Ang Vilatra Engkanakepuh ay isang nobela/dula/komiks na bunga ng intellectual orgy naming magkakaibigan noong 2008. Hindi namin sinubukang isulat siya kasi natatakot kami na magwarla ang mga komunidad na magagalit kung hindi sila marunong mag-have fun sa mga konseptong hindi normal na pinag-uusapan. Kaya lang, lagi niya akong dinadalaw. Ayaw niya akong patahimikin kaya sige, susubukan ko na rin. Siguro rin, sadyang namimiss ko lang nang husto ang mga kaibigan ko kaya ganun. Hindi ako mangangakong may mga kasunod pa ito. Abangan na lang.
Nandito ang Part 1....
===
"Punyeta, Dindin. Kanina pa kita inaantay. Nagka-varicose veins na ang mga tahong sa tinola sa tagal mo. San ka ba nagsuot na bata ka?"
"Sorry, 'tay. Trapik po kasi."
"Paano kang natrapik e naglalakad ka lang?"
"Ay oo nga pala. Napatagal kami sa paga-ani tay. Ang dami kasing janitor fish ngayon. Mahirap mag-ani ng tahong kapag maraming nakaharang na janitor fish."
"Aba bakit? Kasinglaki mo ba yang mga janitor fish na yan at hindi ka makakakilos pag nandyan na sila? Tigil-tigilan mo nga ako sa mga pa-andar mo Dindin."
"Tay, nagda-drugs ka na rin ba? Tama na ang sugal. Hinay hinay lang sa bisyo please. Hindi po malaki ang mga janitor fish pero ang dami dami damiii po nila. As in. Parang mas marami pa sila sa tubig ngayon. Sabi nga ni Mang Bestre, baka raw sinasabutahe sila ng malalaking korporasyon ng tahong. Hindi naman daw ganyan dati, hindi umaabot sa atin ang mga janitor fish ng ilog Pasig at Marikina."
"Baka may passport na sila kaya umaabot na sa atin."
"Huwaw naman, sugarol ka na nga kumedyante ka pa. Angshoshyal ng tatay ko!"
"Puro ka kalokohan. Maghain ka na at kumain na tayo."
Inilagay ni Dindin ang supot ng pasalubong niyang tahong para kay Mang Dondon sa ilalim ng lababo. Nasulyapan niya na kumikinang ang talong na bigay ng misteryosang matanda. Binulungan niya ang talong. "Diyan ka lang muna ha, mamya pag wala na si tatay, subukan natin yung sinasabi ni lola kanina."
"Ok, wait lang me sa 'yo."
Nabitawan ni Dindin ang isang pinggang mainit na NFA kanin. "Amputanginang talong nagsasalita!!!"
"Dindin! Anubayan! Sayang ang kanin! Pulutin mo habang wala pang five minutes. Dali!"
Nagmamadaling pinulot ni Dindin ang natapong kanin. Minsan, nalilito siya sa kung puwede ba talaga sa kanila ang five minute rule e wala naman silang sahig. Kada may natatapon, humahalo sa lupa at putik. Pero malaki ang tiwala niya sa tatay niya. Naniniwala siya sa five-minute rule na pauso nito mula noong maliit pa siya. Pero mas nalilito siya sa mga nangyari ngayon. Nagsasalita nga ba ang talong o marami lang siyang nainom na maruming tubig kanina habang umaani ng tahong?
"Yes, nagsasalita me."
Napailing si Dindin. Tahimik siyang kumain kasabay ng tatay.
"O Dindin, bakit tahimik ka yata ngayon?"
"Tay, tingin mo ba may mga talong na nasobrahan sa fertilizer kaya nakakapagsalita?"
Natigilan si Mang Dondon. Naalala niya ang huling pag-uusap nila ng nanay ni Dindin. Ang sabi, nangungusap daw ang talong ni Balong, ang kapitbahay nilang basurero. Sino raw ba siya para tumanggi. Ang alam ni Dindin ay sumakabilang buhay ang nanay niya at inagos ng matinding baha kaya di na niya nagisnan. Ang totoo, sumama kay Balong. Tinangay ni Balong ang asawa niya at hindi nanlaban. Nang dahil sa talong.
"Dindin, ang mga gulay ay hindi nagsasalita. Kaya nga pag na-comatose ang tao, sinasabi "gulay na" kasi hindi na nagsasalita at nakakakilos. Bakit mo naman naitanong?"
"Wala naman po. Naisip ko lang." Sinilip ulit ni Dindin ang talong mula sa kinauupuan niya.
"Laging may exception to the rule. Ako iyon."
"Narinig mo yun tay?"
"Alin?"
"Yung nagsalita ngayon lang."
"Anak, mamya kung malambot ang dumi mo at parang nasusuka ka, sabihan mo ako. Baka na-red tide ka. Kung anu-ano yang naririnig mo. Pupunta tayo sa health center agad."
Tapos na silang kumain ay hindi pa rin matahimik si Dindin. Una, yung lolang nagte-twerk na nahimatay, naglaho. Ngayon naman, nagsasalita ang talong. Naisip niyang baka nga na-red tide siya. At kahit nami-miss niya ang tatay niya sa tuwing umaalis, sa unang pagkakataon, excited na siyang umalis ito para masubukan ang pinagagawa ng matanda.
"Dindin, aalis na ako. Mahaba haba ang session namin ngayong gabi. Hindi ako titigil hangga't hindi buo ang pambayad natin ng upa sa bahay. Magpahinga ka na agad. Uulitin ko, pag malambot ang dumi mo at nagsuka ka, puntahan mo ako agad para makatakbo tayo sa health center."
"Hindi po ba puwedeng itext na lang kita? Malayo rin iyong pasugalan e."
"Puwede naman kung pareho tayong may cellphone."
Itutuloy...