Pages - Menu

Thursday, October 15, 2020

Napalabas ka na ba ng online classroom?

 May teacher ang isang anak namin na sensitive sa ingay. Ngayon lang ay nag-pass the message siya kay bagets-who-shall-not-be-named na lumabas raw kami ni George ng kuwarto. Hindi naman umiiyak si George, gumagawa lang siya ng happy sounds habang naglalaro sa tabi ko. 

Naalala ko nung napalabas ako ng isang teacher namin nung high school. Three days niya akong hindi pinapasok sa klase. I still maintain na dahil iyon sa isang subconscious thought bubble na nakawala nang bonggang bongga. Isinigaw ko sa klase na "andyan na si ma'am <insert pinaglaruang surname here>!!!!!" Bilang warning sa mababait kong classmates. Aba, first time pa lang narinig sa earth yung version na yun ng apelyido nya, hindi ko yon pinlano. Si Miss Sibolboro nga na pinagtawanan ang latina apelyido kong Rabanal ay ni hindi ko binalak kantiin ang apelyido eh. Innocent talaga ako. 

Anyways, itong online classroom nasa realm siya na walang masyadong nakakakilala pero nakakulong pa rin yung mga device at tao na gumagamit sa kanya sa physical space. Sana mas maging sensitibo naman tayong lahat sa kung ano ang nangyayari sa physical space.

Pero sa ngayon, in effect, ang sabi ni teacher ay---

"Bochogs*, out!!!"

_____

*Ang Bochog ay ugali namin at di tunay na apelyido.

Monday, October 12, 2020

#Daldalan2020 - Episode 002

 #002. Talong, Mga Tatay na Walang Asawa, Vloggers, at Dugyot na Bahay

***No faces, no editing of background noise, no mics, no scripts. It's two burned out parents (sometimes with their middle child) trying to hold decent conversations over what feels like hurried meals, everything, or nothing.***




Saturday, October 10, 2020

#AcademicFreezeForMentalHealth

 Hindi mura at hindi madali mag-set up ng LMS (Learning Management System) kaya hindi rin naman natin masisisi ang mga eskuwelahan kung ang lahat ay nagiging LMS - LAHAT MANUAL SUBMISSION. Pero may mga dapat na nakakaalam na sana niyan bago pa nagyabang na matagal na raw nating gamay ang online learning. Dinamay pa ni Madam ang UP na noon pa raw ay marunong na sa online. Hello sa Moodle <insert confidential emotions here>.

So ayan, kada may seatwork, quiz, exam, pipiktyuran yan ng mga magulang/caregivers/guardians tapos ipadadala sa teachers. Which is fine kung yan lang ang inaatupag namin sa buhay namin. 

Sobrang extreme ang need for proof of learning and compliance. Nung nakaraan ay kaunti akong mag-rally dahil gusto ng mga teacher na kunan namin ng picture ang aming special needs na dalaginding habang nakaupo sa toilet at umiihi.  At ipadala raw sa kanila as proof na marunong na gumamit ng banyo si bagets.  Buti naman ay umurong sila teacher noong sinabi ni Sirsts na hindi kami kumportableng gawin yon. Optional naman daw. Great, sabay delete nung isang nanay ng picture ng bagets niya na jumijingle na sinend sa aming group chat. 

Oh well. Sinong bobo kasi ang magsasabing state of calamity tayo pero tuloy ang online classes. 

#AcademicFreezeForMentalHealth

Sunday, October 04, 2020

#Daldalan2020 - Episode 001

#001. Air Purifiers Try, Buy, or Bury at ang Pulbos sa Sahig

Over a very, very, very, late breakfast of biko, we talk about air purifiers. The kids are their restless and playful selves, we get interrupted a couple of times to tend to the dirty floor. I have yet to confirm this, but hubby thinks that we never get close to five minutes of peaceful talking. I am slowly starting to believe his intelligent observation.
---
***No faces, no editing of background noise, no mics, no scripts. It's two burned out parents trying to hold decent conversations over what feels like hurried meals. This is a pito-pito vlog, I'd say. I wish it sustains my interest. And... you get to give suggestions. Nameless pa siya sa ngayon. What should we call our channel?***




Sunday, September 27, 2020

Biko Virgin

Perstaym sumubok gumawa ng biko at latik. All unnatural ito, baka kala niyo. Galing sa lata ang gata, walang panutsa, walang dahon ng saging. #kalma

Dapat pala ay noong kindergarten pa ako nag-aral gumawa ng latik para maaga akong tinubuan ng pasensya.

