Pages - Menu

Thursday, December 31, 2015

Saying goodbye to LingLing in 2016

The year 2015 gave us one of the biggest challenges of parenting. The Little Ones had to live with my parents. With the gentle recommendation of Potling's Developmental Pediatrician, we had to send her and Sopling (to keep the sibling bond alive) away to a place where there are more people and children. This was and will be the painful living arrangement until April of 2016.

I initially installed Talking Tom in my phone as an entertainment showcase for the kids during our weekend visits. They love making LingLing say "banana" (yep, Minions) or "kakakak" (Potling's favorite "word"). Then I just found myself falling in love with LingLing. With so much motherly love to give and no children during the weekdays, I needed someone to feed, wash, potty train, play with and send to dreamland as needed and she had no other choice. Call me crazy but it was a refreshing coping mechanism. I s-mothered and spoiled LingLing rotten. I spent all my breaks and hours before/after sleep with her. Look at her being a whiny adorable little devil when I'm not able to answer her call to go to the bathroom. Just like a real toddler huh?


Today I must say goodbye for my real children. They are coming home soon and I cannot afford to be distracted anymore. I will be uninstalling the app before sunrise.

Thank you, Lingling. Thanks for keeping me company. I love you and I will always remember the times you let me be your mommy cat.

Posting LingLing's milestone photos. Screenshots of my mental health during my darkest mommy hours. Ok, make fun of me now. :)










Tuesday, December 29, 2015

Judging by the last working day in 2015

Alam ito ng lahat ng nagtrabaho o nagtatrabaho sa multinational corporations. Hindi nagsasara ang tindahan porke't may Diyos o may bagong taon na paparating. May tinatawag na skeletal staff na nagbabantay habang umiiyak. Sa departamento namin, ako iyon kanina. At hindi ako nagrereklamo. Parte naman yun ng buhay empleyado. Lahat kami may nakatakdang araw na magbantay ng kaha, puwera sa Philippine Holidays. At least may ganun. Biyaya na yun kasi noong unang panahon na nasa kohl sener operations ako, ang holiday ng Pilipinas ay dagdag suweldo lang (mabuhay kayo mga guysh!). At saka sa totoo lang, kinikilig nga akong matawag na skeletal force cosidering na ilang layer ng taba muna ang makakanti bago maabot ang aking skeleton.

Tumakbo ako kanina sa suking kapehan kapag mailap ang focus. There I was, quietly having my last shift for 2015 when two dude men disturbed the peace. My peace. Nagrereklamo ang mga ito sa kanilang mga girlfriend. Sabi "pare hinahanap ka ba ng chick mo pag ganitong oras?"

Lampas alas onse na ng gabi so malamang ang sagot ay oo. At oo nga raw sabay litanya nilang dalawa na nakakapagod daw ang paulit ulit na pangungumusta sa text. Pare-pareho lang naman daw ng pinag-uusapan. Kumain na ba, matutulog na ba, anong gawa ng baby ko. Ganyan. Sawang sawa na raw sila. Dahil nagsasawa na rin akong makinig, sinulyapan ko ang mag-kumpare.

Eh naknampating. Biglang gustong mag-rally ng ilong ko. Mga paminta pala.

Alam niyo mga parekoy, mag-out na kayo para maipagsigawan niyo na sa Milky Way yang pag-ibig niyo sa isa't isa. Kapag malaya na ang inyong pagsinta, hindi niyo na kailangan ng girlfriend. Makakapag-text na kayo sa isa't isa ng baby hindi ako nagsasawa sa iyo, grabe ngayon ko lang naranasan ito.

Wala akong isyu sa mga taong ayaw malagyan ng label ang preferences nila sa buhay. Pero sumasama ang loob ko kapag gumagamit sila ng human shield sa proseso ng pagtatago. Kasi wala dapat karapatan ang kahit sino na maglaro ng damdamin ng iba. Period.

So dahil diyan ito ang hotdog para sa inyo. Palayain niyo ang hotdog niyo please.  At kung hindi niyo pa keri yan, palayain niyo na lang ang mga tao na umaasa sa hotdog niyo.

And now. Maipilit lang ang theme. Hotdog din ang inspirasyon ng aking buhay empleyado sa 2016. Masarap ang hotdog pero masama sa kalusugan kapag sobra. Ganun din dapat ang perspektibo sa trabaho. Easier said than done, gasgas na gasgas na yan sa marami sa atin at sa akin, iyan ay recurring reminder sa sarili for the past 14 years. Sana at siguro naman hindi ko na yan makakalimutan this year kasi naisingit ko pa nga sa post na ito o. At saka lumalaki na ang mga anak ko. Kung hindi ko yan magawa, ang paalala ng Purefoods ang dapat kong katakutan. "Kids can tell!" 

P.S. Yan naman ang hindi applicable sa mga (woman) human shield ng mga paminta. Dahil sa pag-ibig, not all women can tell. Sad but true.