya sa tatay niya. Naniniwala siya sa five-minute rule na pauso nito mula noong maliit pa siya. Pero mas nalilito siya sa mga nangyari ngayon. Nagsasalita nga ba ang talong o marami lang siyang nainom na maruming tubig kanina habang umaani ng tahong?

"Yes, nagsasalita me."

Napailing si Dindin. Tahimik siyang kumain kasabay ng tatay.

"O Dindin, bakit tahimik ka yata ngayon?"

"Tay, tingin mo ba may mga talong na nasobrahan sa fertilizer kaya nakakapagsalita?"

Natigilan si Mang Dondon. Naalala niya ang huling pag-uusap nila ng nanay ni Dindin. Ang sabi, nangungusap daw ang talong ni Balong, ang kapitbahay nilang basurero. Sino raw ba siya para tumanggi. Ang alam ni Dindin ay sumakabilang buhay ang nanay niya at inagos ng matinding baha kaya di na niya nagisnan. Ang totoo, sumama kay Balong. Tinangay ni Balong ang asawa niya at hindi nanlaban. Nang dahil sa talong.

"Dindin, ang mga gulay ay hindi nagsasalita. Kaya nga pag na-comatose ang tao, sinasabi "gulay na" kasi hindi na nagsasalita at nakakakilos. Bakit mo naman naitanong?"

"Wala naman po. Naisip ko lang." Sinilip ulit ni Dindin ang talong mula sa kinauupuan niya.

"Laging may exception to the rule. Ako iyon."

"Narinig mo yun tay?"

"Alin?"

"Yung nagsalita ngayon lang."

"Anak, mamya kung malambot ang dumi mo at parang nasusuka ka, sabihan mo ako. Baka na-red tide ka. Kung anu-ano yang naririnig mo. Pupunta tayo sa health center agad."

Tapos na silang kumain ay hindi pa rin matahimik si Dindin. Una, yung lolang nagte-twerk na nahimatay, naglaho. Ngayon naman, nagsasalita ang talong. Naisip niyang baka nga na-red tide siya. At kahit nami-miss niya ang tatay niya sa tuwing umaalis, sa unang pagkakataon, excited na siyang umalis ito para masubukan ang pinagagawa ng matanda.

"Dindin, aalis na ako. Mahaba haba ang session namin ngayong gabi. Hindi ako titigil hangga't hindi buo ang pambayad natin ng upa sa bahay. Magpahinga ka na agad. Uulitin ko, pag malambot ang dumi mo at nagsuka ka, puntahan mo ako agad para makatakbo tayo sa health center."

"Hindi po ba puwedeng itext na lang kita? Malayo rin iyong pasugalan e."

"Puwede naman kung pareho tayong may cellphone."

Itutuloy...

Thursday, July 21, 2016

Amenimo Makezu (Unbeaten by Rain)

Heard this from a poetry reading session at work, earlier this year. A colleague, a Japanese national, read this to us in her native tongue and provided printed copies of the English translation. I kept the handout in my in-out tray. Every once in a while, on challenging days, I would read the poem and find comfort and inspiration. I am starting to pack my stuff to move to a new home at work. I am not bringing the sheet of paper with me. Because, "Such a person I want to be." Light, uncluttered, open and true. On my desk and on everything else.

Amenimo Makezu (Unbeaten by Rain)
by Kenji Miyazawa

Unbeaten by rain
Unbeaten by wind
Unbowed by the snow and the summer heat
Strong in body

Free from greed
Without any anger
Always serene 

With a handful of brown rice a day
Miso and a small amount of vegetables suffice

Whatever happens 
Consider yourself last, always put others first
Understand from your observation and experience
Never lose sight of these things

In the shadows of the pine groves in the fields
Live modestly under a thatched roof

In the East, if there is a sick child
Go there and take care of him
In the West, if there is an exhausted mother
Go there and relieve her of her burden
In the South, if there is a man near death
Go there and comfort him, tell him “Don’t be afraid”
In the North, if there is an argument and a legal dispute
Go there and persuade them it’s not worth it

In a drought, shed tears 
In a cold summer, carry on 
Even with a sense of loss

Being called a fool 
Being neither praised nor a burden

Such a person I want to be

Wednesday, July 20, 2016

Surprise Me Much?


Hindi naman sa feelingera ako pero malakas ang hinala ko na may hinahandang surpresa para sa akin ang mga team mate prendships ko. Parang naulinigan ko, may videoke raw saka spa activities. Hindi pala nila alam na ayokong minamasahe ako ng ibang tao. Kasi, sabi nga ng isang mamahaling commercial para sa mamahaling retoke services, "Only Sir_Ko touches my skin, who touches yours?"