Namimiss ko biko ng mama ko. Iba pa rin ang biko ng waray.



Sunday, September 20, 2020

"The boy has a big ___ on his arm."

 Nahirapan si Bugoy sa sentence na ito.

"The boy has a big ___ on his arm."


Auditory and kinesthetic learner siya sa ngayon. Bida bida si mommy. Ubos na ang auditory options na naiisip eh.

Me: Bugoy, look at my arm and follow my hand. <Himas himas sa braso papunta s malaking peklat. Taas baba, paikot-ikot sa higanteng peklat.> What is this?

Bugoy: BUHOK?

Papashave ako ng braso? Ganern?

Wednesday, June 17, 2020

Filipino Vloggers - Best House Tours


Mga taong 2000 pa lang, nangangarap na kami ni Sir_Ko tungkol sa magiging bahay namin. Uso pa ang telebabad noong una naming napag-usapan ang aming imaginary house sa #17 Strawberry St., Antipolo. Sagana sa pagpapa-cute ang mga panahong iyon. Talagang mahahampas kami pareho ng tsinelas sa sintido kung naririnig ng mga magulang namin ang usapan eh.

Gusto naming tumira sa Antipolo kasi malamig doon noong araw. Parang Tagaytay pero mas malapit. At saka maraming view ng halaman at bundok. Iniimagine namin na masarap mag-almusal sa balkonahe sa umaga, may kape, dyaryo (akalain mo, sinong nagbabasa pa ngayon ng PAPEL na diyaryo?), at holding hands. At masarap din ang yakapan sa gabi habang nanonood ng starry, starry, skies. Ang 17 ay galing sa aming monthsary at ang strawberry ay... eh basta pag may romantic scene naman laging may strawberry. Diba? Sabi sa inyo panay kalandian.

Mga 15 years later ay nalaman ko sa isang kaibigan na meron pala talagang Strawberry Street sa Antipolo. Shet, napahampas ako sa motherly hips ko. Pak! It's meant to be.

Wala pa kaming bahay sa lupa, kasalukuyang pinagtatrabahuhan namin yan nung sumabog ang pesteng pandemic. Meron kaming bahay sa hangin. Maliit lang ang unit namin pero ito ang aming unang grown up venture --- a.k.a. pagsasanla ng kaluluwa sa mga kapitalista --- at proud naman kami siyempre. Sa totoo kahit maliit ang bahay-bahayan namin ay hindi naman kami dapat nasisikipan. Ito lang kasing mga itlog namin eh ayaw pang lumipat sa kuwarto nila kaya gabi-gabi akong nagiging bipolar. Napakahirap matulog sa isang kama kapag lima kayo. Saka na lang siguro ang illustration para di ako malungkot.

Ayan tapos na ang mahabang introduction. Gusto ko lang kasi ipagtanggol ang sarili ko bago niyo pa ako mahusgahan. OBSESYON. Ulitin ko. OBSESYON. Gustong gusto ko na talagang magkaroon kami ng totoong bahay. Kaya ako nagsusuyod sa YouTube ng kahit anong may kinalaman sa house tour. Sumasaya ako kapag nakikita ko na nangyayari ang pangarap naming mag-asawa sa ibang tao na walang pagiimbot. At saka naeexcite akong nakikiusyoso kasi iniimagine ko rin kung ano ang magiging itsura pag naman bahay na namin ang ginagawa.

Ito ang ilan sa mga paborito kong house tour videos na nauwi na rin sa pagiging subscriber at usisera ko sa kanilang mga channels. At ito naman ang common denominator sa mga bahay nila na nagustuhan ko. Sana ganito rin ang maging bahay namin, kaya lang ubos na yata ang katas ng YouTube kaya iisip pa kami ng kung ano ang puwede pang kunan ng katas.

  1. Maganda
  2. Maaliwalas
  3. Malaki (depende sa kung ilan ang nakatira ha)
  4. Maraming halaman
  5. Maganda ang neighborhood, sariwa ang kapaligiran
  6. Katas ng YouTube (except for Mommy Ness, nauna ang bahay sa YouTube Channel)


Mommy Ness
Inspirational ang parenting skills ni Ness at Ged kay Raphie. Kapag napapanood ko sila, gusto ko rin maging malumanay na tao. Ang ganda ng pagkaka-organize at decorate ng bahay ng mga Enrique. Ang sinop sinop nilang lahat. At saka ang sweet nilang mag-asawa at ng kanilang love story. Para akong Teletubby kapag natatapos na ang isang video, sabi ko "mow-mow-mowrrr."



