Pages - Menu

Saturday, August 08, 2015

Yaya 2G

Ayannnn kumpleto na sila. May dalawa na ulit kaming yaya. PhP 6,000 ang suweldo nila pareho. PhP12,000 kada buwan wala pa yung libre namin na sabon, shampoo, toothpaste at napkin. Sky Flakes na lang siguro ang kakainin namin sa agahan, tanghalian at hapunan. O kaya Cobra energy drink. Pero at least may katuwang na ang aming family sa pag-aalaga sa aming mga anak habang kami ay hinahalay ng mga kapitalista. Etchoz lang, trabaho iyon. Importante.

Utang na loob. Ipagdasal niyo naman kami na sana walang dalang sakit ng ulo ang batch of hires na ito. Sana sila ay mabuti, matapat, maaasahan, may kusa at may malasakit. Sana hindi sila pako na kailangang pukpukin kada kembot. Sana alam nila na ang bata ay parang matanda rin na tatlong beses dapat pakainin sa loob ng isang araw, with snacks in between. Sana makatao ang pagtrato nila sa mga anak namin. Hindi checklist ng mga gawain na walang mukha at walang dam-da-min (tatlong suntok sa aking dibdib).

Nauubos ang aming pera at happy hormones sa mga #1001nannychallenges. Sana dumating naman ang ligaya. Sana ito na yun.

Pasalubungan natin ng masigabong palakpakan at panalangin ang aming 2Gs. Grace at Glea. Pag-igihan niyo mga ate!


How Babies Are Made

Natakot talaga ako. Pakiramdam ko kung nadulas ang daliri ko, mabubuntis ako.



From WomanLog Baby App 


Friday, August 07, 2015

My Phone's Weekend Invasion

Weekend na. May mga maglalaro na naman ng telepono ko. Evidence?


Exhibit A. The Little One In YouTube


Exhibit B. Dad of The Little One in Chrome


I am not complaining. Not at all. I love weekends!


Red and White Checkered Background

I was working on a personal project a couple of days ago. I needed red and white checkered background images and I noticed that there is not enough of these babies online. Well, not in the sharpness and hues that I needed them to be in. The closest one was almost maroon and I don't have access to Photoshop... even Photoshop skills. Yun ang tunay na problema. I have yet to relearn Photoshop.

I ended up making my own images in MS PowerPoint. Way-Way (in Tagalog, para-paraan!). So what do I do with the files now? Might as well share because sharing is caring. Duh... :p





Email me at yummyliciouslady @ gmail dot com if you need the raw MS PowerPoint files


Thursday, August 06, 2015

Simmering... Windows 10

Off to bed now with high hopes about Windows 10.


Maybe when the upgrade is done, the dislodged keys (product of the sum total of our children's penchant for destruction ) will be fixed too. It will be the best upgrade ever.



Wishful thinking aside, you can get a Windows 10 upgrade for zero dollars/peso/gold bars. The Hubby who knows about these kewl things reserved a slot online several weeks ago. His excitement is contagious. Ampogi pa.

I asked one of our IT guys in the office if we're upgrading to Windows 10... no clear response. Blah. If my Hubby decides to shift careers and moves to IT, he is going to be the bestest in town. I just know.



2015 Cost of hiring yaya from agency


Umalis na ang pa-bebe girls namin. Biglaan, two-day notice. Pinauuwi na raw ng nanay ang isa at ang kaberks niya siyempre ay agad-agad na sumama. Dahil nagmamadali, sinuong na naman namin ang "agency" route. Nakakababa ng matres ang pagtaas ng sahod at agency placement fee. Last year, nasa PhP 5,000 ang placement fee at suweldo. Ngayon ay ito na. Tumataginting na PhP 6,700 ang initial money out para lang sa isang yaya. Dalawa ang kailangan namin kaya kami ay sumasayad na talaga sa poverty line.