Walang nagbabasa ng blog ko pero gusto ko silang tulungan. Kung gusto akong i-quicky surprise (hindi overnight), ito ang mga ganap na ikatutuwa ko nang bonggang bongga.

- Tambay sa Conspiracy Bar, lalo pa kung sakto na may poetry reading at ang tema ay ang paborito kong topic: pag-ibig na wagas at hindi kumukupas.
- Isang masaganang kainan sa Dampa kung saan lahat ay kakain ng maraming kanin.
- Tambay sa coffee shop pero walang masyadong human interaction. May laptop ang lahat, solid ang internet connection, tapos magbo-blog ako hanggang hingalin sa tuwa.
- Manood ng play. Dapat sa PETA o kaya sa CCP at dapat din ay hindi english.
- Umattend ng yoga class. 2 hours please. Huwag Bikram, mamamatay ako.
- Magpa-tarot reading.
- I-sponsor kami ni Sir_Ko ng romantic date. 
At higit sa lahat...
- Maupo lang kahit saan. Mag-kuwentuhan. Magkakilala ulit. Para may baunin akong payapa at masayang alaala sa napipinto naming paghihiwalay. Halos tatlong taon ko rin silang kasama ng 12-14 hours a day, 5 days a week. Kahit paano, mangungulila din ako.

Tuesday, July 19, 2016

Vilatra Engkanakepuh - Part 1

Ang Vilatra Engkanakepuh ay isang nobela/dula/komiks na bunga ng intellectual orgy naming magkakaibigan noong 2008. Hindi namin sinubukang isulat siya kasi natatakot kami na magwarla ang mga komunidad na magagalit kung hindi sila marunong mag-have fun sa mga konseptong hindi normal na pinag-uusapan. Kaya lang, lagi niya akong dinadalaw. Ayaw niya akong patahimikin kaya sige, susubukan ko na rin. Siguro rin, sadyang namimiss ko lang nang husto ang mga kaibigan ko kaya ganun. Hindi ako mangangakong may mga kasunod pa ito. Abangan na lang.

Si Vilatra ay ang makabagong superhero ng mga malabong pangangailangan. Si Dindin siya sa tunay na buhay, ulila sa ina, at kaisa-isang anak ni Mang Dondon, kilalang sugarol sa Baranggay Tulyahan. Pinagsikapang palakihin ni Mang Dondon si Dindin sa sipag at tiyaga. Dugo at pawis ang puhunan niya sa tong-its para may maipakain sa anak. Kapag holiday sa sugalan, suma-sideline si Mang Dondon sa tahungan kaya kinalakihan na ni Vilatra ang hapag kainan na mas masagana pa ang tahong kaysa sa kanin. Paborito niya talaga ang tahong. May sabaw o wala, gustong gusto niya itong kainin.

Noong minsang papauwi si Dindin galing sa pag-aani ng tahong, nadaanan niya ang isang matandang babae na tinatapat ang tumbong sa mga nakaparadang bus. Kakaiba man ang trip ng matanda, wala ng nag-abalang sawayin siya kasi nandun ang Bayan ni Juan sa bus terminal nung mga oras na iyon. Mahaba na ang pila para sa "bring me game." Ang pinabibitbit nung araw na iyon ay stool sample sa garapon. Dapat daw maligamgam kasi kung hindi, disqualified ka. Buti naman may disiplina ang lahat. Natakot si Dindin na kung magkagulo ay maghahalo ang balat sa nataehan.

Nilapitan ni Dindin ang matanda at tinanong. "Anong ginagawa mo nay?" Simple ang nakuha niyang sagot. "Eh di nagte-twerk." Napakunot ang noo ni Dindin. Kinalkula niyang mabuti yung mga nakikita niya sa TV kumpara sa ginagawa nung lola. "May problema ba iha?"

"E nay, nakatuwad ka lang nang slight. Nakatapat lang ang puwet mo sa tambutso. Asan ang twerking diyan?"

"It's all in the mind. Pawis na pawis na nga ako sa isip ko o."

Bigla na lang nahimatay ang matanda. Natakot si Dindin. Para kasing tinatakasan na ng buhay ang matanda. Niyugyog niya nang niyugyog ang lola. "Nay! Nay! Nay!!!". Ginalugad ni Dindin ang dala niyang plastic bag. Hindi niya alam kung anong hinahanap niya pero parang may ideya siya na dapat painumin ng tubig ang nahihimatay. Sumabog ang laman ng plastic bag sa lupa. Puro tahong. Binilisan ni Dindin ang pagiisip ng solusyon. Pumitas siya ng isang tahong, dinai-daiti ang daliri dun sa kuntil sa gitna. Ayun, patak ng tubig! Tinapat niya ang tahong sa bibig ng wala pa ring malay na matanda. Mga naka-sampung dinaliring tahong bago nahimasmasan ang matanda.

