Pages - Menu

Wednesday, September 05, 2012

OMG Napakalaking Suso

3AM. Galing kami ni Hubby sa masayang gimik (yon eh, bagets na bagets lang!) noong madaanan namin ito. Ang laking suso! Kita mo?






















O eto, mas maliwanag. Pati putik sa paa ko kita mo na dapat. Kalahati ng paa ko guysh. Ang laki talaga.

Eto siya, up close and personal. 

Makuwento ko lang... Kung matanda ka na, or may matandang matiyagang nagkuwento sa iyo... siguro alam mo yung Susong Imelda. Kinarir daw yun ng breeding noong 1970's para panlaban sa mga peste. Sa halip na gumamit ng kemikal na pesticide, natural way daw. 

Halos ganito rin kalaki ang mga susong Imelda pero yung mga iyon, bilog. Tsaka pula ang itlog, ang gandang tingnan kasi halos parang mukhang nakatikom na lotus flower (pula or pink) pag galing sa malayo. May alaga kaming ganun dati sa maliit na fishpond ng tatay ko, pagkain ng mga alaga naming itik na unti-unti ring naubos dahil ninakaw at pinulutan ng mga kapitbahay. 

Hindi ako nag-iimbento. Totoo ang Susong Imelda, basahin niyo rito. Ang naging problema lang, sa kalaunan, hindi na nag-alaga ng itik ang mga tao kaya wala ng kumain sa Susong Imelda. Tuloy, sa halip na  sila ang panlaban sa peste, sila na rin ang naging peste (parang mga tamad na government employees).

Pero sa kabila ng lahat, sa tingin ko, epektibo ngang panlaban sa peste ang susong Imelda. Kasi eventually, na-people power din naman ang rehimen. 

Tuesday, September 04, 2012

Domestic To-Do-List

Obese na ang aming to-do-list. Hirap kapag parehong nagta-trabaho ang nanay at tatay kapag walang mga lolo at lola na pwedeng hingan ng tulong. Ang layo kasi namin sa kanila...

Makuwento ko lang. Baka may makatulong.

  • Purgahin si TLO. Dapat daw ginagawa ito kahit walang signs ng bulate.
  • Ihanap si TLO ng bagong Pedia na taga-Makati.
  • Kausapin si Yaya na huwag gawing date place ang bahay. Lately, namimihasa itong pinapadalaw ang asawa habang kaming dalawa ay nasa trabaho.
  • Mag-set ng appointment sa bagong Speech Therapist ni TLO. Parang di niya kasundo ang current therapist niya.
  • Ipaalala kay yaya na ang paglalaba ay hindi hobby na araw-araw ginagawa. Pwede yun kung nakatira kami sa tabi ng ilog (at malinis pa ang ilog).
  • Hanapan ng paraan na magamot ng permanente si Bogart, scooter ni Hubby. Mula pa noong na-Ondoy, nakatengga na si Bogart. Magagawa sandali, masisira ulit.
  • Pagawan ng screen door ang pinto. Kawawa naman si yaya, mainit sa sala pag gabi.
  • Pagawan ng toddler harang ang pinto dahil naglalakas loob na si TLO na lumabas ng bahay. Afraid. Baka dumiretso sa hagdan.
  • Idefrost ang ref. Hindi pa ito nadedefrost mula nung nabili last year.

Hay nakow. Sigurado marami pa akong nakakalimutan.

Sunday, September 02, 2012

Lea

Nakikinig si mister ng mga kanta ng ASIN noong nakaraang Sabado kaya naalala ko itong isa sa mga paborito kong kanta ng BUKLOD. Sa mga kabataang nagtitiyaga sa mga pa-sweet na kanta ng kung sinu-sinong wala namang talent, hanapin niyo ang mga kanta ng ASIN at BUKLOD. Please.

Wala akong hypnosis powers pero sana gawin mo ito. Umayos ka ng upo (o tayo), huminga ng malalim - dahan dahan, ten counts. Tapos pakinggan mo ang kanta.

Para sa mga may minamahal na nasa malayo
Para sa mga ngmamahal pero malayong mahalin
Para sa mga malapit lang sa minamahal pero parang ang layo na
Para sa lahat ng naghihintay dalawin ng pag-ibig







Kinanta ni Gerlyn Espino
Mula sa Tatsulok album ng Buklod