(Minimum) Suweldo ng Yaya - PhP 6,000.00
Agency Placement Fee - PhP 5,000.00
Agency Yaya Bond (20% ng suweldo ng yaya) - PhP 1,200.00
Agency Delivery Fee (kapag ihahatid sa bahay niyo ang yaya) - Php 500.00
*Makati rates ito, mas mura madalas sa Quezon City pero ayaw na naming umulit sa mura dahil naging masalimuot ang ending. Nagreklamo ang mga dineploye na yaya sa amin ng Mostacisa Agency na hindi raw sila amenable maging yaya pero pinilit sila at bukod dun e kinukulong pa sila sa bahay-bahayan ng agency. Kinailangan naming magpa-blotter. Aba meron din pala silang ginawan na ng ganito dati (CTRL+F Mostacisa).

Nabigyan nila kami agad ng isang yaya. Ang style ng mga agency, either may mga nakatira na sa kanilang aplikante for deployment o kaya maghahanap pa lang pagkatapos mo magsabi na kailangan mo. Nakatiyempo kami na may isang available. Kinabukasan ay naihatid na ang yaya. Sana naman ay maayos ang pagkatao ng isang ito.

Walang kasiguraduhan ang pagkuha ng yaya sa agency. Iyung huli naming nakuha sa Asonics, mabait sana kaso nagbakasyon at hindi na bumalik. Maasahan ang Asonics, gaya ng iba pang nasubukan naming agency, sa mabilisang deployment. Pero masakit sila sa bungo kapag may issue sa replacement. Lagi kasing kasama sa contract na may free replacement within six months kung may problema sa nabigay na yaya. Ang kaso, ito yung mag-aantay ka kung kelan nila gustong bigyan ka. Siyempre alangan namang unahin ka nila eh hindi ka na magbabayad. Halos dalawang buwan kaming naghintay ng replacement last year. Kund hindi pa ako nagbantang magrereklamo sa DOLE para masuspinde ang lisensya nila e hindi pa kami maaasikaso.

E maski naman hiring sa kakilala eh problema rin. Ang mga yaya these days parang call center agents. May lakas ng loob magmalaki kasi ang taas ng demand sa kanila. Walang pakialam sa trabaho kasi laging may malilipatan. Hay naku, Pilipinas. Hay naku talaga.

Asonics Employment Services
Address: 2107-1D, Nuestra Senora Street
Cor. Antipolo Street, Guadalupe Nuevo
Makati City
Phone Numbers: 00632 896 9219 or 895 7507 
Mobile number: 0933 6899901 
Email Address: asonics_employment@yahoo.com

Cherryland Manpower Services

My "Immaculate Collection" (Playlists Work At Work)


I am able to recall details of projects and tasks by the songs that I was listening to while working on them. If being brutally honest were sincerely acceptable in the work place, I would have replied to a lot of questions this way...

"Yeah, I remember that. I was on Hard Candy when I submitted those files to you."

Add caption


Wednesday, August 05, 2015

Sometimes I wonder...

Why do I even bother? I start and end my day planning. I keep to-do-lists in all imaginable places. I have a work list, a mommy list, a self improvement list, blog posts list, name it... I have it. There are days when I even find the need to have a list of my lists to keep up with all my notes.

A friend sent this to me through Viber. From one of those days when I was feeling so low because of "crossing-out" deprivation. You know, that special feeling when you cross out or check them things on your grim and determined checklist.


PartyProofers Photobooth - The Best And Most Affordable Photo Booth Service in Manila

This is a late "super thank you" post for PartyProofers Photobooth. We hired them for our kids' joint birthday party (nagtitipid kaya joint) last April and we just loved them. Ang mahal ng mga photo booth rental services, malapit na ako maglupasay. Ganun katindi. And then I saw them online. Mura, maayos kausap, may puso at kaluluwa. Tinulungan pa nila ako sa pagpapaganda nung final design kasi pakialamera ako at gusto ko kasali ako sa creatives.

Pareho kaming may work ni Hubby kaya bongga yung by bank deposit ang first payment installment at on the day of the event na ang next 50%. Natuwa rin ako na by email at FB messenger kami nagsisinop ng design ni Ms. Heidi. At ang pinakabongga sa lahat, bago natapos ang event ay hawak na namin ang CD ng lahat ng pekatyurs. Ay may mas pinakabonnga pa pala. Medyo natuwa masyado ang guests namin kaya nagkaubusan ng ref magnet printing paper. Nung nangyari iyon, maayos silang  nakiusap sa guests na kung pwede mag-reserve ng papel para sa aming family. Hindi namin kinailangang sabihin yun, naisip na agad ng staff. Ang sweet.

