Pages - Menu

Tuesday, August 11, 2015

Hugot: Nang Pumatol Ako Sa Yayang Aburido

Kinaumagahan pagkatapos magparamdam ng puwersa ng kadiliman itong si Glea ay si Grace naman ang umeksena. Pinaliliguan niya si Potling at dahil makulit ang bata, nilitanyahan niya ang anak namin ng ganito: Anu ba yan Potling dapat marunong ka na maligo mag-isa! Anim na taon ka na eh! Dapat alam mo na ito!

Sumaklolo ang nanay ko. Nagsabi na huwag mong kausapin ng ganyan ang bata kasi...<ilagay ang konteksto na si Pot ay anim na taon pero delayed ng 3 taon ang kilos at isip. So bale ang sinasabihan ni Grace na dapat ay marunong na maligo mag-isa ay batang 3 taon. Alam niya iyon, pinag-usapan na namin sa interview niya.>

"Yung bata ang kausap ko!" Singhal ni Grace kay Mama.

Mama: "Ay huwag namang ganyan, mag-respeto ka naman sa matanda sa iyo. Ako pa rin ang may-ari ng bahay kahit anak ko ang amo mo."

Grace: Kaya walang nagtatatagal sa inyo na yaya eh! Ganyan kayo! Yang bata kaya hindi yan naaayos binebaby niyo!

Face To Face na ito! Nagsanib lakas si Grace at Glea. May mga lumabas na reklamo, sinubukang sagutin ng nanay at kapatid ko. Sa huli ay nagdesisyon ang dalawa na aalis sila, like now na. Kahit may 6-month contract sila sa agency ay wala silang pakilalam. Walang makakapigil sa amin sabi pa siguro. In true pabebe girls fashion. Si Grace ay maraming text sa akin. Hindi ko pinapansin noong una. Ayoko sanang pumatol. Pero tao lang ako at may ilang taon na ring nagtitimpi sa mga salbaheng yaya. Sige na, pagbibigyan ko na itong walang katorya-toryang sabong na ito. Sana may oras kang tapusin. Masaya ito kung hindi ikaw ang kaaway.

Konting background lang muna. Sa tuwing magi-interview kami ng yaya ay may mga importante kaming sinasabi bukod pa sa basic information tungkol sa suweldo at basic expectations. Kasama ang dalawang ito:

  1. Ang aalagaan mo ay may kundisyon na ang tawag ay Global Developmental Delay (GDD). Six years old na siya pero ang isip at kilos niya ay pang-tatlong taon. Ibig sabihin hindi pa siya marunong maligo, kumain, magbihis mag-isa. Basta kung ano ang alam at ginagawa ng tatlong taon, ganun siya. Ite-train ka namin at ng pamilya namin kung paano siya alagaan. Kahit masakit kailangang sabihin ito. May mga umaayaw sa special needs child.
  2. Hindi kami mayaman. Simple lang ang bahay namin sa Tatalon. Maliit na bahay. Wala kang sariling kuwarto. May isang common bedroom. Sa kama natutulog si Mama, ang kapatid ko at ang mga bata. Kayo ng isang yaya ay sa isang kutson sa sahig. Yes, kailangan ding sabihin kasi maraming maaangas na yaya na nakapagtrabaho na sa mayayamang pamilya. May mga umaayaw kapag walang sariling kuwarto.
Alam ito lahat ni Grace. Pumayag siya, wala raw problema. Pero ito ang aming palitan ng text. Hindi ako proud sa mga sinagot ko sa kanya pero again, tao lang ako. At punong puno na ako sa mga hitad na ito. Masyado na nila kaming inaapi. Hindi ito kumpletong transcript by the way. Hindi rin blow by blow by timestamp ang labanan. Baka kasi abutin ng isang linggo bago ko matapos sa dami ng aming napag-usapan. Inorganize ko na lang under major topics lang na nagpanginig sa aking laman.

1. Squatter daw kami at nagtitiis lang siya sa amin. Take note, one night and two days lang siya sa bahay.
Yes, sa suweldong 6K kada buwan at libreng supplies ay pagtitiis yun kung walang sariling "room"

"sa totoo lng po squatter nmn dto pero inisip ku na nga po OK nlng at kakayanin ko nlng alagaan ang bata"

Noong kalmado pa ako --- "Sumagot ka raw ng pabalang sa nanay ko. Wala naman kami magagawa kung aaalis ka na. Nakipagsagutan ka pa sa kapatid ko. Squatter pala kami? Nakakahiya naman sa iyo."

"sino nmn po tlaga magpapadeploy jan e sa bahay pa lng po di na po comfortable totoong tao lng po aku ma'am.."

