I am the least fashionable person I know kaya ang post na ito ay hindi para husgahan ang fashion sense ng ibang tao. Hindi ko lang talaga maintindihan kaya huhusgahan ko na lang ang kanilang pag-iisip. At para magtanong. Engot ka ba!?!
Ano kaya ang iniisip ng isang tao para magsuot siya ng sapatos na umiilaw in broad daylight? Multiple choice, only one answer allowed.
A) Madilim ang daan pauwi sa amin mamayang gabi at tamad akong mag-flashlight. Ito na lang.
B) I have a thing for Astroboy
C) Cool ako, kayo hindi
D) Gago ako
Pages - Menu
▼
Saturday, May 21, 2016
Just Maki
Ito ang pinakamasarap na Maki na natikman ko sa buong buhay ko. Nagkaroon ng Food Sale sa office namin at pinalad kami na kasali ang Just Maki sa mga nagtinda. Ang sarap, sarap, sarap. Ok, hindi ako marunong mag-food review kaya take that.And this --- malinamnam ang kanin na nakikipagharutan sa mayonnaise, pipino at crab stick habang tumitili ang matamis na mangga. Sabi ng mga Tobiko (yung mga orange dots), sasali raw sila. Wala silang kapaguran na maghahabulan sa bibig mo mula sa una hanggang huling nguya. Iiwan ka nilang mas masaya kaysa noong una mo silang nakita. Just like great people and great loves in your life.
Tama na ang pagpu-push ko na mag-review. Basta, pag nasubukan mo, maiintindihan mo kung bakit araw-araw ko itong kinain (puwera isang araw na nag-work from home ako) for one week. One of these days, magba-bulk order ako at bahala kayo kung after two weeks, may orange dots na rin ako.
P.S. Uncompromising ang standards ni Justine (sya ang king in the kingdom of Just Maki). A fresh batch is made the night before at hindi na tinitinda ang natira - kung meron - the next day.

Friday, May 20, 2016
Simply SMART, Simpleng GPRS
Kita niyo? Hindi yung 19,885 emails ko. Sa taas nun. Anong connection ko? Kakaiba diba? Hindi ito picture from 2003. Last week lang ito. Anong meron, SMART? Throwback ba ang labanan?
Hindi naman sa epal ako at naga-astang pretentious middle class ano, pero ang teleponong ito ay company-provided phone kaya yayamanin. Ito ay iPhone 6s na naka-unlimited data plan, etc., etc., etc., Pero bakit kapag lumakas ang hangin, nagiging GPRS ang LTE ko? At bakit kapag nasa Tatalon, Quezon City ako, wala akong kahit ano? Hindi naman kami nakatira sa kuweba, andami ngang adik dun e. Walang adik sa forest 'no. At I'm sorry, hindi lang sa depressed area depressing ang serbisyo. Pati sa opisina namin, parang lakad ng pagong na may rayuma ang connection.
Rhetorical questions lang yan. Aasa ba ako ng sagot sa customer dis-service. Also, Pilipinas LTE. Ano pa ba? Nuninuninu...
Only 5 Billion Views Away From Being A Blogger Millionaire
Hindi ko pinagkakakitaan ang blog na ito (dahil siguro hindi ako marunong). Pero bilang katuwaan, nag-sign up ako sa Nuffnang almost two years ago. Dahil wala naman akong effort to optimize at dahil ang priority ko ay mag-dramatize lang naman ng lahat ng nangyayari sa akin, hindi ko madalas silipin ang aking Nuffnang account. Kaya kagabi, laking gulat ko nung makita kong kumita na pala ako ng tumataginting na sampung piso! Bigyan ng straitjacket yan!!!!
So ito ang aking kakarag-karag na Math. With a little over 50K views, kumita ako ng sampung piso, ibig sabihin, para kumita ako ng isang milyon, kelangan ko ng 5 Billion views. Chicken na chicken yan. Chicken shit.
O eto pa, sa 10,080 views per year (hindi yan magbabago), kailangan ko ng 490,196 years para maabot ang 5B views. Eh punyemas, nakakapag-claim ba ng tseke ang fossil? Neknek. Sige, Nuffnang, paki-issue na ng tseke ko please. Post-dated to year 492,212. Kita-kita tayo kung may earth pa.

Nagpapautang Na Si Aling Puring
Kasabay sa paglaki ng aming mga anak ang laki ng ambag namin sa Puregold, Ang Tindahan Ni Aling Puring. Wala namang kaso kasi masaya naman ang mga presyo ng bilihin sa kanila at saka marami ang pagpipiliang paninda. Mahal nga lang ang gatas ng mga bata at masama ang ugali ng karamihan sa staff nila, pero ayus na rin. Ayon sa ilang kakilala, iisa raw ang may-ari ng Puregold at S&R. Kung totoo man iyan, siguro may kapangyarihang pang-engkantasya siya. At, may website pala ang Puregold, hindi ko kinaya. Siya na talaga, siya na!
Kahapon, habang payapa akong naglalakad sa kahabaan ng Ayala e may nag-abot sa akin nito. Huwaaw! Nagpapautang na pala si Aling Puring! Hindi ako informed ha? Medyo matagal na pala ito. Kung gusto niyo mangutang, ito, may nag-post na ng application form. Pero utang na loob, huwag mangutang kung walang ibabayad. Ganern.

Wednesday, May 18, 2016
https://pixlr.com/editor/
Mala-online version ng photoshop na libre. Tinuro ito sa akin ng isang concerned bagets last year. Siyempre, gusto ko pa ring madugtungan ang buhay ng aking Photoshop skill. Pero sa ngayon, puwedeng puwede na ang power ng PIXLR.
ORIGINAL MANOK:
RETOKADONG MANOK:
Ok, thanks!
Tuesday, May 17, 2016
Ito yung sheer luck na tinatawag.
Sa unang pagkakataon ay mukhang nalugi rin sa akin ang 711. Hindi naman quarter chicken ang inorder ko pero tingnan.... Mas malaki pa sa mouse ko ito, for 65 peysos.
Seriously Now
Isang taon na mula nung masampolan ako ng bangis ng nagngangalit na thyroid. Pero hindi pa ako magaling. Mas lumalala pa ako ngayon. Hindi lang kamay ang nanginginig sa akin, pati likod, paa at boses. May mga malaking pagkakamali naman kasi ako.
January-March ang hell months namin sa trabaho. Sa mga panahong ito, ngaragan sa puyat at pagod. Nagdesisyon akong itigil ang maintenance meds ko para hindi ako babagal-bagal at aantok-antok sa trabaho. Ang hyperthyroidism meds, pababagalin ka talaga para labanan ang mabilis na heart rate, metabolism, etc., etc., etc., So, no meds ng Monday-Friday.
Kapag inuuwi namin ang mga bata sa bahay o kapag dinadalaw namin sila, hindi rin ako umiinom ng gamot. Kasi nawawalan talaga ako ng ulirat pag sumipa na ang gamot. Weekends naman ito.
Sa araw-araw na walang gamot, kulang sa tulog, at lunod sa kape at usok, napapaisip din ako talaga na syet, buti buhay pa ako. Sabi nga ng duktor, "bakit ka tumigil maggamot at magpatingin, gusto mong tumirik ka na lang bigla?"
Ayaw po. Ayaw po talaga.
So this week, kariran na ito. Repeater na kung repeater sa treatment. Ang importante buhay, at sana, mabubuhay pa nang matagal.