"Shit. Dapat talaga nag-zumba na lang ako, hindi pa malakas ang core ko para sa twerking."

"Ayos ka na ba nay? Grabe naman ang pag-twerk mo sa isip mo. Nahimatay ka tuloy."

Dumukot ang matanda ng isang malaking talong mula sa kanyang bra. "Dindin, napakubuti ng iyong kalooban. Ikaw ang karapat dapat na magmay-ari nito."

"Nay, tahong po ang paborito ko hindi talong. Aanhin ko po yan?"

"Isusubo mo ito. Kapag sumayad ang talong sa iyong lalamunan, mapapasaiyo ang kapangyarihan ng lahat ng kababaihan sa buong universe."

"Magiging Ms. Universe ako?"

"Huwag kang masyadong ano. May height requirement yun. Kabisaduhin mo itong dalawang salitang ito. Isigaw mo bago mo isubo ang talong."

Inabot ng matanda ang palara galing sa isang lumang kaha ng yosi kay Dindin. May nakasulat nga na parang lettering sa lumang bote ng San Miguel Beer.































"Nay, kapampangan ka pala. Anong ibig sabihin ng ENGKANAKEPUH?"

Nagulat si Dindin dahil wala na ang kausap niya.

Itutuloy pag may time...

*Nandito ang Part 2

Dirty Thoughts

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na tumawa nang malakas kapag may naduduwal sa banyo dahil sa bugso ng damdamin sa pagsesepilyo. Alam mong napasobra ang paglilinis ng dila at halos pati tonsils nakayod na kapag narinig mo ang "kharkkk" tapos uubo tapos halos maduwal tapos "kharrkkk" nang paulit-ulit. Alam ko masakit yun kasi lahat naman yata tayo naranasan na ang ganun pero kapag inuulit-ulit, gusto kong lapitan at sabihan ng "ayan sige pa, ulitin mo pa" tapos tatawa lang ako nang tatawa hanggang magsuka siya. Tapos sasabihin ko, "ano isa pa?" tapos ituturo ko siya at tatawa ulit ako nang tatawa.

Oo na, masama akong tao. Pero kasi tandaan natin na ang sabi ay brush your teeth three times a day. Teeth, people. Hindi tonsils.




Monday, July 18, 2016

Basa Na Naman Ako

Grabe ang patak ng ulan nung nakaraang Huwebes. Parang dura ng kapreng may ubo. Dahil naglalakad lang ako papasok sa trabaho, basang basa ako sa ulan. Walang masisilungan. Walang makakapitan. SInubukan kong sumilong sa mga nadaanang building kaso hindi ba ako mapakali na nakatayo lang at naghihintay sa wala. Ayun, sumige ako nang lakad.






































Kahit hindi ako takot mabasa, ang bag ko pala ay tinatablan din. Patapos na ang araw ko sa opisina nung napansin kong basa lahat ng gamit ko. Sinasalansan ko silang lahat sa may lamesa malapit sa upuan ko. At dahil alam kong aabutin pa ng kinabukasan bago matuyo ang mga kawawang papel at tela, nag-iwan na lang ako ng sulat para sa mga masigasig naming ate at kuya.

Nalungkot lang ako kasi di naman sila sumagot. Bakit ba kapag sumusulat ako sa mga tao walang sumasagot? #hugot

Sunday, July 17, 2016

#mychangeiscoming


No haze
No regrets
No Facebook
No dehydration
No sleep deprivation
No senseless comparisons
No intellectual and social constipation


Saturday, July 16, 2016

Weekly Menu: July 17-23, 2016

Ang hirap din kasing mag-picture ng papel na may sulat minsan.

Sunday:
SOPAS
Monday:
PAKSIW NA GALUNGGONG
Tuesday:
PORK AFRITADA
Wednesday:
GINISANG REPOLYO
Thursday:
CHICKEN CURRY
Friday:
ADOBONG SITAW
Saturday:
PORK KALDERETA

Friday, July 15, 2016

My Hair

So bale ito ako before, immediately after at ngayong two months na ang nagdaan pagkatapos kong magpa-rebond.






Teddy

Minsan, kawawa rin itong osong ito sa mga anak ko. Kanina, nadatnan ko silang nagtatawanan. Sabi ni TNLO, patay na raw si Teddy. Sinabit pala sa bookshelf. Malamang matetegi nga. Buti na lang wala kaming aso at pusa.


Thursday, July 14, 2016

Bye For Real :D

I kissed Facebook goodbye and I liked it. And I'm doing it again.

On another note, see how violet looks good on FB? Perhaps it's time for the magicians behind FB to consider launching color customization functions for their users. I will still quit it FB but I am quite sure that people will like it. Colors lang ha. Baka magmukhang carnival din yan gaya ng Friendster at Multiply pag tinodo naman nila ang pagbongga.

