I'm writing this on a Sunday. Nag-scheduled posting lang ako kasi nakikinita ko na, baka mahirap nang mag-blog sa mga darating na araw. Dahil... dan dan dan daaaannnn... Uuwi na ang mga bata! Pagkatapos ng isang taon na weekends lang kami magkakasama, dito na ulit sa aming munting bahay kubo titira, kasama namin.
Halos isang taon silang nakatira sa bahay namin sa Tatalon, kasama ang lolo, lola, mga tito, tita at pinsan. Ang sabi kasi ng Developmental Pediatrician ni TLO, malaki ang maitutulong sa kanya ng maraming batang kasama. Totoo naman, nag-iba ang confidence at personality ni TLO mula noong isang barkada sila nila TNLO (The New Little One) at mga pinsan nila. Naaawa lang ako sa malungkot nilang paghihiwalay. Sigurado mami-miss nila ang isa't-isa. Kaya dapat, regular pa rin kaming dadalaw.
Excited na kami ni Sir_Ko. Pero siyempre may kaba rin. Adjustment ulit ito sa pang-araw araw na buhay. Ako, kailangan ko na ulit mag-luto everyday. Si Sir_Ko, mas dadami na ang labahin niya. At marami pang iba. Tataas na ulit ang weekly grocery expenses, ang bayarin sa kuryente at tubig. Siksikan na naman kaming apat sa kama hanggang kaya na nung dalawang bagets na matulog sa kuwarto nila. Ang lahat ng ito ay worth it. Totally, worth it.
Eto na yon, RAKENROL!!!
Paboritong pekatyur ko ito. Kuha ng kapatid ko habang kinakabayo ng magpipinsan yung lolo nila (ulo na lang ni Papa ang kita dito).
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!