Pages - Menu

Thursday, July 30, 2015

Career Moves - "Should I apply for this job?"

Marami akong opinyon sa maraming bagay. Libre naman e, saka nga kaya ang saya-saya kong mag-blog. Pero sa totoong buhay, sa mga kumpulan, hindi ko ugaling magsabi ng saluobin kung hindi naman ako tinatanong. Saluobin nga diba? Nasa loob.

Kahapon ay nahaltak ako sa isang marubdob na usapan. May isang tao na nalilito kung dapat ba siyang mag-apply para sa isang bagong trabaho. Nananahimik akong nagta-trabaho e biglang tumutok ang spotlight sa akin at natanong... ano raw ba sa tingin ko ang dapat niyang gawin?

Panic Attack, boom. Una, hindi ako handa. Kung baga sa doctor o abugado, wala akong alam sa kaso. Pangalawa, hindi ko naman siya ka-close. Wala kaming dynamics na puwede kong paghugutan ng tamang tono, word choices, analogies at overall subtext at context. Daming iniisip ano? Pangatlo at higit sa lahat - hindi ako magaling sa pagpapayo. Hindi ako puwedeng lifeline o mentor sa mga religious organizations. Ang foundation ko ay isang dekadang adult learning and management concepts and experiences working with grown ups. Facilitative and servant leadership ang aking anchors. Ang pagiging facilitator ay pagiging facilitator – tutulong ka sa pagpo-proseso pero sa huli, ang taong kausap ang tutungo sa gusto niyang direksyon. Sa kanya ang desisyon, hindi sa iyo.

So napilitan akong sumagot. Ano ba ang rason mo? Medyo nalabuan ang lahat. Kinailangang linawin na hindi ko tinatanong kung anong balak niyang isagot sa interview. Ang gusto kong malaman ay kung bakit ba siya maga-apply kung gusto man niya talagang mag-apply Ano ba ang gusto at ano ba ang kailangan. Halo-halong kalamay ang sagot. Hindi naman daw pera pero ok yun. Hindi naman challenge at mas magulong buhay pero kaya niya rin yun. Para sa akin ay end of conversation iyon - pag-isipan mo tapos usap tayo ulit kapag alam mo na ang sagot (pero di ko na yan nasabi kasi nagmamadali ang lahat). Kahit yung sinabi niya na feeling daw kasi ng mga tao sa paligid niya ay kaya niya ito at this is for her. Sabi ko e hindi naman sila ang magtatrabaho, buhay mo iyan. Ano ba ang gusto mo? End of conversation na nga. 

Nung may isang bagong dating na sasama sa usapan, nagbigay ng recap sa kung anong nagaganap. Ang bagong dating ay natanong din kung anong dapat niyang gawin at medyo nag-alala ako nung sinabi niya na --- ayan, ayaw naman akong bigyan ng payo ni YummyliciousLady kasi para sa kanya alam ko dapat ang dahilan ko.

Hanggang bago matulog ay bitbit ko ito. Dapat bang piniga ko ang sarili ko na magbigay ng kongkretong sagot? Nakatulog ako na may mga puting kalapati sa dibdib. Kapayapaan. I stand, and will continue to stand, by what I said. At dahil blog ko naman ito, konting speech muna,

Ang trabaho ay enabler para makamit ang maraming bagay sa mundong ibabaw. Ito ang pagkukunan ng pambayad ng kuryente, tubig, bahay at pambili ng pagkain. Kung susumahin 33-50% o 8-12 hours lang ng isang araw ang ginugugol ng isang empleyado sa trabaho pero halos 24X7 kung isipin at alalahanin natin ito (kasama ako). Siguro dahil iyon sa bukod sa compensation and benefits package, maraming nakukuha pa sa pagiging employed. Yung iba kumukuha ng sense of accomplishment at fulfillment na hindi mahanap sa ibang aspeto ng buhay sa kanilang trabaho. Yung iba tumatakas lang o bored. Yung iba naghahanap lang ng friends at family at sa office nila iyun nasumpungan. Iba't iba ang dahilan kung bakit tayo kumakayod at gumagawa ng mga desisyon pagdating sa mga napiling karera. Sa tingin ko, kailangang lahat ng empleyado ay alam dapat ang sagot sa tanong na "bakit ka ba nagta-trabaho?" Kung hindi mo alam ang sagot, magiging miserable ka lang sa araw-araw na kailangan mong mag-login. Ikaw, ang boss mo, ang mga katrabaho mo at lahat ng nakakausap mo kapag buwisit na buwisit ka sa buhay mo.

Kaya sa tanong na "Should I apply for this job?" ---- ang sagot eh depende sa iyo. Bakit mo ba gusto? Secondary question na lang pero mahalaga rin ang itanong kung sa kaibuturan ng puso mo ba ay alam mong may kapasidad  (financially, intellectually, emotionally, skills & experiences considered) ka na gawin ang gusto mo. Tricky yan. Kasi merong ang laki ng bilib sa sarili at sa mga pelikula pero walang kapit sa realidad. Ang perfect example niyan e yung walang pera at hirap na hirap sa buhay pero naghahanap ng trabaho na kakarampot ang suweldo pero patok sa kanyang Hollywood-Star Cinema-driven desires --- when he/she could be earning so much more doing something that he/she knows how to do well.

I could be wrong pero ito ang pinaniniwalaan ko sa ngayon (yes, nage-evolve naman ang tao diba?). Maybe when I'm older, may iba pa akong itatanong sa mga nagtatanong ng ganito. Pero sa ngayon mga ate at kuya, ito talaga e.

See, even Covey says consider your NEED in your quest to find your voice. Read more about this in "The 8th Habit - From Effectiveness to Greatness."























Image is from here

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!