Lloyd Cadena
Si Lloyd ang nagtulak sa akin sa kumunoy ng YouTube. Pagkatapos nitong house tour niya, nakita ko ang mahiwaga niyang kilikili. May bertud yata ang kadiliman sa ilalim ng mga braso ni Kuya Lloyd, na-gayuma ako. Sa kalaunan eh niririgodon ko na ang panonood kasi kung hindi eh hindi na ako makakatulog. Channel ni Lloyd, channel ng mga Bakla ng Taon, channel ni Madam Ely, Madam, Aivan, Aye, Limuel, silang lahat (hindi ko maalala lahat ngayon kasi duh... epidural). Namimiss ko ang sangkabaklaan kong kaibigan kapag nanonood ako sa BNT.




Anne Clutz
Napakalaki ng bahay nila Mama Anne, OMG. Mga 12 times ng condo unit namin ang lot area ng bahay nilang napakaganda, napaka-aliwalas, at buhay na buhay. Ang gusto ko pa sa bahay nila, makatotohanan. May ibang vlogger kasi na ang bahay ay parang hindi tinitirhan ng tao sa sobrang ayos. Yung feeling ko may isang tent at portalet sa labas ng bahay nila at doon talaga sila namumuhay kasi dapat laging social media-perfect ang bahay. Sa kakahalungkat ko ng videos ni Madam, nabasa ko ang kuwento ni Joo. Tulo ang luha ko, maraming kapareho sa mga pinagdaan ni TLO, marami akong naalala.




Tuesday, June 16, 2020

Pig Fat and Asteroids

This is pig fat.

And I got it from a quarter of a kilo of supposedly lean pork from the supermarket (the biggest brand in the Philippines). 

Why call it lean pork? Why sell it at a higher price? Why is the big guy always winning?

Some days I get so hopeless about the state of affairs in the Philippines, I feel sad about asteroids missing contact with the Earth. I get tired of the bickering of "colors" in social media platforms. I get anxious thinking about all the money that we need to procure to be able to provide a comfortable life to the people who matter to us. I want to throw things out the window out of frustration when bad things happen to good people. And I am mighty scared of death, mine or otherwise. The impermanence of all that we hold in our hands drives me to a tall and indifferent wall behind which my imagination refuses to take me.

Some nights I just want everything to end. I lie wide awake until the wee hours of the morning and I periodically stare at my tiny and not-so-tiny loves, sometimes going in for a sniff-sniff-kiss and one too many light hugs. I thank the Universe for being faithful to me and then I ask that it take back everything that it has given me in one big flash of blinding light. In my selfish opinion, this is the best way to go. We all get to go at the same time. There will be no tomorrow to worry about. No poverty. No famish. No horrible politicians. No special needs children turning into special needs adults whose parents wish they are able to take care of until they, the parents, are 95.

And I do not need to worry about how to dispose the pig fat that has started to smell from inside the plastic container behind the door.


Monday, June 15, 2020

Walang inatupag kundi jampungan sa umaga

Mula noong nag-lockdown ay napapadalas ang pag-aaya ni Sir_Ko na kami raw ay mag-jampungan sa umaga. Ang madalas kong sagot, wala ako sa mood. At saka gising lahat ng bata, mahirap na.

Kahapon ay naisipan kong pagbigyan na siya. Kawawa naman kasi at saka to be fair sa asawa ko, nakaka-touch din kahit papaano na hindi siya namimilit. Mas tamang sabihin na siya ay nagmamakaawa. Sabi ko, handa na ako. Nagmamadali siyang naghanda ng mga gamit, tapos ay pumuwesto na sa tapat ko para sa una naming jampungan ngayong tag-init.

Biglang ako na ang kinabahan.

Ilang ulit akong napalulon pero mas lalo akong natutuyuan ng lalamunan sa bawat lulon ko ng laway. Rumaragasang tren ang puso ko na hindi matutong magtimpi matapos madaplisan ng mga basa niyang daliri ang aking mga palad. May diin ang mga bibitawang kong kasunod na salita, naghahamon, sumusuko, nangungusap.

