Pages - Menu

Friday, June 12, 2015

Cleanliness Is Next To Yumminess


Sana joke lang pero totoo ito. Hindi pa kami naglilinis ng bahay mula noon pang January 2015! Anong petsa na diba? Nagsimula ang lahat noong tinarantado kami ng isang yaya (strong hateful word!!!). Magbabakasyon raw si Ate para pabinyagan ang anak na kambal. Tatlong taon na ang mga bata pero hindi naaasikaso. Siyempre, dugo ang puso ko. So sige, humayo ka sa probinsiya. Binigyan pa namin ng ambag na datung para sa binyag. Ako e nagmagandang loob at pinahiram pa siya ng alampay kasi mahaba at maginaw ang biyahe sa bus. Ayun, awa ng diyos ng kadiliman, hindi na nagparamdam, hindi na bumalik. Sabi sa kapatid niya, buntis daw. Ewan kung totoo dahil nag-text din mga two weeks ago para magtanong kung pwede na siyang bumalik. Ano yun? Patawa?

Anyways, dahil walang yaya para sa mga bata at dahil na rin sa payo ng Developmental Pediatrician ng aming panganay na dapat ay nasa lugar siya na maraming tao, naka-one year vacation ang mga bagets sa aking parents sa Tatalon, Quezon City. At mula noong umalis sila, tumigil ang hygienic domestic world. Ang lahat ng tirang pagkain, nasa ref. Ang mga hugasin, nasa ref. Ang mga maruming damit, tumira na sa sahig. At ang kuwarto ng mga bata ay naging bodega (ayoko pumasok ron, gusto kong magpatiwakal sa lungkot). Ayoko magpakita ng picture baka pareho pa tayong ma-depress.


Sabi ng isip ko, kebs. Tinutulugan lang naman namin ang bahay. Saliwa kami ng schedule ng trabaho ni Sir ko. So bakit? Bakit pa, diba? Kama at banyo lang naman ang kailangan ko sa bahay na walang tao. Pero ang puso ko at kaluluwa ay buryong na buryong. I cannot live like this. Sabeh!?!

Sinimulan kong ayusin ang cabinet ko kung saan mas nagwagi pa sa ARMM ang aking mga damit. May sarili na silang buhay at gulo. Nagsimula na ako kahapon sa aking Balik Linis Project. Gusto kong gumugol ng dalawang oras from Monday to Friday para sa paglilinis ng bahay. Nagsimula ako kahapon and oh, it was pleasurable. Nag-alarm nga ako ng 2-hour mark dahil knowing me, hindi na ako titigil. Kulang na kulang ang dalawang oras. Kailangan yatang isang lupon ang magis-is nung ibabaw ng stove. As in. And why week days only? Kasi kami ay nomads. Ang Sabado at Linggo ay Family Days. And that means, luwas luwas luwas sa Tatalon Quezon City.

Ito ang malabong picture ng Day 1, Tiny Kitchen Day. Wala sa picture ang sangkaterbang hugasin at mas maraming basura na bunga ng paglilinis.






Finally, some inspiration for all who live in mess and grime. Kaya natin ito mga Ka-Pigpen!








No comments :

Post a Comment

Yum-ment!