Pages - Menu

Thursday, April 25, 2013

(Part 1) Sana ganito tinuro ang basic algebra sa akin

Laging pinapaalala ni Mrs. Ligliwa Caindec (+RIP), ang aming high school principal, na "you are scientians, you are extra ordinary ishtyudents!" Masarap marinig pero lagi akong napapaisip noon kung kasali ba ako. Hindi ko kasi hilig ang math at science. Ang inaabangan ko noong high school eh yung mga kwentong babasahin sa Filipino at English classes. Kasama rin ako sa mga sinabihan ni Mrs. T (hindi na lang natin papangalanan), noong panahong sumasagot na kami ng UPCAT form, na sinayang lang daw namin ang pera ng bayan dahil BA ang pinili namin at hindi BS. Naku Mrs. T, kung nakikita mo lang ang ITR form ko mula noong ako'y nagtrabaho, you will be so proud of me.

Nakagraduate ako ng science high school sa tulong ng astral projection. Isang malaking out of body experience ang makapasa sa advanced science and math subjects. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa kung paano yun nangyari. Ang mga special symbols ng Trigo, Calculus, Advanced Calculus, Physics, etc. ay nagsasayaw lang sa paningin ko. Gusto ko silang gawing design ng dingding at t-shirt. May mga pagkakataong sa mismong oras ng exam ko lang naiintindihan kung paanong gawin ang mga bagay-bagay. Balancing equation? Mas gusto kong pagtuunan ng pansin, sa pamamagitan ng walang hanggang pagtunganga, ang mga isyu ko sa buhay kapag inaatake ng hormonal imbalance.

Pero these past few days, natatakam akong aralin ang mga hindi ko pinagkaabalahan noong araw. Two nights ago, nagpapatulong ako sa Google para matutuhan ulit ang MDAS (Multiply, Divide, Add, Subtract - alam mo yan!) ng integers. And then I realized, sa tulong ng Multiple Intelligences Theory, kung bakit hindi ako nahumaling sa Algebra (yung iba eh saka ko na iisipin). Itinuturo kasi ang Algebra sa paraang swak na swak sa mga visual, logical and verbal learners. Lecture nang lecture ang sexy naming teacher na 22 lang yata ang baywang. Doon ako nakatingin. Iniisip ko kung anong parte ng digestive system ang wala sa kanya. Tapos sulat, sulat, sulat sa board. Pag nagbura, uubuhin. Lipad naman ang isip ko sa kaawa-awang lagay ng mga guro. Hindi ko alam kung sinasadya ba yun ng mga educators. Nag-aral naman sila ng adult learning concepts pero wagas ang loyalty sa tradisyunal styles. Yung kulang na lang may pulpito (well, may mesang sira-sira sa harap ng bawat classroom so parang ganun na rin). Sa tingin ko lang naman, ganito dapat tinuro sa akin (intrapersonal learner) ang MDAS for integers.

Kaya mo pa? Next post na. Ang haba na nito.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!