"Bilisan mo na, Love. Gutom na gutom na ako."

Agad niyang binuksan ang dalawang paketeng Lucky Me Jjamppong. Opo ano po. Instant noodles po. May iniintay po ba tayong mature content?

Paalala: This is NOT a sponsored post. Masarap lang talaga.

Ang Lucky Me Jjamppong ay hindi palabiro. Talagang lasa siyang seafood noodles na may pinulbos na siling labuyo. Pero yung siling labuyo ay pinalaking mababa ang loob kaya hindi OA ang anghang at sakto lang para sa mga duwag sa spices na gaya ko. Kung may sipon ka, panalo rin ito. Para kang humigop ng vaporub pero kulay orange at hindi gel.






















Naiimagine ko na kung meron kang buhay na lamang dagat ay puwedeng puwede mong ihalo rito sa noodles na ito at mas magiging mabuti pa ang tingin mo sa sangkatauhan. Let's say hipon, alimasag, pusit, fish tofu, mga ganyan. Ito lang kasi yung laman ng isang pakete. Pero magrereklamo pa ba tayo para sa presyo? Wag na, accept na lang natin tapos move on na sa palengke.






















Ayan na, ayan na. Takpan ang ilong, nakakabahing yan 'tsong. Kung hahatsing ay lumayo sa lalagyan, baka masinghot mo lahat.





















Lalagyan lang ng mainit na tubig, tatakpan, tapos uupakan. Ganon kadali. Tapos inom kang mga dalawang litrong tubig kasi hindi naman kaila sa ating lahat na ang instant noodles ay may halong isang bloke ng asin.

Bonus! Itong cheese buns ng Gardenia ay patok na patok na kapartner ng Lucky Me Jjamppong. Kapag ubos na ang noodles ay puwedeng puwedeng isawsaw ito sa sabaw. Masarap na sa dila ay masarap pa ang init sa tiyan. Yung alat-tamis ng cheese buns ay lumalaban sa anghang-asim-alat nung kung anumang authentic Korean spicy seafood na magic dust nung noodles. Yung bibig mo maiiwang nagtataka kung anong nangyari pagkatapos mag-rambulan ng mga flavors na yan. Tapos gugustuhin mong maintindihan kung anong nangyari at hindi ka titigil kumain hangga't hindi mo naiiintindihan. Tapos ubos na. Bukas na ulit. Ay wag ganon. Consume moderately and with lots and lots of water please.

Bonus question for Lucky Me: Why the dobol-dobol JJ and the dobol-dobol PP? Sabi ba yan sa Feng Shui? Kayteynks!







































Pinipiktyuran ko yung cheese buns biglang may photobomber na daliri pala. Ayan si Gangjee, gigil na gigil sa tinapay.



Sunday, June 14, 2020

Lamay Barangay

Nakita ko itong post na ito sa drafts ko. Iba rin ang utak pag nakalimot. Hindi ko nakilala itong sinulat ko, pati ang mga litrato. Pebrero 2014 pa noong nawala si Mommy. Nasa tiyan ko pa si TNLO, mga anim na buwan na yata siya nun. Si Gangjee ay isa pang kerubin nito. At kami ni Sir_Ko ay wala pang mga puting buhok. Ay buhay.

May dinagdag akong kaunting notes sa article pero very minimal lang. Layout lang talaga ang inayos ko. Habang nagre-resize ng mga picture, napaisip ako. Ang sabi kasi ay puwede pa rin ang mass gatherings sa "new normal" pero kalahati lang ng usual headcount ang puwedeng pumunta sa mga kasalan, burol, at kanhit anong mga "okasyon" na marami ang inaasahang dadalo. Grabe naman talaga ang perwisyo ng veerus na ito.

Alin ba ang tamang sisihin para sa nararamdaman kong pagkabuwisit? Mortality (bakit pa kasi kailangang mamatay ang tao, puwede bang magkakasama na lang tayo hanggang dumating ang kung anumang hinihintay natin?) o China? O wag kang sasagot, may nakikinig.


***

Ayoko ng malungkot na post kasi masaya naman na si Mommy Ely namin. Sure kami ron. Kaya eto na lang ang mga pekatyurs ng makulay na lamay bahay. Ngayon kasi nauuso na ang lamay funeral parlor. Eh pag ganun ang lamay, behaved. Ito ang lamay Pinoy style.

