Pages - Menu

Thursday, August 15, 2013

[Buwan ng Wika Series] Dila mong dakila



















Kagabi, may magsing-irog na naglalambingan sa kanto ng Ayala. Nakasalubong ko sila kaya dinig na dinig ko nung sinabi ng babae sa lalake na: "I love your tongue." Nanlaki ang mata ni kuya saka napalunok. Nagkatinginan kami at gusto kong pasalubungan siya ng masigabong palakpakan para sa kung anumang talent portion ang nagagawa ng kanyang dila.

Dila ni kuya aside, alam nating lahat (I hope) ang kasabihang "ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda." Pano ba pinapakita yang pag-ibig na yan? Sa mundong ating ginagalawan, kahinaan at katatawanan kapag ang tao ay may "p and f" or "b and v" defect. Parang kinikiliti ng demonyo ang mga magagaling umingles kapag may nagkamali. O kaya naman, yung mga may angking kakayahang mag-tunog kano kahit di pa nakakatungtong ng US ay ginagawang panakot sa mga kawawang kahera at sa kung saan-saang tindahan ang kanilang flawless American twang daw. Pinakawild noong nasaksihan ko ito sa mga agent na bumibili ng squidball at kikiam. Meron ding nag-call center agent lang ng dalawang buwan, pag umattend ng kahit anong reunion, umeeksena na agad na hirap na mag-tehgelog.

May mga kontekstong binabagayan ang ingglisan. May mga trabaho at "mundo" na iyan ang puhunan. Yun, wala tayong magagawa ron. Pero kung nasa kanto ka lang ng baranggay niyo, nasa bus, nasa jeep, nasa kuwartong puno ng taong nakakaintindi naman ng Filipino, aba, subukan naman natin. Kung likas kang ingglesero, try pero di ka required (at saka most likely di mo naman binabasa ito o kaya binabasa mo pero di mo maintindihan). Kung di ka Manilenyo, kahit ano pa yang diyalekto, basta lahat ng kasama mo maiintindihan ka, go for gold!

Mahalin natin ang dila natin. Mother tongue. Inang dila. Diba ang sarap ng pakiramdam na masabihang --- I love your tongue?

Wednesday, August 14, 2013

[Buwan ng Wika Series] Diba?























Ano ang ibig sabihin ng salitang "diba?" At ano ang ibig sabihin nito kapag dinugtungan pa at ginawang "diba nga?" Nagamit na ba ito sa iyo? Nang paulit-ulit? Diba parang nakakapanliit? Diba?

Ang "diba" ay pinaiksing porma ng "hindi ba." Ginagamit ito sa simula, gitna o dulo ng sinserong tanong. Ang kaso, nagmamadali ang mundo. Lahat ng pwedeng laktawan, lalaktawan. "Diba nga ganito yon?" Parang laging may pupuntahan at hindi puwedeng maabala. Parang pagod na pagod na sa kausap. Kaya tuloy ang "hindi ba" ay nagiging "filler" na lang minsan. Parang eto --- gets mo?

Napapansin kong madalas kong nagagamit ang "diba nga" these days. Madalas, sa pinakamamahal ko pang mga tao. At hindi ako natutuwa. Ang hirap labanan. Pero hindi ko ito susukuan. Kaya kapag nahuli nating namumutawi sa bibig natin ang "diba nga" at hindi naman tayo nagtatanong, konting hinahon, konting kalma. Kahit usong uso ang Twitter, alalahaning ang wikang Filipino ay hindi likas na nagmamadali. Meron tayong mga tunog na maragsa, pero laging mahinahon ang daloy. Hayaan na natin ang newscasting voice ni Mike Enriquez. Kabuhayan niya yon.

* Image source is here. Enhancements are mine.

If I may be materialistic for a few minutes today...

Kailangan ko lang ma-share ang nag-uumapaw kong kaligayahan. Mapupunit na ang bibig ko sa kakangiti. Lalagpas na ako sa cup E sa nagsisikip kong dibdib. Gusto kong humiyaw! Gusto kong magsayaw sa Ayala! Magkakaron na ako ng sarili kong notebook! Ay mali, netbook! Yesssssss!!!

After hmmmm.... 8 years of waiting!

~ Makakapag-personalize na ko ng themes as often as I want. Mood ring? No thanks. Mood themes!
~ Makakapag-safekeeping na ako ng mga draft ng libro, kwento at tula na I'm sure eh never ko matatapos pero at least they're all in one place.
~ Magagawa ko na ang lahat ng digital arts and crafts projects na gusto ko. Kaya ba nito ang Photoshop? Sana...
~ Hindi na ako makukuba sa pagdadala ng mga laptop na pang grown ups. Eto sakto sa height at kamay ko!
~ Para na akong may sariling kuwarto!
~ Mag-aaral ako ng maraming apps! Mag-aaral ako!
~ Bibili ako ng purple na netbook sleeves. Saka purple na wireless mouse. Saka araw-araw ko siya lilinisin. Saka promise, di ko siya ifo-force shutdown. Saka icha-charge ko lang siya pag-drained na ang battery. Pramis yan Dadda!
~ Basta marami pa! Oh yes!!!!

Ay teka, good luck na naman sa social skills ko. Eh pero saka ko na yan poproblemahin.

Thank you sa sponsor ko na pogi! Thank you rin sa magbebenta ng affordable yet as good as new na unit!

Eto siya. Nakatatandang kapatid nga lang. But I have no complaints! Basta masya ako!





















Teka lang, maging makaluma muna tayo. Hindi ko pa hawak ito. Pwera usog! Sana matuloy na at sana walang aberya!