Sana ay subukan niyo sila, mga suki! At sana ay magtagal pa ang business na ito kasi may mga party pa kaming paparating in the years to come. More children, more parties. Hehe!










Facebook Page: PartyProofers Photobooth
Mobile Numbers: 09055031271 / 0927345437
Phone Number: 8041650
Email Address: partyproofers@yahoo.com.ph

PACKAGES (as of April 2015):

Party Just Light
(Unlimited 1 Hour) – Php 2, 500.00 only discounted rate from Php 3, 000.00 
With Customized Backdrop, Personalized frame, NO Stop Time

Party Just Right
(Unlimited 2 Hours) – Php 3, 500.00 only discounted rate from Php 4, 000.00  
With Customized Backdrop, Personalized frame, with Stop Time up to 30 minutes

Party of Three
(Unlimited 3 Hours) – Php 4, 500.00 only discounted rate from Php 5, 000.00 
With Customized Backdrop, Personalized frame, with Stop Time up to 30 minutes

Grand Party
(Unlimited 4 Hours) – Php 5, 500.00 only discounted rate from Php 6, 000.00 
With Customized Backdrop, Personalized frame, with Stop Time – 30 to 60 minutes

Corporate Shindig
(Unlimited 8 Hours) – Php 9, 000.00 only discounted rate from Php 10, 000.00 
With Customized Backdrop, Personalized frame, with Stop Time – 30 to 60 minutes

INCLUSIONS:

  • Automated Photo booth with Customized live view function
  • Unlimited shots with print in 4R High Glossy Paper (Original CANON Ink and Photo paper)
  • Customer theme photo lay out (designs in print) Three OR Four frames only (maximum of 6)
  • Free Photo Standees
  • Grab your pictures online thru our Facebook page www.facebook.com/Partyproofers
  • Use of professional CANON DSLR camera
  • Customized Backdrop (Tarpaulin Backdrop)
  • Use of fun props and accessories
  • On Site friendly Operators
  • DVD/CD Copy of all pictures taken
  • With lights and red carpet
  • Set up and removal of booth


ADD – ONS:

  • Full Photo Magnet (instead of Photo Standees) Php 400.00 only discounted rate from Php 500.00 per hour 
  • Customized Signature frame Php 500.00
  • Less than 3 frames Php 500 per hour
  • Double printing Php 700 per hour

Tuesday, August 04, 2015

Ang Aking Slanket

Nitong mga nakaraang linggo ay sobra ang lamig sa office. Matanda na ako at hindi na sapat ang bilbil ko na panlaban sa ginaw kaya nagpabili ako kay Sir ng mumu (mumurahin) na slanket. Medyo matagal ko na gusto magkaroon ng slanket, nagkaroon lang ako ng valid excuse ngayon kaya sinagad ko na. Of course, kailangang aminin na lalong nagkaroon ng special place sa puso ko ang slanket noong nagustuhan siya ng idol ko na si Liz Lemon.
















Siyempre masayang masaya ako nung nakuha ko na. Alam niyo na, great things come from small beginnings kasi. Kahit di ako mahilig sa selfie ay talagang nagpapicture ako sa kunsintidora kong boss. Sabi ko, sige na po please? Sabi niya, ok fine. Una nakatalikod muna. Click. Tawanan kasi mukha raw akong madre rito.





















Sa take 2, sabi ko gusto ko pang-halloween. Parang si Kamatayan o kaya si Voldemort na nakatalukbong. Na-excite ang boss ko. Sabi niya, sige dali daliii patayin natin ang ilaw! Click. Sa picture na ito ay nahintakutan kaming lahat. Pati ako. Paano kasi, hindi ko kamukha! Parang may elemento na pumatong sa mukha ko.


























