Pages - Menu

Wednesday, February 27, 2013

Coming (not so) soon

Kapag nakuha ko na ang gusto kong timbang at kapag isang taon na akong di nagyoyosi, susuungin ko ang kalandiang ito. Kahit walang deal na available sa mga panahong yun, pag-iipunan. Tapos mag-aartista na ako. Tapos pag na-feature ako sa MMK for being the first actress na nakabihis mascot (Dyolibi!) mula sa simula hanggang matapos gawin ang pelikula, ipapakita ko ang blog entry na ito. Ang pamagat ng MMK episode ay:

Ang Alamat Ng Aking Kagandahan 
(Lord, hindi ko na kailangang maging mabait ngayon!)

Napakasarap mangarap. Gawst!

Tuesday, February 26, 2013

Very Very Short Story


Nagkagulo ang mga bata sa oras ng recess. Kandahingal si Prateek sa pagsusumbong sa teacher.

"Teacher, teacher, Aurora's lunchbox is full of soil!"

Nilapitan ni teacher si Aurora. Nangingilid na ang luha ng bata dahil pinagtatawanan siya ng mga kaklase. Nagtanong si teacher.

"Aurora, why is your baunan full of soil?"

Nanlaki ang mata ni Aurora.Sinalubong ang tingin ni teacher.

"Because I'm a plant. I eat soil, water and sunlight. Remember?"

Natigilan si teacher. Niyakap si Aurora.

"Oh, I see" sabay tingin sa lahat ng estudyante. "Class dismissed."

Naalala ni teacher na limang buwan na siyang hindi dinadatnan. Ito na yun. Tama ang gynecologist.

"Everybody go home. I shall no longer be able to bear a child of my own."

Takbuhan ang mga bata, nag-uunahang makalabas ng classroom. May tumatalon, may tumatumbling, may humihiyaw. Nilunod ng ingay ang mga luha ni teacher. Hindi umaalis sa kanyang tabi si Aurora, na kumakain pa rin ng lupa hanggang sa mga oras na iyon.

What if ganito ang Ayala Avenue?

Siguro gaganda ang CSAT ng lahat ng call centers. Tataas siguro ang absenteeism at tardiness at dadalas ang gamit ng HMO cards para sa snake bites. Pero ang mas mahalaga, maganda ang CSAT at quality. Mababawasan ang irate agents. May nakita na ba kayong magsasakang irate? Wala, as in. Pwera lang siguro sa Hacienda Luisita at sa mga iba pang lugar kung saan may pag-aalsa ang mga kasama. But on a regular day, wala. We can learn so much from the farmers.



Tapos ganito ang eksena pag rush hour. Or kapag uwian na ng mga late GY shifter.


Be Inspired

Huwag silang tularan. Itong mga pot bellied pig ay cute at charming dahil sila ay baboy. Anim ang dede nila kaya amazing na ang kanilang mga bahay alindog ay sumasayad sa lupa. Pero, pangit itong tingnan sa human being. 

That's a reminder for me. Kung tinamaan ka, kapit-bilbil tayo. Kaya natin ito.


Boobs on the ground.  Touchdown!

First Field Trip: Santa Elena Fun Farm

Maraming muntik na hindi sumama noong Sabado dahil sa mga balitang aksidente sa field trip. Nakakatakot naman talaga. Buti na lang, hindi ito malayo. Sa Sta.Rosa Laguna lang, mabilis ang biyahe. Wala rin kaming pinuntahang wax museum or mall (thank you!). Talagang pang-masayang farm experience lang ang target ng ganap. Enjoy ang mga bata, hindi hagardo. Very flexible din ang transportation terms. Ang mga pamilyang may kotse, hinayaang magdala ng sariling sasakyan. Kaming mga walang sasakyan, nagbayad ng kaunti para pagsama-samahin kami (5 kids with companions) sa isang van. Panalo talaga ang mga activities ng CLC.

Creative swing, gawa sa exterior ng gulong ng truck.

Kapag kami nagkaron ng hasyenda, ganito ang eksena.

Ayoko sumakay sa kabayo. Nakakalula.

May binubulong ang rabbit kay Alice.

Feeding the kuneho with kerots

Kung ako ay Diyos, ganito ang eksena. Kumain kayo mga nilalang. 
Mamya, patay kayo! Char!

Little hamster big carrot stick


Carabao Sleigh Ride. Hindi bagay sa pasko.
Ayoko nito, nakakatakot. Saka kawawa ang kalabaw.

Si Little One at Ang Pechay ng Kalabaw

Tantrums sa dulo ng field trip... dahil ayaw tumigil sa pagsakay sa kabayo.

May ganitong picture kaya si Glydel Mercado or Roxanne G.
noong bata pa sila? No!

Daddy, I want another pony! Tigil!