Nagpunta ako sa grocery kagabi para bumili ng junk food. Minsan lang maglihi si mister, kailangan pagbigyan. Can I buy some stuff for me? Tanong ko. Of course yes, sabi niya. Ang target ko talaga ay sapatos saka medyas pero parehong wala yung gusto ko na mura pero matibay kaya napunta ako sa paborito kong maliit na corner na ang laman ay mga makukulay na abubot at school and office supplies. Matagal ko na sinisipat dun yung twistable Crayola. Siguro magi-isang taon na. Hawak ko na e. Php 126.75 yung pinakamura at konting kulay. Sabi ng isang kaibigan mukhang masarap daw itong pangkulay. Hindi na tatasahan, hindi ka magpupunit ng papel na balot kapag paubos na, at higit sa lahat, hindi nababali kapag naging marubdob ang pagkukulay. Yung huli ay bentang benta sa akin. Marami kasi akong ipon na rage, nakakabali ako ng crayons kapag may rage leakage while coloring.
Sampung minuto kong hawak ang twistable crayons at malinaw pa sa alaala ko ang naganap na usapan between me and myself.
###
Sige na bilhin mo na. Mura lang naman. Hindi ka ba proud? Sa halip na shoes, clothes or bag e ito ang gusto mong bilhin? You are simply an amazing woman.
Weh. Pag binili mo kailan mo naman gagamitin? May regalo pa nga na painting set sa 'yo nung Christmas 2014 hindi po pa nagagamit. Sayang lang sa iyo yan, wala kang disiplina.
Anong walang disiplina. Busy lang ako. Gusto ko magkulay habang umaattend ng conference calls kaso ako ang toka sa minutes, paano naman yun?
Puro ka ganyan. Puro ka plano. Sabi mo lalangoy ka everyday ngayong bukas na ang pool area. Binili ka pa ni Sir_Ko ng Speedo swimming goggles saka magandang swimming cap. Kumusta naman iyon hindi mo pa rin nagagamit. Kelan ka pa huling naglangoy for exercise. Wala ka. Puro ka drawing.
Kasi sa totoo lang, parang pakiramdam ko wala akong karapatang magkaron ng hobby. Hindi ko nga maalagaan mga anak ko. Part-time nanay lang ako. Ang hobby para sa kumpletong tao.
O sinong may kasalanan 'non?
Ako pa rin.
O e di wag kang umarte. Ikaw naman pala may kasalanan. Alangan namang kawawa ka. Magtigil ka nga. Ano bibilhin mo ba?
May oras ako magkulay ngayon. Pero minsan lang kami magkasama ng asawa ko. Magkukulay pa ba ako kaysa makipag-usap sa kanya?
Wow teenager. Haliparot. Usap lang ba talaga ang gusto mo? E nanonood lang naman kayo ny Curb Your Enthusiasm saka Fraser. Naguusap ba kayo? Napakaarte mo talaga.
Iba pa rin yung nandun lang at magkatabi. Just being in the moment makes a difference.
O sige. Pag kasama mo siya, siya ang focus. Pag nandyan ang mga bata, sila ang focus. Pag mag-isa ka, nagtatatrabaho ka o kaya nagba-blog o nagbabasa ng blog ng iba. Kelan ka magkukulay? Kelan mo gagamitin yang pesteng magandang crayola na yan?
Bakit ka ba nagagalit?
Kasi hindi pa nakakapagsalita si Potling. Malapit na siya mag-7. Si Sopling ayaw tumigil ng dermatitis. Laging nagdudugo ang mukha. At ang taba taba taba ko. Life is so unfair.
Hindi mo pa naasikaso yung blood test mo. Baka wala ka ng thyroid. Diba check up mo dapat?
Shet. Oo nga pala. Last week dapat yun.
Bitawan mo na yang crayola at ayusin mo ang buhay mo.
And I walked away. No crayons for me tonight.
Pages - Menu
▼
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!