Pages - Menu

Tuesday, May 24, 2016

Agimat Sa Public Speaking

Sabi, kapag nenenerbiyos ka, humawak ka raw ng paper clip. Sabi naman ng iba, puwede rin ang perdible. Basta kahit anong metal na bagay (huwag metal na tao, baka mamura ka). May science kung bakit ito epektib pero medyo nakaka-nosebleed. Kaya mula sa simpleng brain ko na lang ito ipapaliwanag.

Ang bawat isa sa atin ay dumadaloy na energy. Kapag kinakabahan tayo, kinakalamay ang energy natin. Parang buhawi. Fear is such a great force, aabot ang nerbyos sa manginginig ang kamay, ang boses, ang tuhod at lahat ng puwedeng manginig. Ang metal ay heat conductor. Dadaloy sa paper clip o perdible ang ragasa ng iyong nervous energy. At lalabas na may disiplina at direksyon - gaya ng kuryente na lumalabas sa power outlet. I am not kidding, at siyempre hindi ko original concept yan huh. Nabasa ko lang.

Kagabi ay meron akong major presentation sa telepono. Bukod sa likas akong nerbyosa, hindi rin nakatulong ang aking thyroid issues. Niyayanig ang pagkatao ko ng pinaghalong kaba at tremors. Dumampot ako ng paper clip, ayaw tumigil ng nginig. Dumampot ako ng metal na ballpen, ayaw pa rin. And then I saw these.... and goodness gracious, patok! Naramdaman kong literal na bumagal ang tibok ng puso ko, nawala ang hingal, nawala ang nginig sa dulo ng bawat sentence na lumalabas sa aking bibig.






































They say that a paper clip or a safety pin can help get rid of public speaking jitters. Maybe true most of the time but not for people with hyperactive thyroids. There is just so much happening in our bodies that one tiny metal object won't do. So I now have this on my desk.


At sana naman hindi na mag-escalate pa ang need ko to the point na umabot sa ganito. Wrecking Ball na lang ang uubrang pampakalma.



Martes na. Masaya ka pa ba? Just asking...

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!