Meron akong running joke para sa mga nagtatanong kung naturally curly ba ang buhok ko. Ang lagi kong sagot: Oo, kasi nung pinagbubuntis ako ng nanay ko, nanipa siya ng pulubi. Ayun, sinumpa ako.
Yes, sumpa ang tingin ko sa buhok ko. Paano ba naman, may sariling buhay at paninindigan ang hitad. Habang napaka-perfect ng instant ayos hair ng mga kababaihan sa paligid ko, ako mukhang walis tambo kapag hindi naglagay ng gel.
Pero last week, nagkaron ako ng hair epiphany (wow!). Naisip ko kasi, kapag ba lola na ako naglalagay pa rin ako ng gel araw-araw? Parang hindi ko gusto ang imahe. Saka parang mauubos yata ang buhok ko sa tulong ng global warming. Kaya naisip kong itigil na ang pagma-martial law sa wild hair ko. Ito na ang bagong hair routine.
- Monday - DIY hair spa treatment (thank you, kaibigang Watsons)
- Tuesday - Shampoo
- Wednesday - Conditioner
- Thursday - Nothing
- Friday - Conditioner
- Saturday - Shampoo
- Sunday - Conditioner
- Anti-frizz: Nivea Hand Cream (nabasa ko na ok raw ito) at saka yung regalo sa akin na tsubaki oil. Inuubos ko lang ang mga supplies na ito. Nasa research phase ako ng ipapalit na mas permanente. Kung may suggestion kayo, please send them my way. Mas konting chemical, mas maganda.
Nakakailang araw pa lang ako sa routine na ito. Napapansin ko na mukha akong gusgusin sa unang dalawang araw. Para akong nalosyang na manikang basahan. Pero habang tumatagal, mas kumakalma naman ang baby bangs ko. Sana magtuloy-tuloy na ito. At sana maraming magregalo sa aking ng conditioner ngayong pasko. Ang mahal!
Bless me, Mother Chaka.
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!