Ako ito --- "Yung bahay na nilalait mo, 81 sq. Meters,  may titulo. Never naayos kasi lahat kami pinatapos ng kolehiyo ng magulang namin. May isa pang nag-aaral kaya di pa mapaayos ang bahay. Malaki ba bahay mo? Nakatapos ka ba ng college? Sana isipin mo yan bago ka mangmata."

"naku ma'am kau po kaya mapanghusga..khit di po kmi nakatapos ng college inaamin ko po dhil mahirap kmi pero di nmn dhil mahirap kami ipapamukha sa amin n dhil 6k sahod nmin kaya dpat maghirap kmi"


"wala po ako sinabi maliit..sabi ko po wala kmi room at madami nakikialam sa trabaho..tlaga nmn pong squatter ang area..di nmn po ako intresado kng ilang metro bahay nyo..labas n po ako dun.."

Ako ulit --- "Hindi mo rin yata alam ang ibig sabihin ng squatter? Tumitira sa lupa na hindi pagmamay-ari kaya sinasabi ko sa iyo na may titulo ang bahay namin kaya hindi kami squatter. Wala kayong room? Magdemand ka niyan kung sa sarili mong bahay ay may room ka. Sabi mo nga wala kang ipon. Naghahanap ka pa ng sarili mong room?"

dhil po sa lahat ng napasukan ku may maids quarter..ewan ku sa inyo ma'am..khit panu nmn po may naitabi akong maliit na halaga..may lupa nmn po kami sa probinsya at may bahay..khit po katulong lng trabaho nmin di nmn ako patay gutom..

Ako ulit --- "O sino nagsabi patay gutom ka? Sinabi ko sa phone interview na wala kang kuwarto bakit biglang issue na yun? So nagsinungaling ka lang nung sinabi mong ok lang yun? Wala kaming tinatago sa naga-apply dahil patas kami. Nagkakaproblema lang kapag pumapayag para mahire tapos may mga issue pala na gaya mo. Sabi mo sa akin na wala kang ipon sa pago-office clerk mo kaya ka bumalik sa pagyayaya. So hindi rin totoo yun? Mahirap mabuhay sa kasinungalingan."

2. Ang definition niya ng "sorry"

Panay ang sorry ni Grace sa text pero ang sumbong ng tao sa agency e dinaldal na niya agad sa lahat ng aplikante ang nangyari sa bahay. Siyempre, siya ang bida sa kuwento niya. Parang itong post na ito. Pero ako may evidence sa telepono, ewan ko lang sa kanya. Anyways...

Tanong ko --- "Bakit ka nagsosorry? Ang sorry pag-amin sa pagkakamali. Sabi ni Janelle (secretary ng Delta Employment Agency Cubao Branch) ang kuwento mo riyan iba kaya ayaw ng ibang aplikante magpadeploy sa amin.

O eto ang sagot, for a more dramatic effect... screenshot tayo! She explains in English kung ano ang ibig sabihin ng "sorry." Awa ng Diyos, naintindihan ko naman. Naintindihan ko rin kung bakit lahat ng maaanghang niya na salita pati habang binubulyawan niya ang nanay at kapatid ko ay namumutakti sa "sorry." Now, I understand talaga.







































3. Na Siya Ang Himala Na Gagamot Sa GDD Ng Anak Ko

"maniwala po kau hanngang nandun po sa kanila sa nanay nyu ang mga anak nyo wala po mangyayari..kayo po bhala..salamat nlng po.."

Durog ang puso ko --- Mabuti na rin na umalis ka..marunong ka pa sa therapists at doctors ng anak namin. Hindi nagpapabebe si Caitlin. Diko alam pano mo maiintindihan na 3yo ang isip niya at hindi yun by choice. Masyado kang nagmamarunong.

"kc panu po matuto si Pot kung puro pabebe ang pagkausap sa bata"

Ako pa rin --- Uulitin ko. May paraan ng paghandle sa anak ko na trained na ang pamilya namin na gawin. Alam mo iyan sa phone interview pa lang. Ipinipilit mo na tama ang iyo. Kung duktor ka baka makinig kami sa iyo.

"dahil po ang dami ko nang napasukan na employer..nakasama ku din po ang mga lola..ang dati ko pong alaga may kundisyon din pero nging ok at malaki pasalamat skin dhil natuto ang bata"

Really now? ---- Malaki pasalamat sa iyo? E bakit wala kang trabaho nung Sabado at napunta ka sa agency? Ang pinasasalamatan hindi pinakakawalan. Laki ng bilib mo sa sarili mo.

As in? ---  Isipin mo lang gano katagal ka ron at gano katagal sa amin? Masyado kang nagmamarunong parang alam mo lahat. Marami kang napasukang employer, isang malaking sign na hindi ka nagtatagal sa amo. Palipat lipat ka lang.

"taon nmn po bago aku umalis sa employer.. may mga dahilan po bkit aku umaalis..kau na din ngsabi wala kau nakuhang yaya n ngtagal..hay naku ma'am god bless you po.."


