Pages - Menu

Saturday, December 24, 2016

Noche Buena Mano




Hindi ako nagbabasa ng blog ko pero ako ang nagsusulat kaya sigurado ako na mga 100 times na ako nagkaroon ng post na ganito ang tema. Sa totoo, scheduled post ito. Hinahanda ko na rin ang aking sarili para sa mga gusto kong gawin forever at sisimulan sa December 23 (unang araw na wala akong pasok ngayong yuletide season). Gagayahin ko yung START-STOP-CONTINUE tapos lalagay ko ang help needed para may ambag ka naman sa ekonomiya ko.

START
  • Magbasa ulit ng libro. Minimum of one book per month
  • Swimming, thrice a week.
  • 24-hour fasting. Once a week.
  • Saving some money from my 10-25 payday allowance. Minimum P50 per week.
  • Sending one email per day to Sir_Ko

STOP
  • Smoking
  • Drinking coffee and all colored and flavored drinks (except pag may manlilibre or pag may espesyal na okasyon)
  • Extra rice

CONTINUE
  • Blogging. Minimum of three posts per week.


HELP NEEDED
  • Don't think that I've changed kung hindi muna ako sasama sa mga yosi-kape-inuman sessions until stable na ako.
  • Don't make me spend on unplanned shit. Nakakagulo sa budget ko.
  • Support me. Remind me about this post kapag nate-tempt akong gawin yung mga nasa "STOP." Pero be gentle. Masama ang ugali ko kapag binabraso ako. Yung isang stick kaya kong gawing isang kaha yan.
  • Patience. Baka mag-beast mode ako.
  • Prayers.


Friday, December 23, 2016

Achievement Unlocked

Kung may computer o laptop na naka-assign sa iyo sa trabaho, alam mo yung pakiramdam na ang daaaami mong gustong gawin pero hindi mo magawa. Sa akin, walang problema kung may blocked websites kasi magagawan iyun ng paraan. Ang ayoko sa lahat yung hindi mapalitan ang windows image kapag naka-lock ang computer o kapag bagong bukas. Like this.

















Pero kagabi, nagkaroon ako ng panahon na kalikutin si Ate V (my work laptop). May nahanap ako na easy steps to follow para makalampas sa blue screen. Disclaimer muna: may administrator access kami sa laptop namin kaya nagawa ko ito. O, okay na tayo? Presenting... my brand new wallpaper. Yan na ang lumalabas pag bagong bukas o pag ni-lock ko ang laptop. Hihiii...



































Ang problema ko lang ngayon, ganadong ganado ako pero bakasyon na. Haha! Joke lang. Siyempre gusto ko ang bakasyon. Pero seryoso ako sa parteng ganadong ganado akong mag-trabaho. Ikaw ba naman ang i-welcome ni Lola Madonna kada magtatrabaho ka o.


























Inggit ka ba? Check mo rito kung paano. At kung kailangan mo ng tulong ko, leave a message with your contact details and I will help you. Pero hep-hep-hep... bago ang lahat, uulitin ko. Dapat may admin access ka kasi kung wala, eh nga-nga!

Thursday, December 22, 2016

Puro na lang hugot, pasok naman please.


























Nasira ang barista robot kanina lang. Sinusubukang ayusin ng mga tao sa tindahan pero ayaw talaga magtino. Nagtanong na ang kahero.

"Cancel na ba o hihintayin niyo maayos?"

Nagpaka-bibo yung kasabayan kong naglalaway sa kape.

"Sanay naman akong maghintay."

Nagkagulo na. Tawanan, kantiyawan, tapos ang pinakamaingay na salita ay "HUGOT."

"Ang lalim ng hugot ni sir ah!"

Bigla akong nainis. Hindi ko alam kung dahil lang ito sa caffeine deprivation, pero naisip ko lang bigla na balang araw, mamamatay ang mga salitang gaya ng:

  • Niloloob
  • Saloobin
  • Kinikimkim
  • Dinaramdam
  • Piping pagnanasa
  • Piping paglingap

Nalungkot akong bigla. Sa sobrang bisaklat sa pakiramdam ng mundo ngayon, lahat na lang nilalabas at ginagawang katatawanan. Don't get me wrong. Nakikitawa din ako sa mga hugot lines na yan. Actually, libangan ko ring gawing pang-heartbreak city ang mga konsepto sa trabaho. For example, nung trainer ako sa isang travel account naimbento ko ang catch phrase na "I'm a chance passenger in your overbooked flight." Pero hindi ko sinasagad, kadalasan tulong ko lang sa sarili ko para maalala ang mga bagay.

Awat na sa hugot, mga kababayan. Baka malimutan na natin ang tunay na ibig sabihin ng masaktan, maiwan, magmahal at mag-alinlangan. Magtira tayo ng mga "feels" para sa atin, para sa mga makata, artista, pintor at manunulat. Hindi puwedeng masaya tayo lahat. I'm sorry, hindi talaga puwedeng tatawa lang nang tatawa. Hindi puwedeng nagtatago lagi sa "hehe"para kunwari cool.

At higit sa lahat, laging tatandaan. Ang hugot ay abala sa sarap. At wala ng mas sasarap pa kapag nadurog ka at nabuong muli.


Wednesday, December 21, 2016

Bugbugan sa Vogue


Ito yung classic na music video ng Vogue. Parang walang kahirap hirap si Lola sa mga galawan niya dito pero kung Madonna fan ka, alam mong there is no such thing as maskipaps (maski papano) steps sa Lola natin. Bawat hakbang may bilang, bawat kampay ng kamay, parang magic. Itong si Madonna, ang mga kamay at paa niya ang tunay na PRECISION TOOLS. Ayaw maniwala? Tingnan ang sumunod na video. It's 30 minutes of OMG.

