Pages - Menu

Thursday, August 09, 2012

Peg ba ang gusto?

Itong si T ay nag-post sa kanyang FB wall ng isang magandang wedding proposal video. Inulan tuloy ng luha ang ginigisa kong sayote. At dahil nasimulan na rin naman ang habagat na emo, naalala ko na rin ang isang post na inaagnas na kasama ng isang sako pang to-write list.

PEG. Makiuso lang sa term. Peg pala ha. Ito ang wedding pegs of my lifetime. Taimtim kong pinagdasal ang wedding days ng mga babaeng ito: Regine, Juday at Jolina. Matiyaga kong inabangan ang mga kwento. Nakiki-atungal pag sumemplang. Nakakapagtakang di ako imbitado sa dami ng psychic involvement ko ha.

Anyway...

Peg ito dahil sa pinagdaanang hirap ng mga bride. Kitang kita naman ang tuwa nila sa mga wedding videos. Yung isa diwata, yung isang naka-pulang biker chick ang tema, yung isa diyosa sa beach. Halos dumamba sa tuwa ang mga lola. Wagas ang mga wedding vows. F na F. Achieve na achieve.

Peg ito dahil hindi nagtipid sa keso ang mga groom (well si Ogie medyo nagtipid pero deadma na, mas mahalaga si Ate Rej). Luha kung luha. Ngiti kung ngiti.

Peg ito dahil damang dama sa detalye ang maingat na pagpaplano. May pulang dot, parang special siopao bola-bula. May itlog na pula.

At higit sa lahat, peg ito dahil akala ng lahat, gantsilyo na lang ang mahahawakan ng mga babaeng ito. Sumuporta ng pamilya. Kandakuba sa trabaho para guminhawa ang buhay ng lahat ng mahal nila sa buhay. Akalain mong nakahawak din sila ng wedding bouquet. Good job din ang tadhana.

So eto na. Peg kung peg. Hindi na para sa akin. Para ito sa lahat ng kaibigan at kakilala na araw-araw tumataya sa pa-raffle ng Bride-Ka-Na Showcase. At para sa anak ko, sakaling pangrapin niya rin ito balang araw.

JOLENS



ATE REJ



JUDAY