Last documented attempts? July 2015 & August 2012. Documented. I had several attempts since FB went live.



Wednesday, July 13, 2016

Car Printed?

I saw this over the weekend. Made me miss one of my mentors, a certified Hello Kitty addict. But it also made me wonder if:
1) our family will ever own a car
2) I will be willing to have something like this printed on it
3) Sir_Ko will allow it

Assuming it's a yes for all three, these are my top 10 choices. Ok, now I want my OWN car on top of a family car to justify the last two characters. I look like them. I really do.
  1. Pikachu
  2. Minions
  3. Bugs Bunny
  4. Pong Pagong & Kiko Matsing
  5. Shin Chan
  6. Voltes V
  7. Tinkerbell
  8. Mike Wazowski & James Sullivan
  9. Princess Merida (Brave)
  10. Eep (The Croods)


Tuesday, July 12, 2016

Tattooed On My Mind

Yes, there are days and nights when I can't stop thinking about having you for real, and for life. Henna will never be enough.

"And I can't get you out of my dreams
Now I know that you're the dangerous kind
And your smile is tattooed on my mind
And I can't get you out of my dreams"
~Tattooed On My Mind by D'sound

April 2015, White Beach, Puerto Galera




































Friday, July 08, 2016

Extinction Burst - The One Where I Burst Into Tears

Because TLO has yet to speak, she has very unique ways of expressing her emotions. Needless to say, these unique behaviors require special ways of handling too. Yelling nor spanking won't make the cut. One recommended approach is to ignore the behavior (and the child) when she engages in inappropriate behavior. The rationale being that any response is received as an acknowledgement and unintentional reinforcement. This approach works but can be very challenging especially when there is KALAT involved. A modified approach is to "correct" the behavior by guiding the hands (or any body part) doing the nasty thing WITHOUT eye contact.

TLO wanted my phone. I always fail in reinforcing discipline and control but there are days when I get a little hopeful, so I said no. In response to my rejection, she started throwing stuff around. I was working from home that day, rushing to get some reports done. So I just sat there, working, looking to see what she's doing every two minutes or so. I was screaming inside my head. I was cursing and cussing at nobody, a terrifying feeling anchored on that which I don't know how to handle - the unknown. I kept reminding myself not to be mad at TLO but then another voice asks then who should I blame for all these? I will never forget these few minutes when I was controlling rage and tears. I now know that to be hurt and want to hurt but not know how is the most destructive feeling one can ever experience. I thought I was going to die of frustration.

Eventually, TNLO joined the "fun" and started throwing pieces of paper in the air. He said "rain, rain, rain" and then they pretended to be swimming on paper. Both of them did. There were broken things, hair gel, lotion, water and all sorts of liquid all over the bedroom and living room. I could no longer see the floor. Then they started to pick things up and worked together, putting some of the mess in an empty diaper bag. I could no longer see the floor. But I saw love and acceptance. And I knew we survived a big storm. I knew we fought a big fight and we won.

And I know that we will have more of these moments. But for as long as we are together and I keep my mouth shut and my heart open to possibilities, and my husband comes home to pat my shoulder, we will always do. We are unsinkable.









Thursday, July 07, 2016

It is Nutrition Month. Yey! Yey! Yey?

Yeah, I bet only parents and teachers care. In fact, maybe only pre-school and gradeschool teachers care. I am a parent and I'm not crazy about all the spending, and cutting, and pasting, and sewing, and last-minute preparing, and wearing costumes which will go to waste after two hours, for these events.

It does not matter to me if my children don't know what living or nonliving thing they should be obsessing about for the month. I want my children to know how these concepts are (ACTUALLY) important. See these fruits that the Hubby and I turned to poor garland thingies? I want them to know what nutrients are present in every sweet bite. The hell do I care about them walking around like grocery mascots or retired christmas trees.





























Next month, is Buwan Ng Wika. We've already been told that there will be a parade and the kids should be in Filipiniana attire. Boohoo. Shouldn't people just be speaking in their mother tongue the whole month instead of participating in patriotic cosplay? But hey, we're participating. We don't really have a choice. This is tradition. This is institutionalized shaming (initiation rites to the tyrannical and hierarchical culture of the academe). This is being told on a Thursday to create fruits and veggies decor for Friday, because the teachers want to know who among the parents can do it best. Mind you, they did not forget. They just want to test our abilities.

What can I say? Challenge accepted. Plus, as in all the years of being in school - moral of every academic celebration duly noted. Obedience.

TNLO: Do I have to do this when I go to school?
























TLO: It looks good on you, lil' bro!
TNLO: I refuse to have biodegradable trash look good on me.