I think sa amin galing ang inspirasyon ng pekatyur na ito. Ang buhol buhol na mga kable ng kuryente sa isang sulok ng aming kuwarto na ngayon ay isang patuloy na lumalaking kumunoy ng alikabok, buhok, ipis at dinosaur kapag bumalik na sila sa earth.
Gusto ko sana ganito kasinop. Tingin ko aayos ang buhay ko kapag naayos na rin ang aming mga kable. Ngek.
Pages - Menu
▼
Wednesday, October 14, 2015
Photo from our bedroom?
Tuesday, October 13, 2015
Almost Done
I'm almost done with the curriculum development project that I've been working on since the last week of August. I am 3 modules away from completion. 73 files done, whew! This has got to be the most difficult curriculum development work I've ever done, OWASP for IT folks years ago just got dethroned. Sana marami pang challenging at fulfilling projects na dumating. Gusto ko kasing yumaman, literally and figuratively (sa karanasan, anubaazzz). Konti na lang, more power to me!
I saw this image from this sample document. If you can appreciate the humor in this graphic, reach out to me please. I need someone to laugh with me, that's all.
Monday, October 12, 2015
Chito and Neri
Bisyo ang pagsilip sa Instagram accounts nila Chito at Neri. Bisyo kasi napakasarap gawin kahit masama para sa akin. Sabi ng isang kaibigan, nakakamatay ang inggit. Siguro kung mahina ang kapit ko sa tunay na buhay, matagal na akong natagpuang patay sa harap ng laptop. Last pages visited, The Mirandas. State of womanly affairs, PMS-ing. Ay naku, iba ang kulo ng utak kapag namamatayan ng itlog.
Don't get me wrong, wala naman kaming major-major marital problems ni Sir_Ko. Ako lang ang may problema with some very very very unrealistic expectations. Hindi pang-mundong ibabaw at lalong hindi pang-here and now. May kumag na nagtanong kay Chito. Ang sabi "Ng tatampuhan din po ba kayo? Abnormal din kasi ang sobrang sweet." Ang bagsik ng reply ni kuya.
"oo naman...pero inaayos namin sa mahinahon na paraan at hinding-hindi namin kilakalimutan na mahal namin ang isa't-isa. And no...hindi abnormal yun sa mundo namin yung sobrang sweet. Siguro sa mundo mo oo, pero sa mundo namin, hindi"
Ang taray diba? Meron silang sariling mundo. Ang problema sa akin, meron akong tinitirhan na tatlong mundo pagdating sa pag-ibig. Yung mundo niya, mundo namin, saka mundo ko. Bawat mundo, iba't iba ang kultura at saligang batas. Ang katawang pantao ko ay nasa mundo namin- yung mundo ng compromise, bills to pay, children, work at kung anu-ano pa. Ang sinisikap kong maging at siyang origin ng aking mga pananakot sa sarili ay galing sa mundo niya. Ito yung mundo na may view ng version ko na naniniwalang I truly deserve him. Yung puso ko, nandun sa mundo ko. Kasama ng mga unicorn.
I guess only time will tell kung healthy ba ang ganito. Kunsabagay, lampas isang dekada na kaming magkasama, parang ok naman. Nawawala lang naman ako katinuan kapag namamatayan ng itlog (PMS) at saka kapag may nakikita akong mga kababayan ko, mga anak ng Planet Romantiko. In the meantime, song and dance na lang muna tayo.
Sa iyong ngiti at kislap ng iyong mata
At kilos ng iyong labi ako'y nabighani
Bawat galaw at kilos nitong daigdig
Ako'y sirang romantiko sa ihip ng hangin
Sana naman madama mo na rin ang
Ang iyong damdamin wag ng pigilin
Kita mong minsan lang maglalambing
Hawakan mo ang aking kamay wag pigilan
Tayong dalawa ay tutuklas ng hiwaga
Magtiwala ka naisulat na ng tadhana
Lunes Na Naman
Image Source |
Kada Lunes ay mataas ang expectations ko sa sarili ko on three recurring themes. Hindi na ako magyoyosi. Hindi na ako kakain ng pang-tatlong tao per day. Uuwi ako ng Honda (honda dot, 9 hours only). Kadalasan, nagtatagumpay ako hanggang Miyerkules tapos kapag Huwebes na, iniisip ko na sa Monday na lang ulit.
Nakakasawa na ang maging talunan. Buti pa ang kilikili ko medyo nakaahon na sa kahirapan. Hindi na siya laging kumakanta ng take me out of the dark my Lord, I don't wanna be there. Hindi pa rin siya perfect pero at least hindi na siya burak (share ko ang magic products soon). Samantalang ako, lugmok pa rin.
I want to be better than my kilikili. Sana this is the day and the week to prevail.