Kaagad kong kinonsulta si Josie Pussy, ang resident paranormal consultant sa aming grupo. Siya yung binibigyan namin ng picture ng globo para hulaan kung kailan magugunaw ang mundo or tinatanong kung kapag binigyan namin siya ng picture ng pechay namin e malalaman niya kung magkakaroon kami ng cervical cancer. Kinulit ko nang kinulit si Josie na basahin ang picture para malaman kung may sumanib ba sa akin. Sila ang aking takbuhang Viber Group, connected sa aorta ng fatty heart ko ang mga taong ito. Inurat ko nang inurat si Josie hanggang napikon na yata.
"Unang una, bumili ka ng slanket. Pangalawa, sinuot mo sa office. Pangatlo, nagpa-picture ka kasi gusto mong mukha kang Voldemort. And nung successful ang Voldemort eklat mo, ikaw pa ang natakot. Ang masasabi ko lang, kung sinaniban ka man, you deserve it. Tangina ka."
May pahabol pa...
"If you don't freakin get rid of that slanket, ako ang papatay sayo."
Apparently, hindi niya bet ang trip kong slanket.
Josie:  So bihira ko lang ito sabihin, pero Dear, maganda ka. You're not doing yourself any justice by wearing a slanket. Get a jacket na lang please.
YummyliciousLady: Tatlo na lang tayong gising nila Orly. Threesome!
Josie:  Ayan, pumangit ka na ulit.
YummyliciousLady: Hahahaha! Ah gets ko na. Kaya pala di rin boto si Sir sa slanket ay dahil nakakahiya?
Josie: Ayan putangina mo naman pala e, sinabihan ka na nga ni Sir, di ka pa nakinig.
YummyliciousLady: But he didn't say that it's cause I'm pretty. Sabi lang niya ayaw niya for himself kasi magmumukha siyang tanga. Di naman niya sinabi na magmumukha akong tanga.
Josie: I guess he assumed you would make that link for yourself, dahil matalino ka naman.
Hay. I miss you, Josie Pussy. I miss you, Dory. I miss you, B1. I miss you, Xylene. I miss you, Mother D. I miss you guysh kahit hindi niyo naman binabasa ang blog ko. Dahil wala kayo rito sa piling ko, I need a slanket to keep me warm. Really, really, really, warm.

Rub Ribs & BBQ Makati

Ang restaurant na ito ay isang hakbang lang ni Voltes V mula sa dati naming inuupahang apartment kaya nakakakain kami rito mula pa noong bagong bukas pa lang sila. Mahal namin sila dahil sila ay singsarap pero di singmahal ng maraming ribs place. Affordable pero oks na oks, mabait pa ang mga waiters at waitresses (yes, importante yun). Kung wala lang kaming vegan at anti-pork friends, muntik na kaming dito nagpabinyag kay Sopling. Maganda ang events package nila. Lahat consumable at puwede i-serve na naka-buffet style.

Warning, dumating nang maaga kasi hindi nila ugali ang magpa-reserve. Maraming mga kapatid sa karne kaya madalas maghihintay ka nang slight pag dating mo. Warning din, napansin namin na medyo tumabang ang mga side dish nila ngayon, which is ok lang kasi meron namang iodized salt saka paminta sa lahat ng mesa. I guess they are trying to find the palatial middle ground.

Ok, let's talk about THE RIBS. Meron akong mga nabasa na may issue sa karne ng Rub Ribs. Hindi raw nanunuot ang sarsa sa karne. Ako wala akong problema sa karne nila. Perfectly grilled. At ayoko ng matamis kaya gusto ko yung may pasubali sa sarsa (sorry, ito nga ang problema ko sa Casa Verde e). Kung sauce monster ka, merong kasamang extra ang bawat serving. At puwede ka rin sigurong humingi kung dapa ka sa sarsa at trip mong ipaligo ito.


Hindi nagsisinungaling ang menu






Daming tao guysh


P390.00 ito pero nakuha namin ng P150.00 dahil sa deal site


Dalawang side dish, carbs on carbs for me. French fries at potato bacon salad


Ubos na, tulog na tayo!

