Hindi iyung author. Mura Kami. Nagmumurang kamias, kamatis at kung anu-ano pa.
Bilang nababasa, nakikita at naririnig ko kung paano maglandian ang mga kabataan ngayon, sinubukan kong mag-send ng selfie kay Sir_Ko. Nasa trabaho siya nito kaya sa Skype ako nag-message. Sabi ko hindi ako makatulog at mag-send din siya ng selfie sa akin.
Ang sagot.
"Hindi ako marunong gumamit ng webcam dito."
Hay. We are so old!
Pages - Menu
▼
Saturday, December 17, 2016
Friday, December 16, 2016
Feelingerang Froglet
Thursday, December 15, 2016
Sus!
Confusing talaga, guysh. Pag may balat ay unshelled, pag wala e shelled? Diba dapat DESHELLED? Or deshellnized, just like... devirginized.
Which leads me to... pano pag di na virgin ang extra virgin olive oil?
Poetry brought to you by global warming
Kahit sumuko ang ulap,
At maglaho ang langit
Basta nandiyan ka,
Dadaloy ako sa iyong walang pag-aalala.
Kahit saglit lang
Kahit sa isang kisap lang ng mata
Kahit walang pangakong makikita ka
Araw araw kitang tatagpuin
Para mapaso ako.
At maglaho para maging ulap,
para maging ulan,
para bumalik sa buhangin,
Mahawakan ka lang.
Madampian ka lang.
Makilala ka lang.
Makita ka lang.
Marinig ka lang.
Nauubos akong dumadami.
At maglaho ang langit
Basta nandiyan ka,
Dadaloy ako sa iyong walang pag-aalala.
Kahit saglit lang
Kahit sa isang kisap lang ng mata
Kahit walang pangakong makikita ka
Araw araw kitang tatagpuin
Para mapaso ako.
At maglaho para maging ulap,
para maging ulan,
para bumalik sa buhangin,
Mahawakan ka lang.
Madampian ka lang.
Makilala ka lang.
Makita ka lang.
Marinig ka lang.
Nauubos akong dumadami.
Wednesday, December 14, 2016
Handa ka na bang ibigay ang iyong Kewpie?
Mga kumare, baka wala pa kayong pang-regalo sa mga labidabs niyo ngayong Pasko. Subukan niyong magbigay ng Kewpie. Masarap, sariwa, walang kapares ang lasa. Babalik balikan talaga ito ng makakatikim. Bili ka na ng marami kasi pinapakyaw talaga ito kapag season of giving. Ingat lang sa pagi-imbak. Mahirap na kapag nag-expire ang iyong Kewpie.
No Tasty, Noooo!!!
Ako lagi akong nanonood ng mga videos ng Tasty sa Facebook. Pero kinilabutan ako rito sa isang ito. Parang bunga ng constipation.
Tuesday, December 13, 2016
Bigay Kahulugan
Bago ko pa nabasa ang kakikayang libro na "He's Not Just Into You" dinurog na ng tatay ko ang lahat ng aking mga nakakahiyang pantasya pagdating sa pag-ibig. Ishe-share ko ito sa inyo kasi baka makatulong. Babae ka man o lalake, bakla o tomboy, o kung ano pang gender (di na ako makasunod these days sa dami ng acronym), applicable ito. Wala naman kasing pinipiling kasarian ang pagpapaka-dalubhasa sa BK (Bigay Kahulugan). Sana maka-recover ka na. Kung ang ibig mang sabihin niyan ay mangumpisal ka ng marubdob mong damdamin sa subject of your affection o di kaya e maghatol ng amnesia sa sarili para makalimot, go. Push mo iyan. Kasi kung hindi, padadalhan kita nung certificate diyan sa ibaba. Ipaaabot ko sa crush mo para mas may audience impact.
Ako: Papa, yung isa kong kakilala lagi akong inaayang mag-kape at saka kumain. Lagi kaming sabay. Tingin mo ba type ako 'nun?
Papa: Ahh... hindi. Lagi lang siyang gutom.
Ako: Naman eeeeh!
Papa: O bakit, may sinasabi ba siyang gusto niyang maging steady na kayo?
Ako: Wala po.
Papa: Ayun naman pala. Kung walang sinasabi at laging nag-aaya, ibig sabihin lagi lang siyang gutom. Yun lang 'yon.
Ako: Papa, yung isa kong kakilala lagi akong inaayang mag-kape at saka kumain. Lagi kaming sabay. Tingin mo ba type ako 'nun?
Papa: Ahh... hindi. Lagi lang siyang gutom.
Ako: Naman eeeeh!
Papa: O bakit, may sinasabi ba siyang gusto niyang maging steady na kayo?
Ako: Wala po.
Papa: Ayun naman pala. Kung walang sinasabi at laging nag-aaya, ibig sabihin lagi lang siyang gutom. Yun lang 'yon.