Pages - Menu

Monday, January 02, 2012

Reunion pa rin

 Martina's mom passed away last 12/28/11. Text brigade agad sa mga super friends. Kanya-kanyang reply. Ang mga maaasahan gaya ni Mimay at Zhailyn, kaagad nakipag-areglo ng petsa. Yung iba, maaasahan din naman (haha!) pero may mga nauna nang plano kaya sa ibang araw na darating o hindi na makakarating kaya text-text na lang. Meron ding tanga. Alam mo yan, Orlando. Ako ba ang sabihan ng condolence?

Maraming kaibigan ang hindi mahagilap kaya isang FB shout-out ang naging optimistic panawagan. Kelangan lang may pangil, para walang magulo. Awa ng Diyos, wala namang nag-like.




















Gusto kong sumasabit sa mga family gatherings nila (Ninang) Martina at Kuya (Ninong) Ronnie. They are a family, they are a team. Saka ang dami nilang mga pakulong creative activities. Nababalitaan ko, may mga program kung saan may mga special numbers ang mga bagets.

Si Mommy Pines +, isang beses ko lang na-meet. Pero ang dami kong alam na kuwento tungkol sa kanya galing kay Martina. Wala naman akong masyadong masabi sa kanya kundi, rest in peace. Saka thank you for bringing Martina in this world. Isang malaking regalong panghabambuhay ang makasama ang iyong bunso Mommy Pines. Saka dumamay na rin ako ng wish - kaming magkakaibigan, please keep us together forever and ever (sabi nga ni Madonna). And saka sana next time na mag-reunion kami, wala na sanang dead.

(L-R) Mimay, YummyliciousLady, Zhailyn at Martina

Zhailyn, Mimay at Kuya Ronnie

Zhailyn, YummyliciousLady at Kuya Ronnie

No comments :

Post a Comment

Yum-ment!