___

Rub Ribs & BBQ (Makati)
Address: 1703 Nicanor Garcia Corner Baler Street, Poblacion, Makati City
Phone Numbers: +63 9177198522 / 02 8900972

Rub Ribs & BBQ (Pasig)
Address: 88 East Capitol Drive, Kapitolyo, Pasig City
Phone Numbers: 02 6252939 / 02 2121212

Rub Ribs & BBQ (Quezon City)
Address: 64 Scout Rallos Street, Sacred Heart, Quezon City
Phone Numbers: 02 5012799 / 02 2121212

Bakit ka masyadong sensitive, utong ka ba?

Naiinis lang ako na hindi na naman nagtagumpay ang aking launch to stardom bilang Honda Cover Girl. Hay. Nakakaumay. Siguro kapag nagtuloy-tuloy ito, magiging mas sensitive pa ako sa utong. Alam niyo ba kung anong parte ng katawan iyon? :D

Monday, August 03, 2015

Japanese Porn Star Diet


Jenna: I'm on a crash diet to get back to my old weight by Friday.
Liz: Well, what diet is going to do that?
Jenna: Oh, it's the Japanese porn star diet. I only eat paper, but I can eat all the paper I want, so...
~ From 30Rock

Gumagana kaya ito? Wala naman akong balak subukan. Napapaisip lang. Nakakaloka rin na may mga iba pa palang ganitong pauso. Nag-intensity 8 ang lindol ng baby fats ko sa kakatawa dun sa kumain ng cotton balls at saka i-stapler ang tenga para maging sexy. Tigil-tigilan niyo nga ako!





















Captured screen from here

I Want To Be The Next Honda Cover Girl

HONDA
Honda dot.
Uwian pagkatapos ng siyam na oras only.

Sa totong buhay, hindi natatapos ang trabaho ng siyam na oras. Alam niyo yan! Pero matagal ko na itong lifetime goal. Hindi dahil sa buwisit ako sa trabaho. Masaya ang trabaho ko, as in. Pero mas masaya yung may goals ka tapos nagagawa mo.

Bilib ako sa mga nakaka-Honda pero walang napapabayaang trabaho. So iyun, sana magawa ko na rin finally.Work-Life Balance Kemerot. Hindi ko man mabalanse ang hormones ko, magawa ko man lang sa ibang bagay dabah?

Have a Honda week ahead of you!

Sunday, August 02, 2015

Ateh!?!

Pagmulat ng mata ko e mukha ng malditong si Sopling ang bumulaga sa akin. Hinaharot ako. Sabi niya ---

"Ate!!!"

Tawagin ba akong ate? Yun ang tawag niya sa yaya niya e. Hindi ko talaga matanggap. Nung inulit pa, di ko na napigilan. "Puta ka!" Sorry naman nabigla lang.


Gusto kong magsulat (isang sanaysay na hindi umabot sa Palanca)


First draft, 25-August-2014. Wala ng second draft, deadma na. Dito na lang.


Gusto kong magsulat

Mula pa noong natuto akong magtahi ng mga salita, ayoko ng tumigil magsulat. Mas gusto kong magsulat kaysa magsalita. Gusto kong magsulat dahil iyon ang karugtong ng aking lalamunan. Gusto kong bumubuo ng mundo sa papel, parang diyos na marunong humingi ng tawad at magsisi kapag umabot sa puntong dyahe na ang kinalalabasan ng mga nilikha. Kung minsan nga, mas gusto kong magsulat kaysa magmahal. Dahil ang pagsusulat ay hindi humihingi ng kapalit. Gusto kong magsulat dahil kung hindi ako magsusulat, ako ay hindi ako.

Ambigat ano? Akala mo kung sino.

Aba, ako naman talaga ay isang malaking “sino.” Ang pamilya ko ay saksakan ng yaman sa mga ginintuang kwento. Gusto kong isulat na malaki ang atraso ng mga hapon sa lola ko. Namatay sa digmaan ang aking great grandparents at naiwan ang limang magkakapatid na babae sa pagkalinga ng rockstar na si Mama Fausta. Katorse anyos ang Mama Fausta at siya na nag-alaga sa lahat ng kapatid. Sa pananahi at pagtitinda ay nabuhay silang magkakapatid at nakatapos pa ng hayskul. Ang aking lola ay malas sa pag-ibig pero hindi sumuko hanggang sa huli. Panganay niyang anak ang tatay ko na siyang pinakamahusay na bastardo sa buong mundo. Ang tatay kong nag-construction worker, nagtinda ng sigarilyo at naging jeepney driver (hanggang ngayon) para maitawid ang pag-aaral naming magkakapatid. Ang tatay ng tatay ko ay isang buhay na alamat na naglaho noong dalawang taon pa lang ang tatay ko. Kung nasan man siya ngayon, buhay o patay, sana ay hindi siya nakakalimot magsisi.

