Pages - Menu

Wednesday, August 14, 2013

[Buwan ng Wika Series] Diba?























Ano ang ibig sabihin ng salitang "diba?" At ano ang ibig sabihin nito kapag dinugtungan pa at ginawang "diba nga?" Nagamit na ba ito sa iyo? Nang paulit-ulit? Diba parang nakakapanliit? Diba?

Ang "diba" ay pinaiksing porma ng "hindi ba." Ginagamit ito sa simula, gitna o dulo ng sinserong tanong. Ang kaso, nagmamadali ang mundo. Lahat ng pwedeng laktawan, lalaktawan. "Diba nga ganito yon?" Parang laging may pupuntahan at hindi puwedeng maabala. Parang pagod na pagod na sa kausap. Kaya tuloy ang "hindi ba" ay nagiging "filler" na lang minsan. Parang eto --- gets mo?

Napapansin kong madalas kong nagagamit ang "diba nga" these days. Madalas, sa pinakamamahal ko pang mga tao. At hindi ako natutuwa. Ang hirap labanan. Pero hindi ko ito susukuan. Kaya kapag nahuli nating namumutawi sa bibig natin ang "diba nga" at hindi naman tayo nagtatanong, konting hinahon, konting kalma. Kahit usong uso ang Twitter, alalahaning ang wikang Filipino ay hindi likas na nagmamadali. Meron tayong mga tunog na maragsa, pero laging mahinahon ang daloy. Hayaan na natin ang newscasting voice ni Mike Enriquez. Kabuhayan niya yon.

* Image source is here. Enhancements are mine.

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!