Pages - Menu

Thursday, April 11, 2013

Ang Mga Turo Ni Mama at Papa

Inspired by my sister's FB post, this meme.
Warning: Possible offensive content

1. TRUST
Basta sinabi ko, yun na yun.

2. HUMILITY
Huwag kang mayabang. May mga bagay na hindi mo dapat sinasabi tungkol sa iyo. Antayin mong sila ang magsabi na matalino ka o magaling ka.
Commentary: Sana itinuro ito ng lahat ng magulang sa anak nila. Ang laki tuloy ng claims department sa mundo. Self-proclaimed writer, photographer, artist, etc. 

3. RELATIONSHIP
Kapag tinanong ka kung loyal ba sa iyo ang asawa mo, ang dapat na sagot ay "sa pagkakaalam ko, oo." Marami kang hindi alam.

4. HOW TO GET A GUY TO LIKE YOU
Anak, hindi ka maganda pero malakas ang charisma mo at maganda ang mata mo. Minsan, magpa-easy to get ka. Madali lang yun. Pag nagkasalubong na kayo ng tingin, huwag ka ng bibitaw ng titig. Ayus na yon. Tingnan mo yung mga kapitbahay nating teenager na kepapangit, ang daming lalake. Ang dudungis pa nun ah. Ikaw naman lagi kang naliligo.

5. NEVER ROMANTICIZE
Ako: Papa, kapag lagi kang inaayang kumain o magkape ng lalake, diba may gusto siya sa iyo?
Papa: Ay hindi ganun. Lagi lang yung gutom o kaya antukin.

6. MARRIAGE
Anong live in, live in? Gago ka ba? Ano ka, magpapalaway lang?

7. NO RULES AT WORDPLAY
~ Kawawa naman si Aling Something, sunod sunod ang trahedya nila. Yang pamilyang yan, kinantot ng malas ngayong taon.
~ Fetus ka pa lang, ang dami mo ng tanong.
~ (Nung malamang may ka-MU na ako) Bakit, nangangati ka na!?! Gusto mo ipatawag ko lahat ng lalake dito sa area natin at papilahin ko sayo para kamutin ka?!?

8. ESPIONAGE
~ Maingay ka raw sa klase kanina. Nababarkada ka na. May source ako, binibigyan ko lang ng meryenda para sabihin lahat ng ginagawa mo sa school.
~ (Hawak ang gutay gutay na scratch paper ko after ng quiz bee). Careless ka! Lumilipad na naman ang isip mo! Kala mo di ko malalaman at pinunit-punit mo pa ang scratch mo! Simpleng addition lang ang nagpatalo sa iyo!

8. REBELLION WITH A CAUSE (GREAT PREP FOR EMPLOYEES)
~ Hanggat dito ka nakatira at kami ang nagpapakain sa iyo, susunod ka sa mga patakaran dito. Kung kaya mo na sarili mo, o e di sumige ka. Hindi ka na namin pakikialaman.

9. HONESTY
~ Habang nakaluhod ako sa asin at humihingi ng sorry dahil itinapon ko ang abobong sitaw at nahuli ako --- Huwag ka sa akin mag-sorry. Ayan ang altar, diyan ka humingi ng tawad. Sinungaling! Sa Diyos ka nagkakasala pag nagsisinungaling ka!

10. WHINING (RESULTS ORIENTATION)
~ Bakit ka sumbong nang sumbong? Inaaway ka? Banatan mo! Bigyan mo ng isa. Kaysa ganyang dito ka nagmamaktol.

11. CELEBRATING DIVERSITY
~ Bobo ka ba? Sabihin mo lang kung bobo ka. Kasi kung bobo ka, hindi na kita papagalitan. Maiintindihan ko na bobo ka, kaya ka ganyan.
~ Retarded ka ba? Sabihin mo lang kung retarded ka. Kasi kung retarded ka, hindi na kita papagalitan. Maiintindihan ko na retarded ka, kaya ka ganyan.

12. RESPONSIBILITY
~ Kapag nakalimutan mo ulit itapon ang basura, pupunta ako sa eskwela niyo at iaabot ko ang basura sa iyo.
Kapag nakalimutan mo ulit itapon ang basura, ilalagay ko iyan sa loob ng bag mo.
~ Ayaw mong iligpit ang kalat mo? Itatapon ko na para wala ka nang ililigpit habambuhay [sabay liparan ang mga laruan palabas ng bahay].

13. BOOKS BEFORE ANYTHING (GREAT PREP FOR GY SHIFT)
~ 25 pages per night, per book, for all textbooks --- rule from Grades 1-6. May quiz pagkatapos.
Ako: Eh pano yun, nauuna na ako sa lesson? Mauubusan na ako ng babahasin bago pa mag-second grading?
Mama: Eh di maganda, alam na alam mo na bago niyo pa pag-aralan.

To be continued...

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!