Lumaki ako sa Tatalon, ang almost-Tondo ng Maynila. Noong araw daw ay uso ang panaan sa Tatalon. Uso na ulit ngayon, kasabay ng bagong dugo ng mga adik. Dati kasi, marijuana at cough syrup lang ang trip ng kabataan sa Tatalon. Sa umaga, kapag oras na ng pagwawalis ng matatanda, usisero akong nagtataka kung bakit ang dami laging bote ng Phydol sa bakanteng lote sa tapat ng aming bahay. Parang may party ng mga may ubo – nakakabasa na ako noon kaya alam ko na ang ibig sabihin ng cough syrup. Walang nagpaliwanag pero naintindihan ko naman kinalaunan. Ang cough syrup ay paboritong inumin ng mga adik. Sa tingin ko, mas maganda ang tama ng cough syrup kasi nung mga panahong iyon, kahit sako-sako ang cough syrup na binebenta sa magbobote kapag Linggo, hindi magulo. Ngayon kasi, Shabu na ang binebenta, kaliwa’t kanan. Kahit may araw pa, kahit may raid pa, kahit piyesta ng poon, walang tigil ang abutan ng puting bato at lahat ng may tama ay naga-astang Darna. Naghahanap ng gulo. Lumilipad ang mga bato kapag tumama na ang sininghot na bato. Heavy. Basag lahat ng dapat mabasag, pati ngipin ng mga adik, ubos. Uso na rin ang nakawan. Dati-rati, ligtas ang mga mabubuti sa mga kriminal. Parang may shield ng kabutihan. Kapag gaya ng nanay at tatay ko na mahusay mag-abot sa mga nangangilangan (sa buhay at ng pulutan), hindi kinakanti ng masasamang loob. Pero nitong nakaraang buwan lang, binakbak ng mga salbahe ang aming dingding, umaasang pag natuklap ang dingding, pasok na sila sa aming kayamanang wala naman.

Ang bahay namin sa Tatalon ay biyaya ng mga Marcos sa mga loyalista. Ang lola ko na aktibong miyembro ng “Ladies” ni Imelda ay nabigyan ng malaking piraso ng lupa. Hindi ko masisisi si lola kung bakit mahal niya ang mga Marcos kahit sila ay halimaw. Namigay sila ng lupa, choosy pa ba? Kaya kahit alam ko na, kahit minsan ay hindi ako nangahas magkwento sa lola ko ng tungkol sa mga deseparacido at mga aktibistang kinatay ng kanyang superheroes.

Sa Tatalon ako natutong mabuhay na dilat na dilat lagi ang mata. Trust no one. Ang mga mahirap pa sa amin ay parang mga maamong tupa kapag kailangan ng tulong. Pagkatapos mo abutan, diretso sa sugalan. Ang pagpapautang ay charity work. Ang umasang babayaran ay taya. Balagoong sa mundo ng mga switik. Sa Tatalon ako natutong mangarap at lumaban.

Sabi ko, kahit anong mangyari, aalisin ko ang pamilya ko sa lugar na ito. Maglilibing ako ng mga pangarap para makaahon kami sa hirap. Sa UPCAT, labindalawang kurso ang pinagpilian ko. Pero malinaw sa akin na ang kolehiyo ay ticket lang para magkaroon ng trabaho. Gusto ko mag-Theater Arts. Gusto kong mag-Malikhaing Pagsulat. Gusto kong maging nurse kahit sabi ay hindi raw bagay sa akin na mukhang laging may sumpong. Hinanap ko ang middle ground. Saan ba nagsusulat pero pwedeng may pera? Sige, BA Journalism tapos ang target ay mag-Corporate Communications. Sabi kasi ng mga matatanda noon, marami raw pera ron.

