Pages - Menu

Wednesday, July 15, 2015

Walang Gawa? No Problem.

Naririnig ko ito dati sa mga kapitbahay namin at sa mga piket line. Kapag "walang gawa" sa pabrika ay pinauuwi ang mga trabahador. Walang gawa, uwian na, walang bayad.

Kahapon ay nag-agaw buhay ang work laptop ko na si Oxy. Naniniwala akong buhay pa siya. Kaya lang in coma, ayaw sumindi. May mga loaner laptop na tinatawag sa office, ginamit ko ang isa. Ang mga loaner laptop na ito ay ginamit ng dinosaurs bago nadale ng ice age ang earth. Hindi rin umubra ang loaner laptop para sa kailangan kong gawin.

Sa gitna ng maraming nakapilang deadline, nagdesisyon ako na umuwi para gamitin ang aming conjugal laptop na si Jakobo. Matanda na rin si Jakobo. Buhay na siya noong World War II. May ilang mga bungi na keys na rin, mga letra na napagkatuwaang tungkabin ng aming mga anak.

Nagbubuhol buhol ang bituka ko sa pag-aalala pero nakaraos din ako. Ibang iba talaga ang buhay sa hanay ng mga manggagawa. At napatunayan ko na hindi uso sa aking trabaho ang walang gawa. Ayus lang kasi wala ring kaltas sa sahod. Suwerte pa rin kahit paano.

Kapit lang. Holiday sa Biyernes! Oyeh!


No comments :

Post a Comment

Yum-ment!