Salamat kay Masikip na nakahanap ng outtakes.



Napagod ako rito.

Tuesday, December 20, 2016

Welcome to our 2016 Baranggayan Christmas Party!

Ang paborito kong Christmas Party since 2014 ay ang aming napaka-espesyal na "Baranggayan" version. Hindi ko na maalala kung paanong yung pangalan ng Viber Group namin ay naging "Baranggayan" pero sigurado ako na may kinalaman yun sa pagka-war freak ng mga tao sa grupo. Grabe ang murahan at awayan sa chat group namin, sure kami na madalas naming mapaiyak si Mama Mary.

Noong unang dalawang taon, pang-tradisyunal na Pinoy noche buena ang mga handa namin. Pero ngayong taon, may mga cravings ang mga dominant force sa grupo. Dominant force being the beklas. Yes, mga bakla. Sa relasyon namin na maraming taon na rin naman ang pinagdaanan, ito ang solidong batas: laging bakla ang nasusunod. So sabi ng dalawa...

E ano pa bang magagawa kundi ibigay ang hilig. Umabot pa kami sa talipapa ng Carmona para maghagilap ng tinapang tamban at galunggong. Nagtanong din pala kami kung saan may tindang mga kuwitis na pang-fireworks display kasi may pinagdiriwang kaming career milestone ng isa sa amin (secret pa muna kung ano yan). Kaso, negative. Nalungkot ako ng slight.

Image Source: http://carmonagov.net/mhome/images/CarmonaPubllicMarket.jpg
So, nung mairaos ang tinapa, ayus na ang lahat. Ito ang kinalabasan ng aming Christmas spread.


Nagkataon, ang ulam nila Luz Klarita nung araw na iyon ay munggo. So pak na pak sa eksena, pasok na pasok sa banga, kaldero, plangganita, planggana at lahat ng sisidlan. Ito ang Christmas spread kasama ang munggo.


Swak na swak ang description ni Dory sa aming handa. Sabi niya nga sa Facebook:

In the spirit of Christmas this month, and the Lenten Season in April, please see the fulfillment of our collective cravings below:
- Christmas Ham (fried and unfried; mayaman slices)- Ginisang Munggo- Elusive Tinapang Tamban and Galunggong- Itlog na pula with Kamatis and Sibuyas - Quezo de Bola- Kanin (siempre) - Ice Cream (not in the picture)- ...'s Cream-Cheese-Yoghurt-Garlic Dip - ...'s Blueberry Cheese Cake (not yet in the picture, too) - Coke#ChristmasYearThree #PeopleSupport #PeopleCulture

Nung unang taon naming mag-Christmas Party, si Gabby, ang napaka-kyut na inggleserong little boy ni Luz Klarita ang nag-lead ng prayer before meal. Nuong ikalawang taon, si Dory naman. Siya kasi ang pambansang mandarasal ng grupo. Pero note na hindi ibig sabihin nun ay mabait siya (biro lang, Dory!). This year, si Pussy ang leader. Maganda naman ang pagdarasal niya. Very sincere at mula talaga sa puso. Nalito lang kaming lahat pagkatapos kung talaga bang tapos na kami magdasal. Kasi biglang tanong siya ng "Ganun ba magdasal?"

Marami pa akong kuwento sa mga naganap. Kaso hindi ko naman ito full-time job, saka na lang ang iba pang detalye. Ang punto lang naman ng lahat ng gusto kong sabihin ay iisa. Masayang, masayang, masaya ako kapag kasama ko sila. Sana kahit 85 years old na kami, meron pa ring Baranggayan Christmas Party.



Monday, December 19, 2016

Time Out

Nakakita na ba kayo ng batang pinaparusahan? Ok, here it is. Paano ba naman, sa di maipaliwanag na dahilan e naisip niyang saksakin nang paulit-ulit ng maliit niyang gunting si Aling Ubay (yung maliit naming laptop). Eh di ayun, arestado siya ni Sir_Ko.

Sa totoo, hindi naman naka-gapos pose ang mga braso ng mga anak namin kapag tina-time out sila. E ang kulit din nito ni TNLO, naglalaro pa rin siya sa sulok habang naka-time out kaya ayan, nagkaron tuloy ng proper position sa parusa niya.

Buti tulog ako nung nangyari ito. Baka ako ang umiyak.


Sunday, December 18, 2016

Balik Aklat Project - 2016 - 2nd Update

Grabe na ito. Nakakalungkot na Mayo pa noong huli akong nakapagbasa ng libro. Ika-apat na libro ko pa lang para sa 2016 itong Harry Potter and The Cursed Child. Sana next year maka-minimum of 12 naman ako. Hindi matanggap ng kalooban ko na puro email, work-related reading materials, Facebook links sa mga online articles at memes lang ang inaatupag ko for so many years. Hindi talaga ito puwede. Di bale ng mataba kung mataba naman ang utak, puso at kaluluwa sa pagbabasa ng mga malinamnam na babasahin.

So ito ang goal ko for 2017. One book per month. Non-negotiable. Maghihiwa ako ng blade sa braso pag nagmintis ako. Choke only. But yes, I mean it.

04. Harty Potter and The Cursed Child
By J.K, Rowling, Jack Thorne and John TiffanyReading Period: 14-December-2016 to 15-Dec-2016 (09:44AM)Image Source: NeoSoarBook app, screenshot from my phone