Pages - Menu
▼
Tuesday, February 26, 2013
Very Very Short Story
Nagkagulo ang mga bata sa oras ng recess. Kandahingal si Prateek sa pagsusumbong sa teacher.
"Teacher, teacher, Aurora's lunchbox is full of soil!"
Nilapitan ni teacher si Aurora. Nangingilid na ang luha ng bata dahil pinagtatawanan siya ng mga kaklase. Nagtanong si teacher.
"Aurora, why is your baunan full of soil?"
Nanlaki ang mata ni Aurora.Sinalubong ang tingin ni teacher.
"Because I'm a plant. I eat soil, water and sunlight. Remember?"
Natigilan si teacher. Niyakap si Aurora.
"Oh, I see" sabay tingin sa lahat ng estudyante. "Class dismissed."
Naalala ni teacher na limang buwan na siyang hindi dinadatnan. Ito na yun. Tama ang gynecologist.
"Everybody go home. I shall no longer be able to bear a child of my own."
Takbuhan ang mga bata, nag-uunahang makalabas ng classroom. May tumatalon, may tumatumbling, may humihiyaw. Nilunod ng ingay ang mga luha ni teacher. Hindi umaalis sa kanyang tabi si Aurora, na kumakain pa rin ng lupa hanggang sa mga oras na iyon.
Napagaling ng pagkasulat... makapangyarihan ang tema.
ReplyDeleteNapagaling ng pagkasulat... makapangyarihan ang tema.
ReplyDelete