Pages - Menu
▼
Tuesday, August 28, 2018
Almusal ng choosy
Kung saan saan ako dinadala ng choosy na bata sa aking sinapupunan. Magagalit pihado ang mga "Best In Mother" awardees sa combo na ito kasi panay carbs na nga, panay freshervatives pa.
Eh sorry na guysh, hindi ako perfect. At sa halagang Php 55, talagang pagbibigyan ko itong tawag ng laman na ito. Suuuuulit na sulit!
Monday, August 27, 2018
Bayaning Playground
Nag-iisa ang ugoy-ugoy na kotseng ito sa playground. Tahimik na naglalaro si TNLO, siya raw ang tsuper at ito raw ay school bus.
Ilang bata na ang nagtangkang magpaalis sa anak namin. May nakikiusap, may sumisigaw, may naga-amba ng palo. Sa mga batang ito, may Amerikano, may Muslim, may Iranian, may Chinese, at iba pang lahi na di ko mahulaan kasi di ko marinig ang salita.
Hindi natinag si TNLO. Hindi nasindak, pero hindi rin nanakit. Dapat yata siya na lang ang nagbantay ng Spratlys.
At saka siyempre naman, may lahi yata tayong bayani. Tayong lahat.
National Heroes' Day 2018
Ilang bata na ang nagtangkang magpaalis sa anak namin. May nakikiusap, may sumisigaw, may naga-amba ng palo. Sa mga batang ito, may Amerikano, may Muslim, may Iranian, may Chinese, at iba pang lahi na di ko mahulaan kasi di ko marinig ang salita.
Hindi natinag si TNLO. Hindi nasindak, pero hindi rin nanakit. Dapat yata siya na lang ang nagbantay ng Spratlys.
At saka siyempre naman, may lahi yata tayong bayani. Tayong lahat.
National Heroes' Day 2018
Tagumpay! Sumuko na lahat ng kaaway. |
Sunday, August 26, 2018
Farewell, Cat Cafe Manila
Sad news.
The hubby and the kids are cat lovers. Kahit saan kami magpunta, nadodoble ang tagal ng lakad basta may madaanan kaming mga pusa. Nung bumisita kami sa Cat Cafe Manila halos mabaliw silang tatlo sa tuwa. How about me? Kyut na kyut din naman ako sa mga pusa. In general, mahal ko naman ang lahat ng living things (puwera ahas at buwaya), pero kung kailangan talagang may groupings ang mga tao sa dog lover, cat lover, whatever lover... ako ay pet fish lover talaga. Hindi raw pet ang fish sabi ng iba. Ewalaakongpake. Walang kokontra.
Anyway, balik tayo sa malungkot na balita.
Sayang na sayang. Balak naming bumalik sa Cat Cafe Manila nang paulit-ulit, hindi lang namin nakarir ang pagluwas sa Maginhawa mula sa Meketeh Citeh. Binalak din naming i-date si BiyudaBeast dito kasi isa pa siyang tunay na mapagmahal sa mga miming. Actually dual citizen siya. Half Filipina, half feline.
Baka naman may kakilala kayo na balak humabol. Kailangan kasi nila ng investors. Kung nagpapawis lang ang kilikili ko ng pera, magzu-zumba talaga ako ng isang oras every day para ampunin ang business na ito eh. Kasi talagang saludo ako sa business model nila. Business na, advocay pa. At saka kumbaga sa mga kumpanya, equal opportunity employer sila. Hindi lang mga dugong bughaw na pusa ang meron sa kanila, karamihan pa nga mga ulilang pusa galing sa CARA.
Dahil sa Cat Cafe Manila, marami na ang mga ulilang pusa ang nagkaroon ng bagong pamilya. Sana sila rin, ampunin niyo*.
*Niyo - upper middle class, landlords, businessmen, businesswomen, philanthropists, mga artista na sooobrang daming pera, mga fairy godmother o godfather, basta gets niyo na yun