Pages - Menu

Sunday, January 22, 2017

Decisions, Decisions, Lagi na lang!

Sa bawat segundo ng buhay ko, lagi na lang akong kailangang gumawa ng desisyon. I'm sure kayo rin naman. Ang kaibahan lang natin, blog ko ito kaya ako ang nagkukuwento. And you will read on and on and on because I said so. Harhar! Peace tayo, biro lang. Basahin mo please. I write for the betterment of my self esteem and this is all that I have. Maawa ka na, wag mo akong iwan. Charot!

Hemingways, nagdesisyon akong mag-me time sa newest favorite spot ko kanina. Pampabawas negatrons sa sistema, pang-refresh, pampakalma, pang-renew ng faith sa kabutihan at sangkatauhan. Pero kailangan ko na umuwi at mag-impake dahil maaga ang biyahe bukas para sa isang work-related, offsite, three-day event. E umulan. Ayan, sinasabi ko na nga bang hindi dapat mawalay sa akin ang higanteng knapsack ko e. Wala tuloy akong payong. Kasalanan ko kasi pinanaig ko ang kapekpekan kanina para magmukhang presentable. Ang dala ko tuloy na bag ay isang maliit na woman human bag. Seriously ladies, how do you survive?

So ito ang itsura ng utak ko habang nagmumuni-muni. Director's cut ang flow na ito, hindi ako nage-edit. Hindi ko pa alam sa paragraph na ito kung ano ang gagawin ko.

-Kailangan ko na umuwi pero hindi puwedeng mabasa ang bago kong sapatos na compliant
sa dress code ng conference. Ay, thank you pala sa boss ko na pinagtiyagaan akong i-coach sa definition ng resort chic.

-Puwede kong iplastic ang paa ko at maglakad sa ulan pero wala akong payong, mababasa ang mga gamit ko. Kaso, san naman ako kukuha ng plastic bags sa ganitong oras?

-Puwede ako bumili ng payong pero kulang ang pera ko. May ATM across the street pero basa na rin ako bago pa makarating. Bakit pa ako gagastos ng P200?

-Puwede ako magpasundo kay Sir_Ko pero may sakit siya. Hindi siya puwedeng maulanan at malamigan.

-"Heto akoooo, basang basa sa ulan, walang masisilungan, walang makakapitan."

-Dito na lang ako. Mauubos din naman ang ulan. Babae nga, natutuyo. Langit pa. Langit lang yan!

-Joke lang Baby Jeezas. I didn't mean to insult your home. Pero ano nga kayang depresyon ang pagdadaanan ko pag natuyo na ako at nag-menopause? Think positive! Sisikat na ako gaya ni Madonna by then. Makakasulat din ako ng libro.

-Pero paano nga ako uuwi?

-Dapat talaga meron akong kotse. Yung kulay violet. Eh san naman ako kukuha ng pambili?

-Bakit ba ako nagtatrabaho kung di ako makabili ng payong at kotse.

-Sabagay ayus lang. Di naman ako marunong mag-drive. I have a strong feeling, hindi ako matututo niyan.

-"Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan."

-Masarap siguro kumain ng Andok's habang naliligo sa ulan. Yung hindi chopped, yung buong manok ang hawak ko tapos lakad lang ako nang lakad. Kaso acid rain na ang ulan ngayon, baka ikamatay ko pag humalo ang ulan sa manok na binabanatan ko.

-Kailan kaya ako mamamatay? Erase, erase, di puwede yan!

-Ayoko na isipin. Dito na lang ako.

-Ultimatum. Pag 2am na at umuulan pa rin, susugurin ko na. Basa kung basa!

-Pero sayang talaga ang P300 na pinambili ng sapatos. Kulay red pa naman.



Will you marry me?

Naka-jackpot ako na maimbitihan sa isang bonggang bonggang wedding proposal. First time ko makanood ng ganito sa totoong buhay, ang ganda, ganda, ganda! Sana iniimbitahan din ako ng mga artista para hindi na ako napapagod manood sa YouTube.

Gusto ko ang song selection. Pagpasok ng beautiful bride-to-be, ang kanta ay "Saving Forever For You" ni Shanice. Hindi Pempengco, Shanice lang, walang apelyido. May AVP ng mga pictures nila ni boyfie niya through the years. Pagkatapos ng AVP, may kumakanta naman ng live ng "Panalangin." Ukelele ang gamit ni Ate at medyo nanghinayang ako na gitara ang kinakarir ko. Parang mas mabilis ang progreso ng maliliit na kamay sa ukelele kaysa sa gitara. Anyways, sa gitna ng kanta ang speech at luhuran portion ng groom-to-be. Lakas makaluha ng ganitong eksena. Hangswit!!! Tapos, nung masungkit na ang matamis na oo ay "Nothing's Gonna Stop Us Now" naman.

Manghang mangha rin ako sa set up ng lugar. May pathway na puro bulaklak sa entrance. Tapos isang pathway pa ulit na puro kandila, rose petals sa sahig, at roses naman papunta sa isang table. May magandang kuwento tungkol sa table. Noong araw daw kasi na magkaibigan pa lang ang couple na ito, randomly tinanong ni girl kung iimbitahan ba siya pag kinasal si guy. Ang sagot ni guy, "oo naman, gusto mo table #2 ka pa." Kaya ang table na sentro ng gabing ito ay may label na table #2. Imbitado nga naman siya sa kasal, siya pa ang bride. Boom!

Ang isa pang kuwento na nakaantig sa mommy heart ko naman ay ito: mommy ni guy ang nag-ayos ng lugar. Concept niya lahat ng romantic details kaya ang kuwento ng daddy ng groom-to-be ay bigla siyang nasingil tuloy at natanong na "bakit nung tayo walang ganito?"

Dahil diyan nagkaron ako ng bagong pangarap. Pag si TNLO ang nagpropose balang araw, ibubuhos ko ang isandaang porsiyento ng lakas ko para sa concepts at designs. Yihaaa!!!

Finally, bet ko ang pagkakatanong ni guy. Hindi, will you marry me. Hindi rin, let's get married. Ang tanong ay nakakakilabot. Will you give me the honor of calling you my wife? Or something. Medyo di ko na narinig lahat kasi hinihigit ko ang tonsil ko para di pumalahaw ng iyak.

Days before today, sinasabihan ko lagi si guy na "you have to do this right!!!" And boy, he delivered. Sabi nga ng soon-to-be-wife ay perfect and beyond everything ang experience.

Best wishes sa kanila. Invited din daw kami sa wedding kaya magda-diet na ako. Ang ganda ng mga angkan nila. Nakakahiyang maging thorn among the roses, na siguradong babaha sa kanilang wedding day.