Pages - Menu

Tuesday, January 24, 2012

Recipe: Pritong Talong and Winding Road


Forever Disclaimer: Note that I'm no expert. Matakaw lang ako. I'm from the tantiya-tantiya-nakukuha-sa-tikim-ang-tamang-lasa school of cooking. Walang sukat-sukat dito friends.

Aminin nating lahat, masarap ang talong. Here's a very simple recipe na kasing popular ng pagprito ng itlog. Prito lang. For the kinky minds, para sa inyo talaga ito.

Sangkap:
  • Talong
  • Salt
  • Pepper 
  • Mantika
  • (Sawsawan) Bawang at Suka

Paano Lutuin:


1. Hugasang mabuti ang talong. Kahit anong sitwasyon, kahit anong nasyon, kahit anong kultura, kahit gutom na gutom ka na, siguraduhing hugas ang talong bago kainin.

2. Dahil Pilipino tayo, gusto natin na ang talong ay may hiwa ("cut"). Walang batas sa kung ano ang dapat na hiwa - kanya kanyang trip yan. Ngayon, kung medyo afam ang hanap mong talong, fine, huwag mo hiwain. Un-cut kung un-cut. Desisyon mo yan.
























3. Tuyuin  ng bimpo (o kahit anong mahagilap na pamunas) ang mga talong pagkatapos hugasan para hindi sila mapasma. Ilatag ang mga talong at budburan ng asin at paminta. Itaktak mo 'teh! Go! Chance na rin ang step na ito para mag-experiment. Paprika? Asukal? Harina? Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo. Basta hindi puwede ang lotion.





















4. Isipin mong ikaw ang talong. Hinugasan kang maigi. Binimpuhan. Nilamas sa asin at paminta. Siyempre, galit na galit ka na diba? Dahil diyan, masasabi nating handang handa na ang mga talong. Init na init na sila. Ibigay ang hilig, iprito na!










































5. Magiging makatas ang finished product kaya maghanda ng dry towel para patuluin ang mga basang talong. Mangunguluntoy sila pagkatapos ng lahat. Ganun talaga ang buhay. Ang talong, minsan matigas, minsan malambot. Ako gusto ko ang tustado (see below).




















Simple sawsawan, no sweat. Suka, bawang at konting asin para labasan ng lasa ang dalawang sangkap.






















I'm supposed to post one entry per day, just because... This is a make-up post for 01/20/12. All photos were taken last 01/05/12, 4PM.

1 comment :

  1. Parang nabuntis ako noong binasa ko to! LOL! :D

    ReplyDelete

Yum-ment!