Stalactite - S-TARAK-tite. Tarak. Kapag bumagsak, tarak sa bungo. Galing sa taas.
Stalagmite - S-DALAG-mite. Dalag. Ang dalag nasa tubig. Sa baba.
Mahalagang ituro ito sa mga bata at matanda bago mag-underground river tour (nag-review ako mag-isa) para mas kamangha-mangha ang lahat ng makikita. Kailagan ding alalahanin na ang mga stalactite at stalagmite ay lumalaki lang ng 3mm per year. Kaya hindi joke na ang mga makikita sa loob ng kweba ay ay millions of years old na - pinakamatandang bagay na nalapitan ko!
Madilim na madilim sa loob ng kweba. Ang bawat bangka ay may isang halogen lamp lang na gamit - hawak ng pasahero sa unahan ng bangka.
03/18/37 vandalism. American soldiers marked the spot. |
May kasalubong na tour group. |
Para sa mahina ang imahinasyon, minarkahan na ng mga tour guide ang mga lugar kung saan may stalactites at stalagmites na hugis tao, hayop, gulay, prutas at kung anu-ano pang iconic images. Hindi ko na lang nakunan dahil ang hirap humawak ng camera habang panay ang woowwww, pero may last supper, sexy ladies, St. Joseph, etc.
Bahala na kayo kung anong maisip niyo rito.
Squid |
Mushroom |
Ang underground river tour ay tumatagal ng 45 minutes at sumusuyod sa 1.5 kilometrong navigable area. Ang buong underground rivery ay 8 km ang haba. Sabi ng tour guide, kung interesadong mag-tour from 1.5 to 4 km nivagable areas, kelangan ng special permit. Ang bangka ay hanggang sa 4km mark lang. Kung matapang at gustong mag-explore mula 4km hanggang 8km (deadend), bawal na ang bangka. Langoy? May nakagawa na kaya nun? The mind wonders and wanders....
~ Puerto Princesa Subterranean River National Park Tour, January 18, 2013
Puerto Princesa Subterranean River National Park Tour includes all transportation requirements, entrance fees and lunch. Thanks to Ysabelle Mansion for offering package rates!
No comments :
Post a Comment
Yum-ment!