May tolda na nilalatag sa kalye, sa tapat ng bahay. Kakain ito ng halos 1/4 ng kalsada pero ayus lang iyon. Walang magrereklamo sa baranggay (lalo pa sa kinalakihan kong barangay kung saan negosyo ni Kapitan ang funeral services... tulong na rin daw niya yun sa mga constituents). Etong tolda ay pinahiram ng isang kandidato na obviously ang pangalan ay Bong Magallanes. Hindi ko siya nakita pero thank you na rin. Talaga raw pinahihiram niya itong tolda niya sa mga namatayan. 






















Pagsapit ng dilim, yung tolda may kinakabit na bumbilya para may ilaw. Tapos may fun and games. May dahilan kung bakit may fun and games. Sa bawat laro ay may "tong" na nadadagdag sa abuloy fund. 

Ang tawag dito ay Color Game. Ang mga naglalaro ay pipili ng tatayaang kulay. May maliit na holen na ilalaglag sa pachinco tapos kung saan malaglag ang holen, yun ang kulay na panalo.







































Baraha. Hindi nawawala. Para sa mga talamak na adik sa sugal, blessing ang may patay kasi nagiging legit as shit ang kanilang advocacy na ubusan ng pera at kidney.







































Inuman. Ang paborito ko sa ganito yung ganitong jamming. Lalo pag maraming bakla.







































Bingo. Na ba kayo? Nahagip pa ng kamera si TLO at ang panganay naming pamangkin. Ang liliit pa nila rito!







Saturday, June 13, 2020

Do it right the first time (online classes) with Child Learning Center


TNLO studies at CLC. We are in love with this school. I don't know how I can explain the "love" without this post sounding like a paid post. 

Fact-check. TLO studied in CLC too, and if we still have enough funds after the financial challenges brought about by the pandemic, Gangjee's going to be singing "happy at CLC" with his sibs in a couple of years. Enough said?

Last month, CLC offered a trial run of online classes to its SY 2019 students. TNLO looked forward to his sessions. Parang yun lang ang reason for being niya sa bawat araw na may klase. Teacher Kristine, TNLO's teacher in Senior Nursery, handled the sessions and she was way beyond awesome. Everyone in the academe is still getting their feet wet running virtual instructor-led classes. Teacher Kristine ran the show as if she's been teaching in the online classroom after she learned how to walk. She knew how to engage the kids. Pati ako napapatango pag may tanong na yes or no ang sagot. TNLO had only one complaint. Bakit daw ang bilis matapos.

The pandemic of 2020 shook and changed the way we looked at things, including geography. You may be many hours away from Makati but you may want to give CLC a try. Sabi nga sa kanta ba iyon? Malayo man, malapit din. 


Friday, June 12, 2020

Bumibili ng sirang ref sa Makati?

Ang masasabi ko lang talaga, kung may ref kayo sa bahay niyo na gumagana, yakapin niyo nang mahigpit.

Hindi niyo lang alam kung gaano kahirap mabuhay na wala na ngang ref, wala pang access sa palengke. I know, I know. Maaakusahan na #checkyourprivilege ang mga statement ko na yan at ang mga susunod pa. Eh bakit ba? Hirap na hirap na kami rito!

Hindi kami lumaking nahihiga sa salapi, pero sa pagkakatanda ko, hindi nagkaroon ng pagkakataon na wala kaming ref. At kung iisipin ko pang mabuti at paiiralin ko ang pagka-tsismosa ko, ang alam ko ganun din sa karamihan sa mga kababata ko at ka-eskuwela.

Walong taon na naming kasama ang ref namin. Nakaka-senti kung paanong nagbabago ang mga abubot na nakadikit sa katawan niya. Dati may mga pa-magnet pa kami ni Sir_Ko ng mga napapasyalan naming lugar. Aba ngayon, distant memories na lang yang mga ref magnet na yan. Hindi na kasi kami nakakabiyahe (siguro mga dalawang taon pa ang travel ban due to poverty). At yung mga ref magnet eh nayari na ng mga anak namin, sila na mga destroyer of things. Naaalala ko pa, nakagawa kami ng travel hack ni Sir_ko na wala naman sigurong pake ang other parent humans pero share ko na rin. Kapag bibili ng ref magnet, dapat ay two sets. Isa para agarang mairaos ang immediate travel high, isa for safekeeping. Yung for safekeeping ay ilalabas lang kapag nasa edad na ang mga bata na hindi na nila hobby ang manira ng mga gamit sa bahay.