Ang apat na taon sa kolehiyo ay parang pakikiapid sa pangarap. Binusog ko lang ang sarili ko sa pag-aaral, pagsusulat, pagsi-sit sa klase ng idol kong si Sir Jun Crez Reyes at pagbabasa pero lagi’t laging may paalala. Hindi ito iyo. Hindi ito ang para sa iyo. Nanghhihiram ka lang. Kailangang matutong bumitaw sa tamang oras. Kaya noong graduation day, may topak ako. Kinuha ko ang medalya pero hindi ko pinasabit sa kawawang nanay at tatay ko. Wala namang nagtatanong pero gusto kong may nakakaalam, kahit pasimple lang, na ako ay naguluksa. Ito ang araw ng libing ng aking mga pangarap. Pagbaba sa entablado ay isasangla ko na sa mga kapitalista ang aking kaluluwa para sa iba pang mga pangarap. Para sa magandang bahay at buhay, para sa pagiging responsableng panganay. RIP, artistang tunay. Naks.

Hanggang ngayon, labing-apat na taon man ang lumipas, hindi pa rin tumitigil ang patak ng luha sa tuwing manonood ako ng dula. Dapat andyan ako, dapat kasali ako. Pero ano bang magagawa? Umatungal man ng iyak, lumuha man ng bato o tinapay, nangyari na ang nangyari. Hindi ako umabot sa biyahe, kasi may shift. Graveyard shift.

Napadpad ako sa pinaka-inggleserong industriya sa Pilipinas. Naging call center agent at unti-unting umangat ang posisyon. Sipag at tiyaga ang puhunan, saka dead brain cells and higher risks sa kung anu-anong sakit. Pero kahit ilang digit ng suweldo, hindi nawawala ang kati. Gusto ko pa ring magsulat. Pampalubag-loob, pinatulan ko ang blogging. At saka eventually, Facebook at Instagram. Kapag may “likes” kahit papano nakakakiliti ng puso. Uy, may nagbabasa sa akin! Sinubukan ko rin namang habulin ang mga nawalang taon. Nag-enrol ako sa LIRA workshop sa UP. Mapagbiro lang ang tadhana, dalawang Sabado pa lang akong pumapasok eh nagmarakulyo naman ang aking katawan. Appendectomy. Goodbye, LIRA. Hanggang sa muling dalaw ng lakas ng loob. Mukhang matagal pa dahil ngayon ay meron na akong dalawang anak at (awa ng Diyos) isang asawa.

Gusto kong isulat na nagmahal ako at patuloy na nagmamahal na parang wala ng bukas. Sa lalake. Masalimuot ang kwento ng aming pag-ibig pero gaya ng pamilya ko, panalo rin kami sa napakaraming ginintuang kwento. Romeo and Juliet pero hindi apelyido ang puno’t dulo ng sigwa. Si Lord. Iba’t ibang version ng Lord Almighty. Sabi kasi ng relihiyon ng pamilya niya, ang hindi nila kapareho ay masusunog sa dagat-dagatang apoy at asupre. Walang magulang na gustong makitang nasusunog ang anak niyang inaruga ng maraming taon sa nasusunog sa kamunduhan. Kaya sampung taon kaming nagtago at nagtangkang maghiwalay. Mahabang sampung taon kung saan ilang beses akong bumigay at nagsabing ayoko na, nauubos ang itlog ko, saan ba ito pupunta? Gusto kong isulat nang paulit-ulit kung gaano ko siya kamahal, yung batang lalake na ngayon ay unti-unti nang napapanot sa pagiging tatay.

Gusto kong isulat ang dilubyong pinagdadaanan ng babaeng may kinatatakutang biological clock, lalo at pangarap niyang magkaroon ng anak. Gumuho ang mundo ko noong sinabihan ng doktor na hindi ako pwedeng magkaanak sa natural na paraan. Ako? Ako talaga? Gusto kong magsulat at magpaabot ng pakikiramay sa lahat ng mga babaeng hindi biniyayaang magkaroon ng supling habang ang mga ayaw magkaanak ay napapabalitang nagpapalaglag ng bata.

