Big day ang araw na ito para sa amin. Assessment ni TLO sa Developmental Pediatrician niya. Malalaman (DAPAT) kung may progreso ba siya kumpara sa huli niyang assessment. Ready kaming lahat, nag-leave pa ang tatay niya sa trabaho. Siyempre present din ang baby brother. Pati si Teacher Regine, ang kanyang loving therapist from Teamworks ay kasama rin namin.
Ang kaso, wala sa mood si Ate. Ayun, nagpa-cute lang nang nagpa-cute kay Dra. Reloza. Susmaryosep. Sabi sa akin ni doktora, "mommy, ayaw niya pong mag-work." Sarap pagalitan ni Ineng, nagpaka-Diva talaga. Pero sabi baka raw kasi dahil masama ang pakiramdam. Kinarir nilang magkapatid ang matinding ubo, all together now.
So ayun, repeater kami. Babalik pa kami sa Biyernes. Yan ang update para sa lahat ng nag-aabang. Meron ding tatlong update pero pending discussion pa ito, marubdob na usapan.
1. Puwede na silang umuwi sa amin (ayan, iiyak na ang lola at lolo niyan). Naawa na si Doc. Sobrang sacrifice na raw iyon (AMEN!)
2. Puwede na ulit bumalik si TLO sa school, pero SPED. Yan ang problema kasi nakadalawang SPED schools na kami sa Makati at hindi naman nakatulong pareho kay TLO. Baka may alam kayo, recommendation naman please.
3.Pinapa-increase ang therapy sessions niya from 3 days to 6 days per week. Ahem. Sinong gustong mag-donate? Parang di kaya ng Math pagkasyahin ang lahat, lahat, lahat.
Hay, TLO. Mahal ka namin. Pero please, magsalita ka na, please?
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!