Pages - Menu

Thursday, April 25, 2013

(Part 2): Paano ko naintindihan ang number line

Ang "integers" ay isang pausong concept ng pagbibilang na sa imagination lang pwedeng makita o kaya sa drawing. Ang mga positive integers, sila yung totoo. Kung may P100 ka, hawak mo yun, positive. Ngayon pag wala kang pera at iniimagine mo lang na sana may P100 ka, negative yun. So kapag sinabing -100, hindi yun nahahawakan. Hindi pwedeng ibili ng pagkain.





















Therefore, yung ganitong drawing na tinatawag na number line, ganito natin siya tandaan.  Ang "zero" ay ang realidad. Pag nasa kanan ng realidad, totoo. Totoong number. Pag nasa kaliwa, imagination mo lang yan. Habang lumalayo ka nang lumalayo sa realidad (papuntang kaliwa), mas lumiliit ang halaga ng iyong mga paniniwala. So kunwari, feeling mo ang ganda mo. Yan ang point zero mo. Pag maraming nagsasabi sa iyo na maganda ka - kaibigan o hindi - totoo yan. Ngayon pag feeling mo ang ganda mo pero walang nagsasabi sa iyo, o kaya kabaligtaran ang sinasabi sa iyo, eh tamang hinala mo lang yon. Negative. Sa number line yang analysis na yan. Pero sa totoong buhay, ang point zero ay ikaw ang may hawak. Sana ay lagi mong ilagay yan sa totoong gitna. Kasi maraming naniniwala sa kanilang sariling version ng realidad. Nakakairita kang tao pag ganun (ok fine, siguro papasa ka na ring hopeful).

Apply natin para sure. Given the following statements nasa ibaba ang mga reakyson ng etchoserang frog:

0 = maganda ako 
5 = dami ng tao na nagsabing maganda ako
4 = dami ng tao na nagsabing maganda ako
-5 = dami ng tao na hindi nagsabing maganda ako
-4 = dami ng tao na hindi nagsabing maganda ako

Etchoserang frog says:

0 = ok, opinyon mo yan.
5 = aba oo nga maganda ka
4 = mas maganda pa rin kung 5 ang nagsabi (5 > 4)
-5 = chaka ka (-5 < 0)
-4 = mas maganda ka sa -5 pero chaka ka pa rin (kasi mas malapit ka sa 0, kaya [(-4) > (-5)]

Hiwaga ng negative integers. Ang (-100) ay laging less than (-50), kasi nga raw sabi ng mga nagpa-uso, pag mas malayo sa zero, mas maliit. Mas madailing isipin na kapag mas nega ang tao, mas mahirap pakisamahan (at mahalin). Puro reklamo, puro paawa, puro inggit, puro sila ang magaling --- papalayo nang papalayo sa realidad, sa totoo --- kung saan lahat naman tayo ay mga zero na nagpupursiging magkaroon ng halaga. Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay papunta sa kanan ng number line. Huwag nating ipilit na bumiyahe ng pakaliwa.

Image Source: http://iwl.einstruction.com/resources/screenshots/Adding%20and%20Subtracting%20Integers%20(UK).jpg

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!