Yun pala, joke only, sabi ng tadhana. Dumating sa buhay namin ang isang himala at produkto ng tatlong taong pagtitiyaga. Ang tawag namin sa kanya ay Potling. Ang kaso, joke only ulit, sabi ng kung sino. Pinanganak siyang may major factory defect. Walang ngalangala ang aming panganay. Bago siya naoperahan, kapag bukas niya ng bibig, kita agad ang butas ng ilong. Pagkatapos naman ng dalawang opera, selyado na ang butas. Pero hindi pa rin siya nakakapagsalita hanggang ngayon.

Lagi kong gustong magsulat ng mahabang reklamo sa kung sinong nagpauso ng cleft palate. At saka reklamo na rin sa gubyerno na walang suportang maibigay sa mga batang may special needs. Nauubos ang pera namin sa therapy, pero hindi siya gumagaling. Hindi pa siya gumagaling. Ang sabi, kapag daw pitong taon na si Potling at hindi pa rin nagsasalita, puwede siyang ideklarang mentally retarded. Kapag dumating ang araw na iyon, kanino na naman ako magrereklamo? Gusto kong magsulat ng reklamong puno ng sumbat. Bakit ang anak ko? Bakit ako? Bakit kami? Bakit nangyayari ito sa mga batang walang kasalanan? Gusto kong magsulat sa lahat ng miracle worker, saklolohan niyo ang anak ko parang awa niyo na please?

Sa madilim na oras ng pangamba, dumating ang isa pang liwanag. Biglaan, isa pang anak. Abot-abot ang dasal ko at pagtitirik ng kandila. Totoo, kapag oras ng gipitan, kailangan ng makakapitan. Sabi kasi, dahil may cleft palate si Potling, malaki ang posibilidad na meron din si Sopling. Buti naman at tumalab ang dasal. Mukhang ayos naman itong batang ito. Meron lang siyang atopic dermatitis. May tsismis sa balat, paulit-ulit. Pero ayos na iyon. Gusto kong sumulat sa lahat ng nawawalan ng pag-asa na huwag bibitaw. Napapagod din ang mapagbirong tadhana, sa tingin ko. Huwag magpapatiwakal dahil kapag napagod siya, at least buhay ka. Hindi ka niya masasabihan ng belat, quitter.

Gusto kong magsulat na natatakot akong tumanda. Una, dahil hindi ko pa kayang makita ang sarili ko na kawangis ng pasas. Kulubot. Mahilig ako lumakad, paano kaya ang buhay ng uugod-ugod? Matutuwa ba ako sa libreng pases sa sine kung hindi ko naman maakay ang sarili ko palabas ng bahay? Pangalawa, paano ang mga utang sa bangko at anak kong iiwan? Paano mabubuhay ang matandang buong buhay nagtrabaho sa kakarampot na pensiyon na bigay ng gubyerno? Wala naman kaming negosyo, paano ba maging intsik? Ngayon din.

Gusto kong magsulat ng kontrata sa iilang piraso kong kaibigan na dapat magkasama kami hanggang sa huli. Kahit kung saang-saang lupalop kami dalhin ng buhay, kahit anong sakit na bigay ng Diyos at bigay ng tao ang dumapo sa amin, gusto ko nandiyan lang sila. Gusto kong hanggang sa huli eh minumura-mura at nilalait nila ako. Dahil sila ang paborito kong kasalo sa buhay.

Gusto kong magsulat ng petition laban sa krimen. Paano ako kakalma, bilang magulang, kung may mga batang nare-rape at iniiwang patay sa ilalim ng nakaparadang sasakyan? Paano ako makakatulog kung balang araw e maisip ni Sopling na cool ang sumali sa fraternity tapos isang gabi, isang madaling araw, susunduin namin siyang bugbog sarado, sa ospital, or worse, sa punerarya? Paano kung maging aktibista ang mga anak ko sa panahon na nagkaroon ng isa pang Marcos?



Mula ngayon, lagi na akong susulat. Kahit walang magbabasa, kahit walang makikinig. Dahil ako, ay ako, habang ako’y nagsusulat.