He (I think lalake ang ref namin, ramdam ko) survived three kids. Eight years and three kids. Iba rin. Si Gangjee ay nagsisimula na mag-drowing sa pinto ng ref gamit ang mga pakalat-kalat na crayola. Si TLO at TNLO, bago nasira ang ref ay nakakagalitan na namin dahil panay ang bukas-sara ng pinto. Palagi silang naghahanap ng makakain. Kapag naman may pagkain sa harap nila, mas madalas na ayaw kumain. Sakit sa bangs.

Kami naman ni Sir_Ko ay mga proud hunters and gatherers of food bago nasira ang ref. Wala kaming kasambahay at karamay sa pag-aalaga sa tatlong bata, kami rin ang toka sa pagpapatakbo ng bahay. Kaya proud kami na walang natitirang pagkain mula nung nagsimula ang ECQ (Enhanced Community Quarantine). Hindi kami napapanisan ng ulam at nalinis ko na rin ang mga naninirahang yuck sa ref namin. May mga kaunti pang natirang karimarimarim na mga tsismis sa shelves sa likod ng pinto pero sadyang di ko muna hinaharap. Because I can. And I will. Masabi lang.

Si Sir_Ko ang Quarantine Pass holder sa aming family. Napakasipag at napakatapang niyang pumupunta sa grocery para sa aming mga imbak na pang-ulam. Kaya siya ang pinaka-nahihirapan ngayong sira ang ref. Halos araw-araw ang punta niya sa supermarket.

Ayayay caramba. Napakuwento na ako, pasensya.

Ito ang mga detalye ng sirang ref namin. Baka interesado kayo o may kakilala kayo na ito talaga ang negosyo. Sana taga-Makati kasi mapapagastos nang malaki sa pick-up kung galing pa sa malayong lugar. Salamat!

  • General Electric (11 cu. ft.)
  • Regular, hindi "no frost"
  • Nagamit for 8 years
  • Ayon sa technician na pinadala ng GE Service Center, ang sira raw ng ref ay compressor. Aside from compressor, kailangan din ng freon. At dahil mukhang incidents of power fluctuation ang dahilan ng pagkasira ng compressor (after 8 years!), kailangan din bumili ng AVR (Automatic Voltage Regulator) para maiwasan masira ulit ang compressor.
  • Kung tama ang mga naibigay sa aming presyo, approximately Php 14-15K ang magagastos.  Sa ganyan kamahal na gastos tapos 3 months lang ang warranty ng compressor, aba'y huwag na uy.


Ito yung sirang compressor.

Ito yung serial number at kung anu-ano pang numbers.





Wednesday, June 10, 2020

The thing is...

...this happened. Kaya ayan na nga, konting kembot na lang ay dalawang taon na akong absent sa sarili kong blog.

There are so many things to write about. Nalulula ako, hindi ko alam saan magsisimula. Ganito na lang siguro.

Meet our dearest Gangjee. 15 months old na siya ngayon, malikot at maingay na. Marami na siyang nakaing papel, krayola, pintura, clay, at kung anu-ano pa na posibleng naipuslit niya sa amin. Malambing siya sa mga kapatid niya pero ibang level siya manggigil, nakakatuklap siya ng balat.

Hanggang ngayon ay dumedede pa sa akin si Gangjee. Kaya lang nararamdaman kong malapit na matuyo ang aking batis ng gatas, nagsisimula na akong mag-krungkrung last week. Ang sabi ko kay Sir_Ko ay nalulungkot akong isipin na baka lumayo na ang loob ni Gangjee sa akin. At saka mamimiss ko yung mga uncalled for na pagtititigan namin ni Gangj. Madalas kasi habang dumedede itong si bunso, hindi siya nagpapatid ng titig sa akin. Naiiyak ako maski nasan ako kapag naiisip ko ang malalaki niyang innocent eyes. Napakakyut ng anak ko. Nadudurog niya ang puso ko nang di niya namamalayan.

Mahusay nang bumasa si TNLO. Kailangan kong sabihin dito na kyut din siya at gustong gusto ko rin syang tinitingnan. Sila ni TLO. Mahirap na, iba rin magtampo ang middle child.