Pages - Menu

Thursday, January 05, 2012

Recipe: Toge-der Again With Tofu

Feeling ko lang, this is an original recipe. My personal adaptation of ginisang toge from your suking tagaluto and/or karinderya.

Disclaimer: Note that I'm no expert. Matakaw lang ako. I'm from the tantiya-tantiya-nakukuha-sa-tikim-ang-tamang-lasa school of cooking. Walang sukat-sukat dito friends.


Sangkap:
Bawang
Sibuyas
Kamatis
Toge
Tofu


Paano Lutuin:
1. Igisa ang bawang at sibuyas hanggang maluto of course.
2. Ilagay ang toge (at kung ano pang gustong isama, gaya rito may mga buto ng manok galing sa manok na pina-fillet ko sa palengke)
3. Medium fire - pakuluan ng mga 10 minutes
4. Maglagay ng toyo (bahala ka na kung gaano karami)
5. Ilagay ang tofu
6. Budburan ng asin at paminta (tantyahin mo na lang ulit)
7. Haluin at maghintay na maluto ang tofu
8. Hayaang magpahinga ang mga nahilong sangkap sa low fire. Tantanan mo sila for 3 minutes.






























Pairings (sosyal!):

Masarap itong kapareha ng pritong isda, especially tilapya.







No comments :

Post a Comment

Yum-ment!