I don't want this to be a racist post pero medyo mahirap yata ma-accomplish yan sa tema ng isusulat ko. Sabihin na lang natin na hindi naman siguro lahat sila ganito ano? Siguro itong mga ganitong asal ay bunga pa rin ng formative years at free will ng tao. I hope so. I don't mean to generalize, but I need more reasons to believe that these are abnormalities in their gene pool. Sana, sana naman.
Anyways, kagabi ay nagrereklamo kay Sir_Ko ang isang kapitbahay. Yun daw korean na lalake na nakasabay nila sa elevator ay sumingit sa pila sa grocery. Inunahan daw siya. Walang habas. At napansin niya raw na madalas iyon ginagawa ng mga ganoong kulay at amoy ng tao (helow, kimchi!).
Hindi ko alam iyon about this Koreanovela people. Hanggang kaninang mga 10AM. Very fresh. Nasa 711 ako at tahimik na naghihintay para sa aking Hottarice. It happened to me too. Isang kuya ang bigla na lang lumitaw sa harap ko. Hindi ako prepared. Ni hindi nga ako nakapagreklamo. State of shock. Syet, totoo pala. Totoo pala na medyo hobby nila ang sumingit sa pila. Ang hindi ko matanggap, e punyeta, halos wala namang pila! Pangalawa nga lang ako sa naghihintay at sa likod ko ay pawang kawalan. Ang Pinoy minsan sikat din na sumisingit... kung mahaba ang pila. Pero ito? Hindi ko talaga gets. As in. Hindi naman siya mukhang nagmamadali, kalmadong kalmado pa nga siya e. Hindi rin siya mukhang tinatawag ng kalikasan (alam ko ang itsura nun, member ako ng club na iyon sometimes).
Bago ito, ang alam ko lang, ang tawag ko kanila ay mga Incredible Hulk. Da Hulk. Duh Hawk. D-A-H-A-K. Kuha mo? Grabe kasi silang magrolyo ng plema dun sa yosi area sa building namin. Tapos may mutant powers sila. Bilog na bilog yung plema nila pag nalaglag sa kahit saan nila gustong ilaglag. Ang dami-daming dura sa Lung Center (yun ang tawag sa yosi area). Mahihiya sa kanila ang mga ibon na paminsan-minsan ay naglalaglag naman ng ipot dun. Hindi ko rin maintindihan e. Bakit ba sila dura nang dura e wala naman silang ubo? Sila at ang mga pinsan nilang nanga-angkin ng Spratlys.
Nagbaba na ng batas ang building against spitting in public earlier this year pero wala namang nahuhuli. Wala naman kasi talagang Phlegm Police na nakakalat. Ang sarap isipin na sana meron tapos ikukulong ang mga arestadong violators sa isang maliit na kuwarto na pang-limang tao lang (pero sky is the limit sa bilang ng ikukulong). Kapag napuno iyon, tingnan natin ang ligayang makakamtan nila kapag naliligo na sila sa plema ng isa't isa.
Hay naku. Yun lang naman. Tolerant akong tao. Mapansinin lang pero tolerant. Hindi ako nagagalit kapag naka-strappy high heel sandals with white stockings ang mga babaeng ito kahit nasa Boracay o Puerto Galera. Ok lang iyon. Hindi ako nagwawala kapag nakakasakay ako sa elevator ng kalahi nila na naka-topless at boxer shorts. Pupunta naman sa pool area, gets ko na iyon. Hindi rin ako nagrereklamo sa kimchi scent, alam ko naman kasi na sumisingaw ang kinakain ng tao sa katawan kahit hindi ipaligo. Ako siguro may mga araw na amoy pork steak ng 711.
Dalawa lang ang hiling ko. Ok, demands. Una, huwag akong singitan sa pila. At pangalawa, huwag lang makalapit-lapit sa akin yang kinanginang dura na iyan at maghahalo ang kimchi sa tinalupan.
Ok, happy work week guysh!
*Dura disgust inspired by I.M.*
Pages - Menu
▼
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!