14 years ago today was my first day at work. Real work. Meron naman akong mga trabaho bago iyon pero wala pang nananakaw sa akin ang mga top honcho-Pontio Pilato ng gubyerno, BIR, SSS, PAG-IBIG at PHILHEALTH noong mga panahon na iyon. Suwerte naman ako at sadyang mabait, nakakadalawang employer pa lang ako:
Company A - 9 years and 10 months
Company B - 4 years, 2 months and counting
Ito naman ang mga naging trabaho ko. Hindi ko na ilalagay ang tenure per role saka official titles. Baka naman sabihin niyo naga-apply ako. Masarap lang balikan:
1. Call Center Agent, Technical Account
2. Call Center Agent, Entertainment Account
3. Call Center Agent, Travel Account
4. Subject Matter Expert (Line Supervisor)
5. Operations Supervisor, Financial Account
6. Process Trainer, Financial Account
7. Process Trainer, Travel Account
8. Training Manager
9. Training Manager and Employee Engagement Manager
10. Leadership Development Trainer
11. Curriculum/eLearning/Instructional Designer
12. Senior Training Manager
13. Strategic Marketing Analyst
14. Global Compensation Shared Services Analyst
Well, what do you know? Nagulat din ako dun ha. 14 jobs in 14 years! Hindi ako hopper 'no. Talaga lang mabilis ang galaw sa mundong pinanggalingan ko (ang joke dati, 7 years in a traditional company = 1 year in a BPO sa sobrang bilis ng mga pangyayari). At saka rin kasi nung kabataan ko, lagi akong may plano pagdating sa career. Yung#1-#5, random moves inspired by financial needs and the help of so many people around me. Pero yung #6-#12, bukod sa kumikitang kabuhayan (lagi namang kasama yun!) ay para sa binubuo kong foundation ng big dream na maging mahusay na Workplace Learning & Performance Consultant (na nagagawa ko naman paminsan-minsan, salamat kay JellicleBlog.Com).
And then mommyhood and wifehood happened. Tigil putukan, sabi nga sa news. Ceasefire muna. Ang kailangan ko na kasi ngayon ay kumikitang kabuhayan na mabait sa aking personal na buhay. Yung maraming natitira sa akin na oras at lakas para makipagbuno sa mga mas malalaking alalahanin sa labas ng opisina.
Sa totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging #15. Ang mga kasabayan ko sa karera na iniwan ko (pansamantala?), big time na. May mga Directors, AVP at VP na nga e. Aaminin ko, may maliit na kurot sa puso kung minsan kapag nakakabalita ako ng kanilang promotions. Pero bumabalik ako sa dahilan ng ceasefire at kumakalma naman ako. Lalo na kapag yakap ko ang mga anak ko at ang aking asawa.
I have so many things to be thankful for. Yung mga mababait at magigiting na boss at mentors, mga kaibigang nakilala na hanggang ngayon ay kasama, mga bagay na nabili at mabibili pa, mga karunungang puti at itim na nahuhugot tuwing kailangan, mga karanasan na hindi matatawaran.
Happy anniversary to me! 20 years old ako noong unang nagtrabaho, ibig sabihin I'm 35% done sa 40 years na tinakdang working years para sa Filipina my age. Kung ang retirement age ay hindi magbabago, 26 years to go na lang iyon... shet. Dalangin ko ay lakas katawan, talas ng pag-iisip at tibay ng dibdib para bunuin ang kahit anong pagsubok at tax deductions pa na darating.
Pages - Menu
▼
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!