Pages - Menu
▼
Friday, September 22, 2017
A Series Of Unfortunate Events
Naniniwala ba kayo sa mga pamahiin? Ayoko sana maniwala pero minsan parang totoo.
Noong Miyerkules, bumiyahe ako papuntang Atlanta. Business trip. Maaga ang flight ko kaya mga 4:30AM pa lang, palabas na ako ng bahay.
Kakaiba ang ingay ng maleta ko habang naglalakad ako sa corridor. Inisip ko na lang na siguro (mas) marami akong dala ngayon kumpara sa iba kong biyahe kaya mas maingay din ang tunog. Pagdating sa elevator, ayun nalaglag ang rubber lining ng isang gulong. Yun pala ang dahilan. So malas sighting #1.
Pagdating sa ground floor, naisip kong magyosi muna. Habang naglalakad papunta sa 7-11, nakasalubong ako ng itim na pusa. Dan dan dannnn... malas sighting #2.
Pagkakita ko ng black pussy, naisip ko talagang umuwi na lang at hindi na tumuloy sa biyahe. Kaso natakot ako sa karugtong na gastos 'nun para sa kumpanya. Baka katayin ako ng buhay at mamatay ako sa kahihiyan kaya tinuloy ko na lang din ang lakad. At saka walang multinational company na tatanggap sa dahilang... kasi po, mamalasin ako ayon sa mga signos. So ayun, tuloy ang biyahe.
Sa airport ay naisipan kong mag-kape habang naghihintay ng boarding time. Sa Bo's Coffee sa NAIA, ayaw gumana ng card ko. Little background... kapag business trip ay pinapagamit kami ng company credit card para mabilis magtuos ng gastos. Kaya nung hindi gumana ang PIN ko, kinarir ko talagang subukan nang subukan. Sa ikatlong subok, ayun gumana.
Pagkatapos ng transaksyon na ito, nag-comatose ang credit card. Hindi na gumana kaya napagamit ako ng personal card. At yan ang malas sighting #3. Paano kung wala akong dalang personal credit card? Baka nakulong ako sa Narita nung kumain ako ng pananghalian. Mas malas iyon, buti na lang ay mabait pa rin ang langit.
Nakahinga na ako nang maluwag nung nangyari itong malas sighting #3. Kasi diba, sabi comes in three's? Kaso hindi pa pala tapos.
Nangyari ang pinakamalungkot na kaganapan sa buong buhay ko na bumibiyahe para sa trabaho. Na-confine si TNLO sa ospital. Pneumonia.
Ito ako ngayon, lakas maka-OFW ng karanasan (mas marami pa silang pagdurusa, maliit na bagay ito sa kanila). Ang isip, puso, at kaluluwa ko ay kalahati lang ang nasa akin. Ang kalahati nasa Pilipinas. Pasalamat ako at mahusay na tatay si Sir_Ko, paano pa kaya yung mga OFW na tarantado ang asawa?
Yun lang naman ang gusto ko ikuwento ngayon. Bittersweet.
Sana gumaling na si TNLO. Sana hindi mahawa si Sir_Ko, si TLO, at ang mga Ate nila.
At sana malaos na ang malas.
Thursday, September 21, 2017
I think of you.
Whenever I go somewhere pretty, I think of you.
Needless to say, I think of the children too. Our children. The beautiful creatures who copied your eyes and your comforting, magic, smile.
When I'm in an organized space that smells of citrus and expensive fabric softener, I think of our smelly room and many years-old clutter. I think of the used and unused clothes making love on the floor and in all the tiny corners of our little home.
When I am covered in intelligent ambient lights, I think of how there are tangled cobwebs in ours. And how the electric fans are broken, and the cabinet doors are falling apart.
I think of you. And I am comforted by the fact that none of these beautiful, fragrant, temporary, things are real.
I think of you and I am home. It does not always smell or look pretty, but I made a choice and I was chosen.
I think of you. And I am home.