Kuha noong September 12, 2014
Team Dinner Sa Buffet 101
|
Pages - Menu
▼
Saturday, May 30, 2015
Friday, May 29, 2015
You know what the other problem is?
When I am hurt, I feel that this bad thing here is justified. It is my sweet revenge to any attack to my dreams or my inner peace. Every puff is a teardrop or hurtful words not said. Every puff a reminder of my ideas and hopes about living and loving. I am but a fragment of all that I wanted to be when I was small. I am the sad piece left from years of compromise. Compromise. Compromise. I know this cannot be right. But when I smoke, I am reunited with my favorite version of me. The one that got away.
See, as I am posting this, I feel that I deserve to smoke. I don't know. I really don't.
When the going gets tough, the tough get puffin...
Ilang beses na akong natuksong magkaroon ng "niche blog" pero laging nanlalaban ang puso ko. Ang mga batang tulad ko na sumabay sa pagba-blog noong panahon ng dot-com bubble ay nagsusulat na para bang may bagong diary. Mapusok, maloko, malabo, walang paligoy-ligoy.
Ang post na ito ay dapat sa diary na may kandado nilalagay. Kagaya nang marami ko pang post, tungkol ito sa akin. Kausap ko ang sarili ko. Pero kung gusto mong sumali, choice mo 'yan. Basta huwag kang magulo.
Anyway, ilang taon ko nang gustong tumigil sa paninigarilyo. Ibinitin ko na nang patiwarik ang bisyong ito at saka kinatay. Inaalam kung paano nagsimula, hinahanap sa apdo ng mga dahilan kung bakit ang paninigarilyo ay di ko magawang tigilan.
Sabi ng maraming sikat na nagsulat tungkol sa pagbitiw sa Sunog Baga Gang, isa raw itong addiction. Therefore, hindi raw magagamot ng basta-basta. Sinubukan kong basahin, nakikinig pa nga ako ng audio book na version, pero wala. Wala talaga. Kung hindi lang downloaded torrent files yung pinakikinggan ko e sisingil talaga ako dun sa kanilang money back pakulo.
Enter a friend's bright idea. Hindi naman pagyoyosi ang pinag-uusapan namin noon. Pag-ibig at paglalakbay ang tema, pero nabanggit niya, "DISPLACEMENT LANG YAN!" Sabi pa niya, "if you're not doing this, then you're doing the other."
Oo nga. Kailangan kong i-displace ang pagnanasang maghithit-buga. Kahit napapabalitang panalo sa multi-tasking ang kababaihan, may expiration date yun. Hindi na nga ako maka-chika habang nagte-text eh. So ang aking space na kakainin ay dapat na walang nicotine. Weh e pano naman yun?
Slide is from here |
Here's the grand plan.
1. Hindi muna ako pupunta sa tinatawag na Lung Center dun sa building ng office namin.
2. Kapag ako'y naglalaway sa masamang hangin, magdo-drowing ako. O kaya magpo-post dito sa blog. O kaya susulat ng tula. O kaya magbabasa ng Sophie's World para maubusan ako ng lakas para gumawa ng kahit pa ano. At higit sa lahat, kung hindi gumana ang mga naunang pagpipilian, isusulat ko ang dahilan kung bakit ako magyo-yosi break. Yung 5Why's method. I think, bago pa ako matapos e nagagalit na ako.
3. Kapag maglalakad ako papasok sa trabaho at pauwi ay mag-dadala ako ng tubig. Para may sisipsipin pa rin.
4. Pangatawanan. B a w a l a n g k a p e. At kahit anong may kulay/flavor na inumin.
4. Magdadasal? Sana kaya.
So ayan na muna. Pero bago iyan, ubusin ko muna ito. K?