4. Sinungaling Mong Puso (Ang "Ako Ang Api" Mentality)
Resignation vs Termination? Hindi niya alam pero marami siyang dahilan.


"pakitawagan nlng po agency ko para po sa replacement..grace po from delta agency"

08:18 AM

"kaya ku nmn po alagaan anak nyo pero ang nanay nyo di ko po matagalan..nagtxt na po ako sa agency ko..salamat po..gusto ko na po umalis ngaun.."
08:20 AM

"naku ma'am wag nmn ganun mama nyo ngsabi na ayaw na sakin kaya umalis aku.."
03:01 PM

"sinabi ku po dun sa note na kusa ako umalis dhil ayaw ko na sa inyo..dhil po yun nmn ang dapat dhil mama nyo po nagsabi na hindi na.."
03:08 PM

Sure kung pinanganak ako kahapon --- Kung si Mama ang may ayaw sa iyo di sana pinaterminate ka namin hindi ka nagresign? Magkaiba iyon. At may text ka ng 818AM na for replacement ka na. Nanay ko ba nagtext non?
03:10 PM

5. Don't Judge A Book, If You Only Stayed for A Night

"nakatagal nga po sa inyo ung dating yaya niyo pero di nmn kasama ang nanay nyo. un po ang alam ko..."

Sigurado kang babasagin mo ang nanay ko sa akin? --- Ayan, ayan ka na naman sa limitado mong alam. Ang mga anak ko laging nagbabakasyon sa nanay ko. Isa hanggang tatlong buwan. Wala silang naging problema."

Maghunos dili ka naman ate --- Nakailang yaya na kami na ang training sa nanay ko. Nagstay nang matagal sa amin. Nagsitigil lang magtrabaho kaya wala na. Isang gabi at dalawang araw ka lang sa amin kung makapagsalita ka parang andun ka ng isang taon ah

My Parting Words (For All The Nannies From Hell Too)

"taon nmn po bago aku umalis sa employer.. may mga dahilan po bkit aku umaalis..kau na din ngsabi wala kau nakuhang yaya n ngtagal..hay naku ma'am god bless you po.."

Huwag mo gamitin ang "Diyos" sa mga sinasabi mo. Para lang yang "sorry" na sinasabi mo pero hindi mo alam ang ibig sabihin.

Para sa susunod mong trabaho, magsabi ka ng totoo. Ayaw mo ng walang kuwarto, ayaw mo ng squatter, ayaw mo ng pinakikialaman ang alam mong paraan sa pag-aalaga ng bata. Kung naliliitan ka sa suweldo huwag mong tanggapin. Huwag kang oo nang oo tapos babawi ka bigla. Napakalaking abala ng ginawa mo sa amin. Napakasama ng mga lumabas sa bibig mo. Bahala ka na ang karma sa iyo, Grace.

At hindi ka umalis nang maayos. Nakipagsagutan ka sa employer mo na matanda sa iyo pareho. Ilagay mo sa bio data mo na isang gabi lang tinagal mo sa last mong employer. Tingnan natin kung may kumuha sa iyo. Siyempre hindi mo ilalagay yun diba? Hindi mo rin ikukuwento sa susunod mong interview. Pagtatakpan mo dahil alam mong mali. 


Her (Un) Intentional Wrong Send?

580 ba yun? cge bili ako maya uwi aku e. umalis aku sa amo ku di maganda... baka dumaan si renzo singilin mo sabihin mo pinapakuha ko... ayaw kc magreply... haha

Hindi pa ako tapos --- O wrong send ka pa. Ikuwento mo rin na squatter para matuwa ka - 580 ba yun? cge bili ako maya uwi aku e. umalis aku sa amo ku di maganda... baka dumaan si renzo singilin mo sabihin mo pinapakuha ko... ayaw kc magreply... haha

###

Nothing follows, wala na siyang load I guess. I also guess na pinagmamalaki niya sa akin na may bibilhin siya na worth P580 at may sinisingil siya na Renzo ang pangalan.

2 comments :

  1. Ate, na-try mo na ba di kumuha sa agency at through kakilala system na lang o kamag-anak nyo? Yan kasi hirap sa mga kasambahay na galing sa agency, lalo na kung yung previous employer nila eh yamaneching.

    ReplyDelete
  2. Yes, Ming. Nag-try na rin pero ang tagal makahanap. Yung kaisa-isang batch of hires namin na nirekomenda ng kapitbahay, hindi rin successful. Ito sila... tapos may pupuntahan daw kasal sa probinsiya, nagsiuwi. Agad-agad! Pati yung nag-refer buwisit na buwisit e.

    http://yummyliciouslady.blogspot.com/2015/07/ang-tunay-na-pa-baby-girls.html

    ReplyDelete

Yum-ment!