Napakasayang regalo.
Pages - Menu
▼
Saturday, January 12, 2013
Friday, January 11, 2013
Para kanino ka bumabangon?
Sabi yan sa isang madamdaming TV commercial. Madamdamin din ang mga sagot. Pero sa totoo, dahil di naman nakakabusog ang pag-ibig, ligaya, prinsipyo, pangarap at kung anu-ano pang di nahahawakan ng kamay, ang mga obrerong gaya natin ay bumabangon para rito. Para ibigay sa mga higanteng negosyante. Araw araw silang bumabangon para sa atin,
guysh. Para kumubra. Sweet lang. Syet.
guysh. Para kumubra. Sweet lang. Syet.
Ang ilang taong pinaghirapan, ganito lang ang itsura kapag sinalansan. |
Binubusising maigi ng teller sa bangko.
Baka kasi kulang. At saka kailangan pahirin ang pawis, luha at dugong kumapit sa papel. |
Monday, January 07, 2013
Hindi ako makapaniwala
... na may pasok na ulit mamaya. Hindi pa ako tapos magbakasyon. Hindi pa. Hindi pa talaga. Pramis.
Dalawang linggo dapat ang bakasyon pero kami ni Gagamgirl ay nanakawan ng ilang araw dahil sa sakit. Hindi ba yan pwedeng excuse? May medical certificate, medical abstract at pekatyurs akong maibibigay.
Oh well, mangyayari naman talaga ito. So see you all tonight (as if may readers)!